S.C [2]

142K 2.3K 52
                                    

Special Chapter 2- Ellaine's Special Chapter

Ellaine's POV

"Ahhhh... EX pala. He-he" awkward na sabi ko. Pramis! Awkward nga! 

"Uhm.. ipagtitimpla lang kita ng kape Devon" sabi nung EX niya. Nang nakalabas na siya ay tsaka ko hinarap si Prince na naga-Ipad. 

"Prince! Bat nandito yang EX mo?" tanong ko. Nag-shrug lang siya biglang tugon sa tanong ko at tinuon ulit ang pansin sa Ipad niya. 

Lumapit ako sa kanya at kinapa ang ulo niya kung mainit pa siya. Ngek?! Hindi naman ah! 

Bigla ko siyang binatukan. "Aray naman, Sweetheart!" angal nito.

Tinuro ko siya. "Bwiset ka! Pinapunta mo ko dito dahil sabi mo may sakit ka tapos madadatnan kong nagyayakapan kayo at malalamang wala ka namang LAGNAT?!" sigaw ko.

Ngumiti naman siya. "Eh kasi nami--" 

"I'm back! Eto na KAPE mo Devon!" sabi ng EX nang bigla siyang pumasok sa loob. 

Siya na ang naghawak ng mug para kay Prince samantalang may DALAWANG KAMAY si Prince! Bwiset! Bakit kailangang siya pa ang maghawak?!?

Narinig ko silang nag-uusap kaya minabuti kong lumabas ng kwarto. Alam mo yung OP ka? Eto yun eh!

"Ah Alleh! (Al-leh) Gusto mong sumama sa amin?" tanong bigla ni EX. Sigurado akong sinadya niya akong tawaging ALE.

"San naman kayo pupunta?" inis na tanong ko.

"Dyan sa labas. Maglalakad-lakad. Gusto mong sumama?" tanong niya habang nakangiti. Halatang pilit.

Psh, ayoko nga! Mamaya landiin ng EX na yan si Prince ko sa harapan ko eh. Masapak ko pa. 

"Ayoko. Uuwi na ako" inis pa rin na sagot ko. Lumabas na ako ng kwarto at kinuha ang aking bag sa sala at sinuot. Remember, galing akong school.

Palabas na sana ako ng nadatnan ko si Prince kasama yung EX niya pababa ng hagdan. At NAKAPULUPOT ang mga kamay nung EX kay Prince ko.

Sabay silang lumabas ng ganun ang porma.  "Ah wait! Sama na lang pala ako!" biglang sigaw ko. 

Tumakbo na ako palapit sa kanila at pumwesto sa likod nila. 

Bigla akong nagtaka. Bakit ko naisipang sumama? Ewan ko kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun eh. 

Psh, bayaan na nga! Nasabi ko na eh! Tsaka..para mabantayan ko si Prince.

Naglalakad-lakad lang kami habang nakapulupot pa rin ang mga kamay ni EX kay Prince. Bigla kaming tumigil sa harapan ng isang ice cream store.

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon