"Waaaaaah! Thank you bes! Thank you thank you thank you!!" tuwang-tuwa na sabi ko.

"Okay class. Nakabunot na ba ang lahat? Okay, let's start our discussion"

***

Author's POV

Mabilis na nagdaan ang oras. Walang isang minuto na di magkasama ang magkasintahang Hari at Reyna.

"KIIIIIINNNGGG!! May hinandang Christmas party ang school naten! Dalo tayo bilis! Ikaw ka-date ko ha??" nakangiting sabi ni Queen sa kanyang King.

Ngunit inisnab lang siya ni King. Halatang ayaw ni King ang iniisip ni Queen sapagkat gusto niya itong masolo sa araw na iyon. 

Sumimangot naman si Queen dahil sa naging tugon ni King. "Ayaw mo ha? Edi tatawagan ko na lang si Grey para sabihing siy--"

"Shut up. I'll go to your stupid party" pagpuputol ni King sa sasabihin niya. Inaamin niyang ayaw niyang dumalo sa party kaso mas ayaw naman niyang may ibang kasamang lalake ang mahal niya sa araw ng Pasko noh. 

Alam na alam na ito ni Queen kaya't natawa na lang siya at niyakap si King.

"Don't worry. Hinding-hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit sinong lalake. Mapa-gwapo man yan o matalino, ikaw pa rin ang mamahalin ko" malambing na sabi ni Queen.

"Aba dapat lang" isip ni King habang nakayuko.

"Yieeee! Si King kinikilig! To namang si Queen, dumadamoves! Hahahaha!" biglang asar sa kanila ni Lindsey na kakadating pa lang.

"Ano ba naman yan Lindsey! Ang epal talaga nito. Nawala tuloy ang kilig moment nila" nakasimangot na sabi ni Ruth sa kambal niya.

Tumayo naman bigla si King at hinila na papalayo si Queen.

"Saan naman pupunta ang dalawang yon?" tanong ni Ace na kadadating pa lang din.

Nandito silang lahat sa tambayan ng Black Royalties' Gang. "So.. bakit nga pala tayo nandito?" tanong ng kanina pa tahimik na si Crisha.

"Tayo kasi ang nautusang mag-ayos ng gaganaping christmas party dito sa school. Kaylan--" natigil sa pagsasalita si Jack nang biglang tumayo si Crisha at lumabas na ng tambayan.

Walang ano-ano ay sinundan naman siya ni Joker.

"Psh.. Ano ba naman yung dalawang yon. Ayaw talagang maki-cooperate..." napakamot na lang ng ulo si Ace.

Biglang napatigil si Jack nang napansin niyang si Riley, Paris at Ace na lang ang nasa loob ng kwarto. Umalis na rin pala yung iba.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Where stories live. Discover now