Chapter XIX

5K 260 55
                                    

"Eto ha. Sirain mo ulit." Binigay sakin ni Claud ang isang flash drive.

Nginusuan ko siya, "di ko nga kasi yon sinasadya! Hay nakaka-stress ka." 

"Nandyan na yung key data." 

Tumango ako, "titignan ko mamaya." 

Pinagmasdan kong maigi si Claud, iba ang porma niya ngayon. Naka-waistcoat siya pero makikita parin ang built ng katawan niya. Mapapatigil nalang talaga ang hininga mo pag nakita mo yung undershirt niyang mahigpit na kumakapit sakanya. 

Whoo! Ken napapadalas na yang pagtitig mo. Ina mo tumigil kana nga! 

Simula nung nagpakita ng mga kilos si Claud na nakakapagpalibog at taas ng sex drive ko naging ganto nalang ang aking diwa. Nakakataas balahibo amputek. 

"Also look up to the personel and administration. I need you to see the testing, designing, installing that includes monitoring the system. I'm looking forward to your advisory after you've done that." 

Putspa! 

"Uso gumamit ng wikang pilipino tangina Claud! Pilipinas to! Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda." Oha kabisadong-kabisado ko, Jose Rizal yon e.

Pinitik niya yung noo ko, "alam ko namang naintindihan mo."

"Nye nye." Ginaya-gaya ko siya.

"Starting today I need you to wear that." Tinuro niya yung suot kong suit.

"Ano ba yan! Nakakasakal naman to sa leeg. Para naman akong aliping sagigilid na makikipaglaban sa kolosiem." Na ang tinutukoy eh yung tie ko.

Hinawakan niya ako at pinaharap sakanya.

Para akong nag init nang ayusin niya yung kurbata ko.

"Masyado kasing mahigpit." Niluwagan niya yung pagkakatali. Tinignan ko siya na seryoso lang. Ang bango ni Claud putspa.

"Ken, alam kong gwapo ako." Bulong niya.

"Ulul!" Sigaw ko. Pero hindi ko maalis yung tingin sakanya habang inaayos niya yung damit ko.

"Sa susunod matuto ka magtali, nakakatamad." Sabi niya pa.

"Gagu! Edi wag mo na ayusin kung maka-reklamo ka. Ilampaso kita dre." 

Nakita ko siyang natawa. Napaurong nalang ako nang lumapit siya sa tenga ko.

Nag palpitate yung puso ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga, "you look cute Ken." Sabay lumayo.

Napalunok ako. Aah shet.

"A-alam ko matagal na pweh!" Walang ka-humble humble kong sabe.

Napangisi siya, "let's go."

Sabay kaming pumasok sa company. Starting ngayon ay dito na ako gagawa ng trabaho, hangga't hindi pa tapos ang kontrata ay hindi pa ako pwedeng umuwi at bumalik sa opisina ng organization ko. Kapag tinakasan ko ang trabaho paniguradong tatawagan nila si boss at ibibitin ako nun in 160 degrees angle.

Sa isang open work space, nadatnan ko ang mga empleyadong nagta-trabaho. Busyng busy ang mga ito, yung iba naman ay pakape-kape lang, mayroon pang nakataas ang paa sa desk, samantalang nagchi-chismisan lang naman yung mga walang hiya.

"Excuse me." Malakas ang boses ni Claud, ganoon pala siya pag seryoso. Nakakatakot.

Nagtinginan ang lahat sa gawi namin at napaayos sila ng ginagawa at upo. Wow. Automatic nag transform. Ibang klase rin tong si Claud.

"This is our general contractor, Ken Espinosa. Dito siya mag-ta-trabaho until the contract has finished." Seryosong sabi niya.

Pwedeng tumawa? Masyado silang tense. Parang horror.

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon