Bestfriends

86 2 0
                                    

"Wala akong kaibigang traydor! Wala akong bestfriend na mang aagaw! At mas lalong hindi kita pinsan dahil simula ngayong araw na to tinataboy na kita bilang pinsan ko! Hindi nakita pinsan o bestfriend!!!"-ako na sobrang galit na galit kay Via

Si Via ang bestfiend ko ang pinsan ko... Ang kasama ko sa paglaki... Ang pinsan/tinuring kong kapatid.

Sa bahay na siya nakatira matagal na kasing hiwalay ang mga magulang niya iniwan na siya ng mommy niya at ang daddy naman niya ang nagtratrabaho ang kapatid ni mommy... Dahil nga palagi ng busy ang daddy niya sa work at palagi ng walang kasama sa bahay nila kaya napagpasyahan ni tito na sa bahay nalang tumira si Via...

Masaya naman ako ng araw na yun kasi may makakasama na ako..

May sarili siyang kwarto kaso madalas na siya sa kwarto ko natutulog gusto ko rin kasi siyang kasama eh

Sabay kaming magtoothbrush sabay kaming kumain, sabay kaming pumapasok sa school masaya ako pag kasama siya.

Madalas kaming tumambay sa mall may rule nga kami eh

"NO TO BOYS, YES TO STUDY"

"SISTY FOREVER!"

Naluluha nanaman ako pag naalala ko ang mga masasayang araw na yon

Pero habang lumalaki kami may namuong inggit at galit sa loob ko...

Madalas kasi akong kinocompare ni mommy sa kanya eto ang madalas kong marinig kay mommy "Bakit hindi mo kasi gayahin si Via"

Si Via kasi... Matalino lahat naman ginagawa ko para lang maging katulad siya pero puro mali parin ang nakikita sakin nila mommy.

Kaya isang araw hindi ako nakapagtimpi... Hindi ko man gustong mangyari to pero eto na ang nararamdaman ng loob ko ang puro inggit at galit kay Via kaya nialayuan ko siya

Minsan naluluha ako habang nakikita ko siya... Namimiss ko kasi ang dating kami pero hindi ko talaga alam kung bakit basta ayaw ko sakanya

Madalas na ako sa bar, kung hindi naman sa bar tumatambay nalang ako sa mall magisa at bumibili ng kung ano ano.

Hindi ko rin alam kung anong pumasok pasok sa utak ko pero kung sino sino na ang nagiging boyfriend ko. Masama na kung masama! At ano namang nagagawa ng pagiging mabuting tao ko kung hindi naman nila yun napapansin.

Halos isang taon narin akong ganito... Wala na nga akong nababalitaan sa bahay kasi pag dating ko ng bahay nagtatakip nalang ako ng tenga at dumideretso sa kwarto ko kahit nakailang sampal na sakin si mommy parang sanay na nga ako sa gabi gabing sampal ni mommy eh kaya minsan hindi ko na dama ang sakit pero sa puso ang kumikirot.

Pag umaga nagpapadala nalang ako ng pagkain sa kwarto ko at mas naununa ng pumapasok yung nag mamarunong na Via'ng yun!

Madalas nga lumalabas sila mommy at Via eh hindi ko alam kung saan sila pumupunta

Pero ngayong nakaaraang araw parang hindi ko masyadong nakikita si Via dito sa bahay hays bahala na wala akong pakialam dun.

Isang araw... Pag gising ko may nakahandang pancake sa may side table ko na tabi ng kama ko at may smiley pa ito...

Naluha ako dito kasi alam kong si Via ang may luto neto matagal narin naming hindi nagaawa to ng sabay namimiss ko na siya pero kailangan kong lumayo kasi sa twing lumalapit siya sakin kumukulo ang dugo ko kaya natatakot ako na baka isang araw masampal ko siya.

Pero akala ko magkakapagtimpi ako... Hindi pala... Nangyari ang pinakatatakutan ko ang masampal ko siya at makakalabas ng masasakit na salita mula sa bibig ko.

Bestfriends(sad short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon