Or is he just good at hiding his feelings?

"Eh yung kapatid mo talaga?" Tanong ko sakanya.

"Close ako sakanila. Si Brylle and Blaine." Lahat sila lalaki?

"Boys kayong lahat?" Masaya kaya yun?

"Nope. Babae si Blaine. She's 21 years old. While Brylle is 23."

Ay punyeta. Mas matanda pa sakin yung bunso nila!

"Ohh. Don't you feel awkward? Satin?" I asked.

"Bakit naman?" He stopped eating.

"You're 4 years older than me tapos yung youngest sister mo, mas matanda pa sakin." I shyly answered. Well, gusto ko lang malaman.

"Ganun ba yun? Dapat ba kasing edad mo ko? Di naman ah. Tsaka you should date someone older than you. Para balanced."

Napainom ako ng tubig sakanya.

"Would you mind to stay here until I'm done recording my students' scores? Saglit lang 'to." Hmm. Pwede naman. Pero bakit ko pa siya kailangan hintayin?

"I don't mind at all. Pero, pwede naman umuwi na ako. Why do I have to wait for you?" Takang tanong ko.

"Ihahatid kita sainyo." Eto na naman kami sa pagiging bossy niya.

"Wag na. Marunong naman ako umuwi." Kung masungit ka, mas masungit ako kaysa sayo. Kala mo ah.

"Ako nag dala sayo dito, ako rin ang mag-uuwi." Ay, nakonsensya lang pala. Sayang.

Umiling lang siya at bumalik na sa pagkain.

I volunteered to do the dishes. Siyempre, nakakahiya naman diba.

Nung nasa byahe kami, ang buhay ko naman ang pinag-usapan namin.

I told him about how my classmates bullied me when I was in elementary hanggang high school. How I cope up with life.  I was a bit disappointed, thou. Paano ba naman, backstabbers everywhere.

I guess, ganyan talaga ang buhay.

"I'm so proud that after everything you went through, you're still the same. Pain changes people. Pero inintindi mo lahat ng nakasakit sayo. That makes you a strong person." He genuinely said.

Ang sarap sa pakiramdam pag may nag sabi sayo na proud siya sayo pag sa tingin mo, you're not good enough. It's been a long time since I felt this.

Pag dating namin sa condo ay napuno kami ng katahimikan. Parang ayoko pumasok.

"Thank you for tonight." I waved my good bye.

He nodded and kissed me on my forehead.

Indeed, today is a long day.

*****

Kinabukasan, ganun pa din.

Well except, Ace showered me with questions.

Tinanong nya ako kung boyfriend ko daw yun, I denied.

Di naman eh.

"Alam mo, his voice is familiar. Parang narinig ko na somewhere." Bulong sakin ni Ace.

Napaayos ako ng upo.

Nasa gitna kasi kami ng klase.

"Really? Baka akala mo lang yun." I whispered back.

Di nya pwedeng malaman yun.

"No... Swear.. Narinig ko na ang boses nya eh." Sabi nya habang umiiling pa.

Fudge. Buti wala kaming Philippine Lit ngayon!

"Ewan ko sayo." I murmured.

"Someday, malalaman ko din kung sino yun." Umayos din sya ng upo.

Medyo naka-lean kasi sya sakin.

"Don't bother, Ace. Di naman kailangan. Di ko boyfriend yun." Kumbinsi ko sakanya.

"No.. " he smirked.

"Ace and Gwendolyn, get out of my class!" Sigaw ng prof namin.

I tsked. Ang kulit kasi eh.

"Sa labas lang kayo ng classroom ko hanggang matapos ang oras ko! Kakausapin ko kayo mamaya." Dagdag pa ni Miss Sungit.

Hayyyy! Menopause!

Lumabas kami ni Ace at sya? Tila natatawa pa.

"Anong nakakatawa sa pagpapalabas satin?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Wala. Nakakatawa sya. Lumalaki ang butas ng ilong nya." Sabi nya sabay hagalpak ng tawa.

Natawa na din ako.

"Beast mode eh!" Napailing ako.

Tumawa ulit kaming dalawa.

Dahil dun, lumabas si Miss Sungit ng room.

"Anong nakakatawa?!" Sigaw nya.

"Ma'am lumaki po kasi yung butas ng ilong----" sabi ni Ace.

Siniko ko sya.

"Ng bente po ni Ace. Yung ilong po ng bente pesos ni Ace." I said.

Hala? Ano daw sinabi ko?!?!?!

Sinesermunan nya kami at dumaan si Blake.

Nakatingin sya samin at umiling.

Ah shit. Here we go again.

One Fateful Night Where stories live. Discover now