Chapter 3

42 2 0
                                    

A/N: This chapter is for you starlight_dreamer62 :) Hope you'd like this. 

1st year.

It was then. In the classroom. In the middle of creating our project in Filipino that I realize that I liked him. I was crushing on him na hindi ko namalayan.

"Reign Franceline Alonzo! Kain na!" naka simangot akong umalis sa higaan ko at bumaba na upang kumain.

Kinaugalian na nina Mama na kahit sobrang marami silang gawain sa tindahan na dapat sabay sabay kaming kumain ng hapunan. At habang kumakain naman kami, panay ang pangangamusta nila tungkol sa pag-aaral namin ng nakakabata kong kapatid. Maganda ang daloy ng usapan at mabilis na natapos ang hapunan.

"Ate?"

"Ano yun, Mara?"

"Eto ate, oh." iniabot sakin ni Mara ang isang kapirasong papel bago tumakbong humahagikhik papunta sa kanyang silid.

Napaawang naman ang bibig ko nung nakita kong isa pa lang letter or more like love letter ito. Galing ito sa isa sa mga best friends ni Mara na lalaki.

Napailing iling na lang ako dahil sa natanggap kong letter. Nagpatuloy ako sa kakabasa ng bago kong biling libro ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.

1 message received.

Mabilis kong iniswipe at napangiti ng nabasa ko ang text at kung kanino ito nanggaling.

From Psyche Steven Cervelas:

Hi, Miss President :)

Parang na huminto ang oras at nakanganga lang ako sa inisend niyang text message saakin. Napakurap kurap lang ako ng nakita kong humahagikhik ang kapatid ko sa tabi ko na gaya ko nakatingin din sa cellphone ko.

"Uy! Si ate, lumalove life~! MA SI ATE! MAY BOY FRIEND NA!" napangiwi naman ako nung agad agad na pumasok si Mama sa kuwarto.

"Anong sabi mo Amara Andromeda Crux Alonzo?"

Napa kunot noo naman ang kapatid ko at tiningnan ng masama si Mama na ngayon ay naka tingin naman saaming dalawa, "Ewww~! I hate you, MAMA! ANG PANGIT MO!" tawa tawang sinundan naman ni Mama ang kapatid ko.

Napabuntong hininga naman ako dahil dun at dali daling tumipa ng sagot ko sa simpleng "Hi, Ms. President" ni Psyche.

To: Psyche Steven Cervelas

Hello :) Sorry for the late reply.

Nanginginig na pinindot ko ang "Send" button at inihagis ang cellphone sa gilid ng kama at pumunta sa Common Bathroom upang makapag shower. Para tangang dinalian ko ang pag shoshower at paninipilyo. Parang nag marathon namang tinakbo ko pabalik ng kwarto at dali-dali ring nag bihis.

Nung natapos na ako, kinuha ko kaagad ang cellphone ko.

30 Messages

Napasimangot naman ako ng nakita kong puro GM, text ng mga hindi ko kilala ang nasa loob ng inbox ko. Walang Psyche. Wala.

"Oh eh di, wala. Move on na, girl. Tulog na. Summative niyo bukas sa Math." I said convincing myself.

X

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na pag ring ng cellphone ko galing sa table sa gilid ng kama ko.

"S-sino to?" saad ko habang kinusot kusot ang mata ko. Napatingin ako sa wall clock at halus magmura na ako. Its freaking 2:30 A.M! Sinong siraulo ang tatawag ng ganito kaaga? Tsss.

Once Upon In High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon