IBC WC: Contestant #1

Start from the beginning
                                        

...

Eto na my loves! Makikita na kita!

Hinalikan ko yung picture ni BamBam na nasa cellphone ko. Mukha lang naman akong tanga nung ginagawa ko yun. Iniisip ko nga kung kumakati ba yung ilong ni BamBam pag ginagawa ko to.

Nakasakay ako ngayon sa subway. Papunta na ako dun sa concert ng Got7.

Excited na talaga ako. Kung makikita nyo lang kung gaano kalapad yung ngiti ko. Wala na akong pakialam kung mapagkamalan ako ditong takas sa mental dahil nakangiti ako nang walang dahilan.

...

Masyadong maingay dito sa concert hall. Kanya-kanya ng sigaw ang mga fans. Kanya-kanya ng style ng pag-fafangirl.

Gusto kong sumigaw kagaya ng ibang fans pero ewan, parang nanunuyo na yung lalamunan ko dito.

Maya-maya pa ay namatay na lahat ng ilaw, lalong naghiyawan ang mga tao. Nakakabingi ang kaingayan pero sobrang saya sa pakiramdam, dati sa mga live performance video ko lang ito napaparinig. Dati hiniling ko na sana isa ako sa mga taong iyon na humihiyaw.

Hanggang sa...

Ang pinakahihintay ko...ng lahat. Ang pitong kalalakihan na nagbibigay ng kakaibang kasiyahan.

Nagsimula na silang mag-perform. Ako naman parang nabato na sa kinatatayuan ko. Alam nyo yung parang naiputan ng Ibong Adarna?

Pito silang nagpe-perform pero yung tingin ko, nakapako lang sa iisang tao. Sa taong sobrang mahal ko. Na sa hindi malamang dahilan, kahit gaano kasama ang araw ko ay gumaganda sa oras na makita ko sya. Sa taong pinaghuhugutan ko ng lakas sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob.

[GOT7 - So Lucky (Ballad Version)]

I'm so lucky

I'm so lucky kimi ni deaete

[I'm so lucky I met you]

So lucky hibi wa kagayaku

[So lucky, my days are sparkling]

Ang kantang yon...parang gusto ko nang maiyak.

So lucky you and me forever

Donna toki mo wasurenaide

[No matter at what time, please don't forget]

Say

Hanggang sa nandun sa part na sya ang kumakanta. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko yung mga lyrics na binabanggit nya, espesyal lang para sakin.

Tsuitenai tte sa naitenaide sa

[Don't cry and say that you have no luck]

Egao wo tayasazu ni

[Without letting your smile get wiped out]

Ako lang ba to o..talagang nakatingin sya sa direksyon ko?

Hora oikaketara mae wo muitara

[Look, if you keep chasing, if you keep facing forward,]

Imagination ko lang ba to? O talagang naglalakad sya sa part kung saan nakatayo ako?

Yume wo kitto kanaou

[Your dreams will surely come true]

Una sa lahat, bakit nandito na sya sa harapan ko? Pangalawa, bakit nakaaro ang kamay nya na para bang gusto nyang kuhanin ang kamay ko? Pangatlo, bakit nga ba andito na sya sa harapan ko?

If you feel your dreams come true

Parang biglang nag-mute ang paligid. At sya lang ang nakikita ko.

IBC Activity SectionWhere stories live. Discover now