Take a Chance

28 0 0
                                    

Sa isang barangay sa Biñan,Laguna, naninirahan si Natasha at ang pamilya nya. Masasabing masaya ang pamilya ni Natasha Diaz. Mananahi ang hanap buhay ng nanay ni Natasha na si aling Magdalena, kagaya ng hanap buhay ng karamihan sa naninirahan sa barangay na yun. Samantala ang kanyang ama naman na si mang Leo, ay isang tricycle driver. May kaya ang pamilya Diaz. Bukod kay Natasha meron pang syang tatlong kapatid. Dalawa ang nakakatanda sa kanya, isa naman ang mas nakakabata sa kanya. Ang kanyang panganay na kapatid ay si Anthony Diaz. Si Anthony ay labing walong taong gulang. Masipag na mag aaral si Anthony nasa third year college na si Anthony, kumukuha sya ng kursong may koneksyon sa computer. Siya ang pinakamalapit kay Natasha. Ang sumunod naman nyang kapatid ay si Alexander, hindi gaya ni Anthony na subsob sa pag aaral, si Alexander ay pa-easy easy lang. Sya rin ang playboy sa kanilang apat na magkakapatid. Ang bunso naman nyang kapatid ay si Armani, parang si Alexander umasta kahit na ang bata bata pa. Apat na taon ang agwat nila sa bawat isa. Nasa America naman ang kapatid ng nanay nya na si Rona, siya ang paboritong tita ni Natasha, at paborito din sya ng kanya tita.

Si Natasha ay mahilig sa mga bata. Mahilig din sya sa pusa. Pero ang hilig nya talaga ay ang maglaro at manood ng basketball kasama ang kanyang mga kapatid. Napagkakamalan na nga siyang tomboy dahil sa kinikilos nito. Bukod sa kanyang mga kapatid, ang bestfriend nya ay lagi rin nyang kasama. Ang bestfriend nya ay si Scarlett. Mayaman ang pamilya ni Scarlett. Pero hindi kagaya ni Natasha, si Scarlett ay bata pa lamang marunong ng mag ayos sa sarili. Siya rin ang tipo ng tao na lagi mong maririnig na nagsasabi ng "totes, freak, pretty." At kung ano ano pang mga pang sosyal na salita.

Tuwing bakasyon ay nakikitira ang pinsan ni Scarlett sa bahay nila. Ang pinsan nya ay si Ryan. Si Ryan ay momma's boy. Hindi sya marunong makisalamuha sa ibang tao. Lalo na kapag di nya kilala. Siya yung tipo ng tao na mapapagkakamalan mong bakla. Kung hindi nga lang sya naglalaro ng basketball ay baka ganon na nga ang inisip ni Natasha sa kanya. Ang mundo nila ay pinagtagpo.

Isang araw, habang bumibili si Natasha sa tindahan ni aling Puring bigla bigla nakaramdam sya ng sakit sa batok. Tila ba na may tumama na matigas sa batok nya. Pagtingin niya ay may isang bola ng basketball sa paahan nya. Agad nya itong pinulot at ibinato sa taong dahilanh ng sakit na nadama nya sa batok. "Araaaaayy" isang malakas na sigaw na kahit si aling Puring ay rinig na rinig. "Bakit mo ko binato?" Tanong ng lalaking binato nya. Pero nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Hindi nya pinapansin ang paulit ulit na tanong ng lalaking binato nya. Hanggang sa nagulat sya dahil hinawakan sya nitong lalaki sa kamay, pero mas ikinagulat ng lalaki ang ginawa ni Natasha. "Araay." Panibagong sakit ang nadama ng lalaki. Sinampal sya ni Natasha. Pagkatapos ay tumakbo na sya papasok sa gate ng kanilang bahay.

"Anong nangyare sa mukha mo? Bakit namumula?." Tanong kay Ryan ng kanyang ina. Ikinwento ni Ryan ang nangyare, mula sa pagkakabato sa kanya ng bola hanggang sa pagkakasampal sa kanya. Dali dali namang lumabas ng bahay ang nanay ni Ryan, patungo sya sa bahay ng nanakit sa kanyang anak. Sa bahay ni Natasha. Sumigaw sya ng sumigaw sa gate ng bahay nila Natasha, habang si Ryan naman ay nakahawak sa braso ng kanyang ina na tila ba pinipigilan at hindi natutuwa sa ginagawa ng kanyang ina. Lumabas ang ina at ama ni Natasha, kasama ang buong pamilya. Agad namang nagsalita si Ryan- "ah, pasensya na po kayo. Aalis na po kame." Ayun na nga ang ginawa ng mag ina. Umalis sila sa bahay ng mga Diaz.

"Isa nga hong yema aling Puring." Suot ni Natasha ang Sumbrero na palagi naman nyang suot. Kulay itim na may logo ni Superman sa unahan. Nakasuot din sya ng jersey short. "Aling Puring, lima na ho." Ikinagulat ni Natasha ang boses na biglang sumulpot sa kanyang likuran. Ito ay nanggaling sa lalaking binato nya ng bola at sinampal sa mukha. "Gusto ko sana humingi ng sorry." Sabi ng lalaki. "Tsaka nga pala dun sa ginawa ng nanay ko kagabi." Dagdag nya pa. Inabot nya ang limang yema kay Natasha. Napangiti naman si Natasha. "Ok na yun, pero ang sakit non huh." Ngumiti rin naman ng bahagya ang lalaki at sinabing, "masakit din kaya yung sampal mo at pagbato mo sakin." Inihain naman ng lalaki ang kanyang palad na tila ba naghihintay na hawakan ni Natasha ang kamay nya at sinabing, "Ryan Valencia." Hinawakan naman ni Natasha at kinamayan nya ito at sinabing "Natasha Diaz, kaano ano mo si Scarlett?" May kunot sa noo nyang tanong. Natawa nalang si Natasha sa sagot ni Ryan. Natawa sya nang malaman nyang pinsan pala ito ng bestfriend nya. Dun nagsimula ang kanilang matalik na pagkakaibigan nila.

Our SongWhere stories live. Discover now