Chapter XXIII

4.4K 229 65
                                    

"Oo pre! Nakita mo ba? Ang ganda kaya nun."

"Tsaka balita ko pre ihohold nila yung—"  Napatigil sa pagpasok ang dalawang lalaki sa restroom nang makita kami ni Claud.

"Yikes!" Gulat na sabi ng isa nang makita si Claud na seryosong nakatingin sa mga ito.

"Um.. makiki-restroom lang Sir." Sabi nila tsaka dumiretso na para umihi.

"Mauna ka nang umuwi." Bulong saakin ni Claud. Pagkatapos ay lumabas na.

Para kong hihimatayin sa nangyare.

Putspa! Inang maria hinalikan ko ba siya?! As in hinila ko siya para halikan?! Tungunu nauulol na ata ako.

Narinig kong nagbubulungan yung dalawang lalaki.

Nilapitan ko silang ngayon ay umiihi sa urinals magkatabi.

Inakbayan ko silang dalawa, "mga par. Isali niyo naman ako sa bulungan niyo." Tinignan ko yung sandata nila, "kapag may kumalat na chismis puputulin ko yan." Tumawa ako at sumeryoso. Halatang natakot sila. 

"O-opo!" Nauutal nilang sagot. Dali-dali nilang tinaas ang kanilang zipper at tumakbo palabas ng restroom.

Aah. PUTSPA ANO BA TONG NANGYAYARE KINGINA!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Tumingin ako sa salamin tsaka inayos ang aking damit. 

Napahinga ako ng malalim at ini-absorb ang mga nangyari.

Shit. Ang sarap. Ramdam na ramdam ko yung bibig niya sakin, nalasap ko yung mala-menthol niyang hininga at ang lamig. Pero nakakainit sa katawan. Na parang ayokong itigil, gusto kong tumuloy, aah tangina ano bang nangyayare sakin. Putspa ang bastos pa lalo ng naiisip ko. 

Napalunok ako. 

Okay Ken. Tandaan mong gusto mo ng malaking boobs. 

Napasampal nalang ako sa noo. Nababaliw na ata ako.

Lumabas ako sa restroom. Naabutan kong nagsasalita si Claud sa harapan, naka-mic siya at nakatingin lahat ng tao sakanya. Straight english, walang kataga-tagalog niyang ipinaliwanag ang progress ng kumpanya at kung paano nila maso-solusyonan ang mga critical conflicts. 

Pinagmamasdan ko lang siyang nagsasalita at natatameme ako. Magaling siyang business analyst. 

Napatingin nalang ako kay Eunice, nasa harapan siya nakangiti at full of support ang kanyang mukha. Aah, they make a great pair. Hutaena. Dapat ngayon palang itigil ko na yung pagtingin kay Claud sa ganitong paraan.

Bumuntong-hininga ako. 

Kailangan ko na magkaroon ng girlfriend. Malinaw naman na binabalik lang ni Claud ang pambubully sa akin lalo na at madalas ko siyang asar-asarin.

Si Chace ang lagi kong pinupuntirya dahil magka-klase kami nang buong high school. Pero pag magkasama kaming magtotropa mas kinukulit ko si Claud dahil mahilig akong mang-inis. Madali mapikon si Claud kahit na parang wala siyang paki-alam sa lahat, nakikita kong napupuno na siya minsan sa akin pero tinutuloy ko lang ang katigasan ng ulo ko. 

Panganay nga ako sa bahay, kailangan kong umarteng responsableng kuya lalo na kapag nandyan si Papa. Pag kasama ko ang tropa ako lagi ang nalalampaso, pero sakanila ko lang napapakita yung kakulitan ko. Ako ang joker at kailangan mapa-tawa ko sila kahit corny. Hindi ako pwedeng magdrama, hindi ako pwedeng umiyak sa harapan nila kahit may problema ako. Dahil iyon ako sa barkada, iyon yung katauhan ko pag kasama sila.

Narinig kong nagpalak-pakan ang mga nasa loob ng hall matapos mag speech si Claud. 

Umalis na ako sa crowd at umuwi ng apartment. Ngayon ko lang naranasan ang ma-down sa isang party. Ampanget pala pag formal party ano? Dapat pumunta nalang ako sa disco para doon magsaya. Ang layo-layo ng mundo ni Claud kung ikukumpara sa akin.

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon