IBC WC: Contestant #1

Start from the beginning
                                        

Napakalambot ng kamay nya.

Iniabot nya ang isang pirasong red rose na hawak nya.

Hindi ko inasahang mangyayari ito.

Sobrang saya ko.

Yung puso ko parang gusto nang kumawala sa dibdib ko.

Nanginginig na ako.

Konti na lang matutumba na ako dito.

Meron na bang namatay dahil sa sobrang kilig?

Kung wala pa siguro ako yung kauna-unahan...

"Illeumun muwosimnikka?"

[What's your name?]

"Oppa..saranghaeyo.."

And then..everything went black.

...

Ano ba naman yan? Alas otso na hindi pa tumatawag si Mei!

Naiinip na ako isa pa nag-aalala na ako. Sabi ko naman, kung pupwede ay tumawag sya kada 30 minutes.

Hindi na talaga ako nakatiis, idinial ko na ang number nya.

["Hello?"]

Teka..bakit boses ng lalaki?!

"Hoy! Anong ginawa mo sa anak ko! Magbabayad ka! Nasan sya ha?! Bat nasayo ang cellphone nya?!"

["Hello..I'm sorry Sir. I don't understand. Can you please say it in english?"]

Mukha naman syang magalang. Medyo kumalma na ako. Siguro nagkaroon na sya ng kaibigan duon.

"I'm sorry I hysterical already. I'm her father. Ahm, Meissha...where is she?"

Hindi ako sanay sa ingles. Sana maintindihan nya ang sinasabi ko.

["Ahm..yeah. You mean..the owner of this phone..."]

"We're very sorry Sir---."

Ha? Ano? Sino yung nagsalita? Hindi baka imahinasyon ko lang na may nagsalita ng ganun!

"Ah..hello! Do you still there? My daughter, where is she?"

["Sir, I think..you should come here. The Hospital is **** ."]

Hindi na ako nagdalawang-isip, kinuha ko yung maleta ko na nakahanda na kanina pa.

Ang pinakakinatatakutan kong mangyari.

Mei...

Wag mong iiwan si Papa.

...

Nadatnan ko ang isang binatang nakaupo sa upuan sa tapat ng isang kwarto. Agad syang tumayo nang makita ako, magalang na yumuko at pinagbuksan ako ng pinto papasok sa kwarto. Kwartong tila nababalutan ng labis na kalungkutan.

Sa loob ng kwarto ay mayroong isang kama. Sa kama ay may nakahiga, at ito ay natatakpan ng isang puting kumot.

Sa mga oras na ito'y hinihiling ko na sana mali ang kwartong napasukan ko.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang dahan-dahan kong inaalis ang puting kumot.

Lalo pang lumakas ang agos ng luha ko nang makita ko ang mukha nya.

Nakapikit na sya pero maaliwalas ang mukha nya. Halatang pumanaw sya nang masaya. Napangiti naman ako.

Maya-maya, pumasok na sa loob ang lalaki at iniabot sakin ang isang basong inumin.

"Ahm...first of all sorry if my english so bad. Thank you so much for bringing my daughter here."

"You're welcome Sir."

"Are you...BamBam?"

Tumango sya.

Dali-dali akong lumapit sa maleta ko.

"She wants to give this to you. But...she is shy. So she decided to not bring this. She made this while staying at the hospital for medication."

Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang painting. Painting ito na magkatabi sya at si Mei.

"My daughter is really strong. You don't know but she loves you so much. On April 1, 2016, her doctor said her life won't last for 1 month, unless she'll have a heart transplant."

"Papa...ayoko pong magpa-heart transplant. Masasaktan lang po ako, mahihirapan pero mamamatay din lang. Mas pipiliin ko pong mamatay nang hindi nakakaranas ng sakit. Gusto ko pong mamatay nang masaya Papa."

"She worked hard to have money and travel here to see you. Her life supposed to not last in a month but she made it for more than 2 months. It's because she was fighting, to see you."

Lumuluha na din sya habang nagkwekwento ako.

"But now she is already resting, she doesn't have to fight anymore. I know that she's happy. Because she already saw you... before she died."

***

Meissha C. Sarmiento

Born: May 2, 1997

Died: June 7, 2016

IBC Activity SectionWhere stories live. Discover now