Kinuha ko yung diary ko at nagsulat-sulat ako. Madrama akong tao. Lahat ng moment ay pinahahalagahan ko. Para sakin, ang bawat sandali ay mahalaga.
"Mei!"
Naparinig ko ang pagtawag ng isang lalaki, alam kong siya yon dahil sya lang ang tumatawag sakin ng ganung pangalan,
"Tuloy po kayo, papa."
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!"
Napatingin ako kay papa na naglalakad papalapit sakin habang nakangiting kumakanta. Napangiti na din ako.
"Happy birthday to you!"
Natapos ang kanta ni papa kasabay ng pagdating nya sa kinauupuan ko. Inilapag nya sa ibabaw ng study table yung hawak nyang cake tapos may nakatusok na maliit na candle na may sindi.
"Mei, mag-wish ka muna bago mo hipan yung kandila."
Tumango ako at pumikit na. Hindi ako naniniwala sa wish, miracle etcetera. Mas naniniwala ako sa effort. Dahil kung mag-eeffort ka, makukuha mo talaga ang gusto mo.
Hinipan ko na yung kandila tapos parang batang pumalakpak si papa.
"Ano yung hiniling mo Mei?"
"Hiniling ko po na sana makita ko si BamBam bago pa man ako mamatay. Hahaha!"
"Hahaha! Ikaw talagang bata ka. Sige na, matulog ka na."
Lumabas na si Papa sa kwarto ko. Isinarado ko na yung diary ko tapos itinago ko sa loob ng drawer.
...
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang beses ko nang pinisil ang pisngi ko. Pero hindi ako nananaginip.
Totoo nga na sa loob lang ng ilang oras, makikita ko na sa wakas ang taong pinakamamahal ko, na imposibleng mahalin ako pabalik.
Pambihirang tadhana nga naman, sa dinami-dami ng tao sa mundo. Duon sa taong ni hindi man lang alam miski ang pangalan ko, duon ko pa nahanap ang kaligayahan ko.
Inaantok na ako, pero ayaw kong matulog. Ayaw kong ipikit ang mga mata ko.
Iniisip ko kung ano ang gagawin ko sa oras na makita ko sya. Naisipan kong kuhanin ang diary ko at magsulat ulit.
Isinulat ko muna ang date ngayon.
June 7, 2016
Dear Diary,
....
Nagising ako nang marinig ko ang announcement. Narito na daw kami sa aming destinasyon.
Nakatulog pala ako.
Napangiti ako. Napakalaki ng ngiti ko na para bang mapupunit na ang labi ko. Hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko.
Bumaba na ako kasabay ng ibang pasahero. Napakabilis ng oras. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-text ako kay papa upang ipaalam sa kanya na nakarating na ako dito sa South Korea.
Maya-maya pa, nakababa na ako dito sa airport lobby. Lalong nag-umapaw ang kaligayahan ko.
Parang gusto kong magsisigaw pero nakakahiya.
Yung hanging sinisinghot ng idol ko sinisinghot ko na din sa mga panahong to! Ang sarap sa ilong grabe!
Ganito pala yung pakiramdam!
Teka sabi dito sa Got7 Updates, may concert sila mamayang 7pm.
Pagod pa ako sa byahe pero hindi ko na palalampasin ang pagkakataong makita sila.
YOU ARE READING
IBC Activity Section
RandomIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16
IBC WC: Contestant #1
Start from the beginning
