You belong with me

15 0 0
                                    

Matapos ang pag amin ni Ryan kay Natasha tungkol sa nadarama niya, at matapos ang kanilang pagiging matalik na pagkakaibigan, naging masaya parin silang dalawa sa kani kanilang buhay estudyante. Kahit kakalipat lang ni Ryan sa eskwelahan na yon, madami na agad siyang naging kaibigan. Ang mga kaklase niya na sila Carlo, Rey, at tsaka si John Paul, na meron ding kani kanilang istorya ng pagmamahal.

Ganon din naman si Natasha, madami din siyang naging kaibigan kahit na ang tingin sa kanya ng nakakarami ay tomboy. Ang pananamit ni Natasha ay parang pananamit ng isang lalaki. Kung hindi nga lang siya nakapalda na buhat ng kanilang uniform, mapagkakamalan na siyang lalaki. Palaging nakatago ang mahaba niyang buhok sa ilalim ng sumbrero na may tatak na Superman sa unahan, napakasimple naman ng kanyang mukha, ni hindi ito nadadampian ng make up. Kaya naman kahit ganon ang pananamit niya, may nahulog pa rin para sa kanya, isa sa kaibigan niya. Si Jeffrey.

Kaklase niya si Jeffrey at kaibigan din siya ni Natasha. Isa pang kaibigan niya ay si Scarlett, na mula pagkabata ay bestfriend na niya. Kaibigan din niya ang boyfriend ni Scarlett na si James Vincent.

"Nat, may liligawan ako, tulungan mo naman ako." Sabi ni Ryan nang isang gabi na sila ay nasa bubong ng bahay nila, ang lugar kung saan din nagtapat ng nararamdaman si Ryan. "Sige, sino ba yung liligawan mo?" Nag aalangang sagot ni Natasha. Hindi niya alam sa sarili nya kung bakit parang may parte ng sarili niya na ayaw niyang magkaroon ng girlfriend si Ryan. "Si. . . Arlene. " ayun pa ang lalong nagpagulo sa isip ni Natasha, ang babaing liligawan ni Ryan. Hindi naman sa pangit si Arlene, ang problema kase sa kanya feeling niya siya lang ang pinaka maganda sa buong school nila. Tapos hindi mangyayari na makikita mo na walang kolorete sa pagmumukha. Yung labi niya na sobrang pula. Siya rin yung tipo na maririnigan mo ng mahigit isang daang "char" na word sa buong araw.

Kahit anong alangan ni Natasha na wag mangligaw, wala pa rin siyang nagawa. Tinulungan pa rin niya si Ryan na manligaw kay Arlene. Si Natasha ang taga bili ng bulaklak, chocolate at kung ano ano pang binibigay ni Ryan kay Arlene.

"Baka naman nasasaktan ka lang? Hindi kaya may feelings ka rin para kay Ryan?" Tanong ni Scarlett kay Natasha nang isang araw na naglalakad sila papunta sa bilihan ng bulaklak. "Ako? Hindi no. Hindi ko nga alam kung paano ma inlove." Napaisip si Natasha. Hindi pa siya naiinlove sa kahit na sinong lalaki, so paano niya nalaman na hindi siya inlove kay Ryan? Pero magmula ng usapang iyon ay lagi nang naguguluhan si Natasha sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano nga ba ang nararamdaman niya. "Hay nako, pumunta ka nga sa bahay mamaya, ipapahiram ko sayo yung mga romance na movies at books ko, para naman magkaroon ka ng idea sa meaning ng love." Ngunit tumahimik na lamang si Natasha.

Sumapit ang buwan ng Enero, nagulat ang lahat sa isang announcement sa school nila. "I am so excited!!" Sigaw ni Scarlett nang mabasa niya ang nakapaskil sa bulletin board nila. Isang buwan na lang ay ang traditional ball na. Ang inaabangan ng mga kababaihan na nasa third year high school at fourth year high school na. Ang J.S prom, na mas lalong pinabongga dahil 30th year celebration ng school nila. "Aattend ka ba?" Tanong ni Scarlett kay Natasha. Si Natasha na nakatulala at tila ba malalim ang iniisip. Nakatulala siya at nakatingin sa malayo. Pero nagulat si Natasha nang may biglang lumagabog. "Ang lalim kase ng iniisip mo" sabi ni Scarlett na nakatingin na din sa direksyon kung saan nakatitig si Natasha. Nagulat naman si Scarlett, dahil si Natasha ay nakatitig kay Ryan na kausap si Arlene. "Ay, ano? Kinarma ka tuloy. Iniwasan mo pa kase nung nagtapat sayo eh." Ayun nga ang nararamdaman ni Natasha, para bang may halong pagsisisi at kaba. Hindi nga kaya nahulog na siya sa bestfriend niya na iniwasan niya dati dahil nagtapat ng nararamdaman sa kanya? "Hay nako. Natasha, kung ako sayo umattend ka na lang dito sa darating na J.S prom, para maiparealize mo ulit sa kanya na mahal ka niya." Dahil wala sa sarili si Natasha, inilista na ni Scarlett ang pangalan niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our SongWhere stories live. Discover now