Prologue

33 2 1
                                    

Nakahiga ako ngayon sa matigas kong kama. Hindi ko mapigilang pumatak ang mga luha mula sa aking mga mata habang nakayakap sa isang litrato na nakalagay sa isang frame na inaamag na. Isang litrato na nagsisilbing nag iisang paalala na minsan akong naging masaya. Isang litrato na siyang dahilan kung bakit pinipilit kong maging matatag, gamit ang sarili kong mga paa.

Kamatayan nalang ang iniintay ko sa buhay kong hindi ko alam kung buhay pa bang matatawag.

Ngunit sa paglipas ng panahon, unti unting naging maliwanag sa akin ang lahat. Dapat akong magpakatatag. Marami pa akong gustong maabot.

Kilala ako ng karamihan bilang masayahin, palatawa, magaling magpayo, at positibo. Gayunpaman, sa kabila ng lahat, nakakubli sa kaibuturan ng aking puso at isipan ang multo ng nakaraan at ng kasalukuyan.

Mga multo na pinili kong kalimutan.

Bangungot na sa paglipas ng panahon ay akin na lamang nakasanayan.

Mas masayang maging masaya. Yan lamang ang aking pinanghahawakan.

Behind Those LaughsWhere stories live. Discover now