Hanggang Dito Na Lang

17 0 0
                                    

Ang one shot na ito ay inspired sa kantang Hanggang Dito Nalang song cover by TJ Monterde :)

Play niyo :'(


At ang dahilan kung bakit #MinMin couple ang ginawa kong portrayer ay dahil........... ang cute nila! Diba? Diba? Panuorin niyo yung Call you bae Huhu. Kahit na medyo mukha silang magkapatid lols. At sila rin ang na-i-imagine ko dito. Waaaa~~
Sorry magulo utak ko, sakit ng tiyan ko e. Lols. Anyway, basahin niyo naaaa. Haha

*******************************

Nakasandal lang ako sa bintana ng kotse at nagpapanggap na tulog. Malakas ang ulan at rinig ang tunog ng mga nagma-madaling sasakyan. Ang ingay ng kapaligiran pero napaka-lungkot parin sa pakiramdam.

Naramdaman ko ang kamay ni Arkin sa kaliwang kamay ko. He intertwined our hands.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at inisip kung paano kami nakarating sa puntong ito ng relasyon naming dalawa. Kung paanong nakakaya kong magpanggap na tulog sa harap niya para hindi na kami mag-usap. Kung paanong nakakaya naming magsinungaling sa isa't-isa. Magsinungaling at magpanggap na ayos lang ang lahat. Na walang problema kahit na ramdam na ramdam namin na meron.

Totoo nga yung sabi nila. Mas madaling magpanggap na ayos lang ang lahat kaysa ang harapin ang katotohanan na malapit na kayong masira.

Masira dahil sa isa't-isa.

Umandar na ulit ang mga saskyan sa unahan namin. Pinakawalan niya ang kamay ko at nagsimula na ulit mag-drive ng sasakyan. Sana kung gaano kadali niyang bitawan ang mga kamay ko at magpatuloy sa pag-andar, ay ganon din niya ako ka-bilis makalimutan.

Sana mabilis siyang maka-move on.

Sana mabilis niya akong makalimutan. Para hindi siya masyadong masaktan kapag nawala ako. 'Tsaka ko na iisipin kung paano ako magpapatuloy mabuhay ng wala siya. I don't want to forget my memories about him though.... and it's not possible. He's my one great love. Ang isipin palang na kakalimutan ko siya ay nagpapasikip na ng dibdib ko.

Arkin is one of a kind. He's my ideal guy. Marami ang makakapansin 'non lalo na kapag naghiwalay kami. I'm sure makakahanap agad siya ng iba. Mas better sa akin. 'Yung papahalagahan siya at mas maiintindihan siya.

Wala siyang oras sakin. Ganun din ako sa kanya. Wala kaming oras sa isa't-isa. I find it useless na ipagpatuloy pa ang isang relasyon kung hindi rin naman ito nag-wo-work. Parang wala lang din.

Bumagal ang takbo ng sasakyan niya ng pumasok na kami sa subdivision kung saan ako nakatira.

Parang gusto ko'ng pabagalin ang lalo ang takbo ng sasakyan. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Ito na yung last e.

I'll definitely miss him. Big time.

Ma-mi-miss ko yung paghatid niya sa akin. 'Yung pagtawa niya. 'Yung mga text at tawag niya. I hope hindi niya ako i-block sa social media accounts niya para naman makita ko parin siya.

"Meg," tawag niya sa akin ng tumigil kami sa tapat ng bahay namin. "Andito na tayo sa inyo." Mahinang tinapik niya ang pisngi ko.

Nagpanggap ako na kakagising lang at humarap sa kanya. He's smiling from ear to ear. Iniwas ko ang tingin sa kanya.

Paano ako makikipaghiwalay sa kanya kung ganito siya?

Hindi muna ako bumaba sa sasakyan niya. Pinag-iisipan ko pa kung paano ko sisimulan ang sasabihin sa kanya.

Hanggang Dito NalangWhere stories live. Discover now