HGG [24.5]

161K 2.6K 60
                                    

Chapter 24.5

Janine's POV

"Queen!! Gising na!!"

Napadilat ang aking napakakyot na mata. Tumumbad sa akin ang mukha ni Riza. Ahhh.. si Riza lang pala eh. Makatulog na nga lang ulit.

Pinikit ko na muli ang aking napakakyot na mata.

Naramdaman ko na lang na yinuyugyog ako ni Riza. "Queen!! Gising!! Mamaya na ang kasal, maligo ka na!!"

Napadilat ako sa sinabi niya. Kinuha ko na ang aking towel sa tabing drawer at dumiretso sa banyo.

"Gisingin mo na si Paris, Crisha at Riley. Sabihin mo maligo na para maagang makapag-ayos." sabi ko bago tuluyang pumasok sa lopb para makaligo.

****

Nakabihis na kaming lima.

Di pa din gising ang mga babaeng may atraso sa akin. "Kyaaa~ ang ganda ko!" tili ni Riley.

"Maharot kang babae ka. Sino may sabing maganda ka ha?" nakataas-kilay na tanong ko.

"Ako, sino ba narinig mong nagsabing maganda ako? Bingi lang?" nakataas-kilay din na sagot sa akin ni Riley.

"Hahaha!! Pwede ng kontrabida yang dalawang yan!" komento ni Riza. Napatawa naman kaming lahat.

Kasalukuyan na kaming nakasuot ng aming magagandang white dress at plano na naming iwanan ang mga babaeng hindi mahanap ang kanilang mga damit.

Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba na kung saan nandoon ang mga babaeng malaki ang eyebags dahil hindi nakatulog kagabi kakahanap ng kanilang mga damit.

Pagkakita nila sa amin ay bigla silang sumimangot except si Ruth na mukhang iiyak na.

"Bye na girls! Punta na kaming kasal." paalam ko. Bago kami makalabas lahat ay may pinasabi muna ako kay Riza na sabihin sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay.

****

Ellaine's POV

"Wag niyong hanapin sa kwarto ni Queen ang mga damit niyo ha? *wink.wink*" sabi ni Riza bago isarado ang pintuan.

Aba. Nakuha pang kumindat ng babaeng yon! Kung sapakin ko kaya siya?

Huhuhu..ang ganda nila. Samantalang kami... Waaaaah!! Nakakainis ka naman bes eh!

Napansin ko na lang na tumayo si Ruth sa pagkakaupo niya (syempre) at mukhang pupunta sa taas.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon