Pa Fall Ka

78 4 0
                                    

Pa Fall ka, alam mo kung bakit? Well, kung di mo alam ikukwento ko sayo.

***

Nung una, bago pa lang kita makilala sinabi ko na agad sa sarili ko na hinding-hindi ako mahuhulog sa isang tao. But the next thing I knew, nung makilala kita parang nakaramdam ako na something will happen between us. At hindi nga ako nagkamali kasi matapos yung araw na nakilala kita may nagpop-up agad sakin sa SMS ko, unknown number. Wala akong load non kaya hindi ko naitanong sa unknown number na iyon kung sino siya. The next morning may nagpop-up ulit sa cellphone ko na the same number ng last na nagtext sakin kagabi kaya lang wala pa din akong load non kaya hindi ko pa din naitanong kung sino yon. Hanggang sa dumating ang tangahali nakatanggap nanaman ako ng text message galing nanaman sa unknown number, pero dahil nga paulit ulit ko ng sinasabi na wala akong load non at tinatamad akong lumabas ng bahay dahil mainit, hindi ko nanaman naitanong kung sino yon. Pero nakapagdesisyon na ko non na mamayang gabi ako magpapaload para hindi na mainit sa daan.

Nung dumating ang gabi balak ko na sanang magpaalam kay Mama na magpapaload lang ako sa kanto kaya lang biglang nagring ang phone ko and nagpop-up yung unknown number na nagtetext sakin. Pumunta naman ako sa terrace namin kasi mahina signal sa loob, pagkasagot ko ng phone ko, boses ng lalaki ang narinig ko.

[Hello?]
"Hello? Sino to?"
[Si Jin to yung pinsan ng kaibigan mo, remember?]
"Ah oo natatandaan ko, bakit ka nga pala nagtetext sakin? Paano mo nalaman number ko?"
[Kinuha ko sa pinsan ko]
"Ah ganon ba?"
[Oo, kamusta ka na nga pala?]
"Ayos naman ako, ikaw ba?"
[Ayos lang din naman, kumain ka na ba?]
"Hindi pa, hindi pa kasi tapos magluto si Mama. Ikaw ba?"
[Kumain na ko. Huwag kang papagutom, tignan mo kung tapos na magluto Mama mo kumain ka na muna]

And with that conversation, naramdaman ko na may nagpapahalaga din pala saking ibang tao except sa friends ko. Yung tawag mo na yon nasundan pa ng maraming text and calls, minsan nga nagtataka na si Mama kasi madalas akong nasa terrace at paulit-ulit na lang na sinasabi ko sa kanya na nagpapahangin lang ako. Kahit wala tayong permanent topic sa text or call umaabot pa din tayo ng mga ilang oras dahil sa kung ano anong topic na naisisingit natin pareho, I admit na masarap kang kausap at hindi ka boring katext. Pero itong mga conversation sa text ang tumatak sa isip ko, lalo na sa puso ko;

'May boyfriend ka na ba?'
'Wala pa, bakit mo naitanong?'
'Wala lang, pwede bang mag-apply?'
'Apply? Hindi naman ako trabaho para mag-apply ka'
'Hindi ka nga trabaho pero mag-aapply ako bilang bodyguard mo na magtatanggol sa iyo anytime kung nasaan ka, magiging personal doctor mo na mag-aalaga sa iyo kapag may sakit ka, magiging driver mo kung saan ka man pupunta kahit pa sa may kanto lang, magiging clown mo na magpapasaya sa iyo sa oras na malungkot ka, at higit sa lahat magiging boyfriend mo na handang gawin ang lahat para sa iyo at mamahalin ka ng lubusan hanggang sa tayo'y tumanda'

Dahil sa tinext mo sakin na iyon, inisip ko na na mahalaga din pala ako para sa iyo, may kwenta din pala ako sa paningin mo, may puwang din pala ako sa puso mo. Inisip ko na maswerte din pala ako kasi may katulad mo na handang umalalay para sakin, na handang gawin ang lahat para lang sa akin.

Sa tingin ko umabot na tayo ng 2 or 3 years na ganyan. Hindi pa man tayo pero alam ko soon magiging official din tayo. Kasi base sa pinaparamdam mo sakin sa tuwing magkakausap tayo o magkakatext tayo nag i-I love you ka na sakin everyday. Tapos sa tuwing magkikita tayo pinaparamdam mo sakin na espesyal ako sa iyo, ikaw nanlilibre sakin, lagi mo kong sinasamahan sa mga lakad ko.

Maraming nagtatanong sakin na kaibigan ko kung ano na daw status natin pero ang lagi ko lang sinasabi sa kanila na 'Ewan ko sa kanya kung ano na kami' kasi maging ako din hindi ko alam kung ano na nga ba status natin, E sabi nila bakit daw hindi ko subukang tanungin sa iyo, sabi ko naman 'Bakit ako ang magtatanong? Hindi naman ako ang lalaki samin dalawa diba?' pero sabi lang nila sakin non, 'Good luck na lang sa inyo Fritz. Basta andito lang kami, suportado ka namin sa mga desisyon mo' Well ano nga ba kasi ang magagawa ko kung nahihiya akong magtanong sa iyo. Siguro naman kasi sasabihin mo sakin na nanliligaw ka na para naman makapagready ako, pero siguro nga tama ang sinabi sakin ng mga kaibigan ko na bakit hindi ko subukang i-try na itanong sayo baka sakaling magkaalaman na din. Try lang naman e, walang masamang i-try.

Minsan napagisip-isip ko na tanungin ka na ng deretsahan tungkol satin para malinawan na din ako at pati ikaw.

11:55 pm non, March 12, 2015. Itatanong ko na sana sa iyo thru text, pero pagkahawak ko pa lang ng cellphone ko ikaw agad ang nagpop-up sa SMS ko. Akala ko kakamustahin mo ko pero nabigla ako sa text mo.

'Fritz? Kung ano man ang meron tayo hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo huwag mo sanang mamasamain pero may girlfriend na ko Fritz sinagot niya ko kagabi lang kaya sorry kung umasa ka. Sinabi lang sakin ng pinsan ko na ganon na daw nararamdaman mo sakin. Sorry talaga Fritz hindi ko intensyon na saktan ka'

WOW! Alam mo ba yung feeling na para kang binagsakan ng isang blokeng yelo na sa sobrang sakit parang namanhid na ang buong katawan mo?

First kill yung sabihan ka na hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo, Double kill yung sabihing huwag na daw umasa at eto ang mas malupit, Master Kill yung sabihin sa iyo na may girlfriend na siya habang ako andito naniniwala sa mga I Love You niya. Tapos sasabihin niya na hindi niya intensyong saktan ako? What the fuck! Edi sana hindi na lang siya nagparamdam sakin ng ganon para hindi ako nasasaktan ngayon. Nakakatawa na lang talaga na sasabihin niya pang hindi niya intensyon yon?

Ano to laro laro lang? Kung sino ang unang mahulog siyang talo? Edi sana sinabi mo na lang sakin ng mas maaga para naman nasabayan kita sa trip mo sakin hindi yung ako lang ang walang alam kung ano ang rules ng laro mo. SH*T lang, kung alam mo lang kung gaano kasakit yung mga sinabi mo sakin ngayon, tama nga yata sila na malas ang Friday 'd 13 tapos saktong pagpatak ng alas dose sh*t.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit sakit, kung tutuusin hindi naman dapat ako nasasaktan kasi in the first place hindi naman naging tayo what if pa pala kung naging tayo edi mas lalo lang naging masakit. Alam mo ba yung feeling na umasa ka sa mga salita't pangako na drawing lang pala sa hangin.

Di ko alam kung bakit ako ang napili mong biktimahin. Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo bakit ako pa ang pina-fall mo sayo? Oo pa fall ka, sasabihin mo sakin na handa kang gawin ang lahat para lang maging masaya ako, sasabihin mo na andyan ka lang palagi sa tabi ko no matter what happen. Para saan yung lagi mong pag-alalay sakin sa tuwing lalabas tayo? Para saan yung paghawak mo sa kamay ko sa tuwing nasa mall tayo? Para saan yung paghawak mo sa bewang ko sa tuwing madaming tao? Para saan yung pagyakap mo sakin sa tuwing ihahatid mo ko sa labas ng gate namin? Para saan yung mga iyon? Part ba ng rules and regulation ng laro mo yon? Edi sana pala binigyan mo ko ng copy para napag-aralan ko, para nakakasabay ako sa gimik mo.

Sasabihin mo na 'huwag kang mag-alala hindi ako katulad ng ibang lalaki na hindi kayang panindigan ang pangako nila' pero na saan na yung mga pangako mo? Ang lakas ng loob mong sabihin na hindi ka katulad ng ibang lalaki na hindi kayang panindigan mga pangako nila, siguro nga tama ka hindi ka nga katulad nila kasi mas worst ka pa sa kanila.

Pa fall ka kasi pinaniwala mo ko sa mga kagaguhan mo, tapos sasabihin mo sakin na sorry? For what? E kulang pa nga yata yung sorry mo sa mga ginawa mong kasinungalingan sakin e. Sabihan mo man ako ng mababaw pero ano ang gagawin ko nasaktan ako sa mga kasinungalingan mo. Hindi ko alam kung nabobored ka lang ba o kung may kasalanan sayo yung pamilya ko o may kasalanan ba ko sayo, kasi sa totoo lang kung naghihiganti ka well panalo ka, nasaktan mo ko. Ngayon ba masaya ka na? Nakakaya ba ng konsensya mo na manakit ng taong walang kalaban laban o kaalam alam sa mga ginagawa mo?

Alam kong para kong tanga ngayon kasi nasasaktan ako sa ginawa ng taong hindi ko naman masabi na naging akin.

Mukhang mali nga yata ako sa sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako mahuhulog sa isang tao, na fall ako sayo Jin kaya lang wala kang kwenta kasi sinadya mong hindi ako saluhin, sinadya mo ang lahat.

*Pa fall ka

-----

Yan na po ang saloobin ko, OMY yung iba talaga diyan reality haha karamihan naexperience ko na kaya lang yung iba imagination ko lang din. Pa vote na lang kung nagustuhan niyo o kaya leave a comment below. Pangatlong one shot ko na po ito. Pakibasa na lang yung NAKAKAMISS KA NA SOBRA and yung NOTEBOOK. Yung notebook kasi first story ko sa wattpad kaya medyo lame. But anyway thanks for giving time to read my story. God bless us always.

_PatssyMinHo

Pa Fall KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon