Chapter 11

28 1 0
                                    


Chapter 11

Past.

High School.

Graduation Day.


[A/N: Ang system ng education na gamit ko ay ang before pa ang K-12, okay? Enjoy reading! :)]


Napakagat labi nalang ako at parang tangang hinihintay ang reply sa text ko kay Psyche. Araw na ng graduation namin ngayon pero mula ng magpakita siya sa balkonahe ng kwarto ng kapatid ko, hindi pa siya nagpapakita ulit saakin.

"Reign, wala pa ba siya?" Tanong ni Mike saakin na inilingan ko lang. Si Psyche kasi ang 3rd Honors namin na ikinagulat ng lahat. Siya at siya kasi ang palaging nangunguna sa klase namin. Siguro bumaba ang grades niya dahil panay ang absent nito. Na naging dahilan ng pagiging Valedictorian ko ngayon. Yes, I owe this title to him.

"Pano ba yan, text mo nalang siya na nasa pinakaunang linya tayo! Malelate na tayo kasi 'eh. High blood pa naman ang Coordinator ng event, Reign..."

"Sige..." Saad ko sakanya at kinuha ulit ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinipahan ng text si Psyche.


To: Psyche

Babe, nasa pinakaunang linya lang kami ha? Bilisan mo, the event's gonna start soon. 

-France


I hit send at tumungo na rin sa linya ng mga girls. Tinapik ni Aviona ang balikat ko na nakapalingon naman saakin.

"Wala pa ba siya?"

Umiling lang ako, "Wala 'eh..."

Nginitian lang naman ako ni Aviona, "Dadating 'yun!"

Sana nga dadating siya, Aviona.

"Naku! Ikaw pala ang Valedictorian, iha! Wag kang mag-aalala, bibilhan ka namin ng papa mo ng bagong laptop sa college para dito!" Masayang wika ni Mama ng makarating siya kasama ni Mara, ang kapatid kong second year high school pa lang.

"Pano naman ako, mama?"

"Ang luma nalang yung sayo, Amara Andromenda Crux..." Sagot naman ni mama sa nang-iinis na boses sa kapatid ko. Napatawa nalang ako ng nakita ko ang pag busangot ng kanyang mukha. Ang cute cute talaga niyang tingnan!

"We welcome you the graduates of school year XXXX !" Saad ng Master of Ceremonies saamin pagkapasok na pagkapasok palang ng unang batch ng graduates sa Auditorium ng School namin. Napakagat labi nalang ako ng nakita kong walang anino ni Psyche na dumating.

"Wala pa siya, Reign?" Tanong ulit sakin ni Mike pagkaupong pagkaupo namin sa assigned seats na ibinigay ng Coordinator.

"Wala pa 'eh..." Saad ko sa naiiritang boses. Kanina pa kasi ako tinatanong kung nasan si Psyche. 'Eh mukhang alam ko ba? Halata naman sigurong hindi, diba?"

"Eh kasi malapit na ang awarding. Tayo pa naman ang nauna 'eh..." nagpanting ang tenga ko at nilingon na si Mike.

"Mukhang alam ko ba? Halata naman sigurong hindi diba Mike?" Hindi ko napigilang mapataas na ang boses sakanya. Naiiyak na ako sa galit at sa pag-aalala sakanya.

"Reign, nagtatanong lang naman si Mike 'eh! Wag ka ngang moody at suplada dyan dahil wala ang boyfriend mo!" Sigaw naman ni Lilith saakin na nanlilisik ang mga mata na animo'y galit sa pagsigaw ko sa crush niya.

"Shut up, Lili..." saad ni Mike na nakapatahimik naman sa kay Lilith. Bumaling siya saakin, "Look, Reign, sorry ah? Sorry kung makulit. Inaaway kasi ako ng coordinator 'eh! Ang kulit!" Saad ni Mike saakin.

Napakagat labi nalang ako at humingi rin ng tawad sakanya. Nagsimula na ang awarding ceremony pero wala parin siya. Nagsimula ng tawagin ang pangalan ng kaklase ko na kabilang sa top 10 pero wala parin siya.

"3rd honors from the Special Programs, Special Science Class is Psyche Steven Cervelas!" Saad ng Mc pero walang Psyche na umakyat sa stage. Ilang ulit paring sinabi niya yoon pero walang Psyche parin na pumunta sa stage. Parang sirang plaka na ang MC pero walang Psyche na dumating para kunin ang award niya.

Mukhang nakuha naman niyang wala ang taong yoon kung kaya't nag move on na ito sa kay Mike.

"And the valedictorian from the Special Programs, Special Science Class is Reign Franceline Alonzo!"

Nakayukong tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa stage upang kunin ang medalya at ang hard bound na thesis bilang award. Ilang ulit na nag flash ang camera sa harapan ko at ilang ulit ring ngumiti ako ng peke sa harapan nila.

"Congratulations, Reign!" Nakangiting saad ni Aviona saakin at niyakap ako ng napaka higpit.

"Congratulations rin, Aviona..." Saad ko at pilit na ngumiti at maging masaya para sakanya at para na rin saakin. Wala man dito ang lalaking naging inspirasyon ko sa pag-aaral, narito naman ang mga kaibigan at ang pamilya ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nina Aviona at nila Mama sa isang sikat na restaurant sa bayan ng nagring ang cellphone ko. Lumitaw doon ang pangalan ni Psyche na naging dahilan ng paglitaw ng ngiti ko.

"Ma, sagutin ko lang 'to!" Saad ko kay mama at masayang tumungo sa CR ng Restaurant.


"Hello, babe?" Saad ko sa masayang tono.

"And here I thought galit ka sakin kasi hindi ako sumipot sa graduation..." saad niya at tumawa ng mahina sa kabilang linya.

Napanguso nalang ako ng naalala ko 'yun, "Nagtatampo parin ako. Nasan ka ba kanina?"

Huminga muna siya ng malalim bago ako sagutin, "Nevermind that. I need to see you later. 7 P.M. Park."

"Ok!"

"See you later, baby..."

"I love you..." Saad ko sakanya pero napatay na pala niya ang tawag. Why do I feel nervous all of the sudden? 

Once Upon In High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon