Chapter XXI

4.5K 253 44
                                    

"Ano ba si Claud?" tanong ko habang minamasdan si Mik na ngayon ay kumakain ng 1/2 lb. Double w/ Cheese burger habang nainom ng coke. Grabe pala ang takaw ng isang to, pati dito sa loob ng opisina nagbbreak pa rin. Kaya naman ang botsog ng tiyan.

"Si sir Claud?" Nanguya-nguya siya habang nagsasalita, "hmm.. Minsan iniisip ko hayop siya." 

"Whoa?! Talaga?! Ako din eh." Pagsang-ayon ko rito. Sa ngayon ay nakatambay lang ako sa pwesto ni Mik at nakikipagkwentuhan sakanya gaya ng ibang mga empleyado. Feeling ko tuloy chismisan na rin ang dating nito.

"Pero ibig ko sabihin, ano ba sa tingin mo si Claud?" Tinitigan ko siya na ngayon ay patuloy pa rin sa pagnguya.

Nilunok niya yung kanyang kinakain tsaka uminom ng coke. 

Binaling niya ang kanyang tingin sakin, "para sakin suplado. Tapos mahigpit, yung tipong hindi mo makakasundo, lagi kasing seryoso yung mukha niya dito."

"Oo tama! Tumpak ka Mik! Nakakaburat nga e." Iyon nga ang mismong ine-expect kong isagot sakin ng isang to.

"Pero magaling si sir Claud, kahit ilang beses niya kong pagalitan hindi ko parin siya kayang kainisan. Lahat ng empleyado dito gusto siya, ang talino kase at nakakahanap lagi ng lusot. Malakas din siya sa mga directors lalong-lalo na sa founder ng kumpanya." Nagsimula na itong magkwento..

"Nung una akong nagtrabaho dito eh general manager na si sir Claud, nalaman ko na dalawang buwan lang pala siya naging employee at napromote agad. Kinahangaan ko yung galing niyang yon. Tapos sikat pa siya sa mga babae rito. Grabe nga talaga siya." Sabay kagat nito ng buo sa malaki niyang burger.

Tinignan ko nalang kung paano niya kagatin, nguyain at lasapin yung kinakain niya.

"Pero mas grabe ka Mik, andaming calories kaya niyan." Sabay turo ko sa massive burger niyang hawak. May nakaipit ditong patty na malaki, cheese, mushroom, spinach, pickles, fried egg at kung ano-ano pang kaechosan.

"Ay pashensha na kayo shir ganyo lang talaga ak—ak—" Napatigil-tigil siya sa pagsasalita at parang naging asul yung pagmumukha niya.

"M-Mik?! Ayos ka lang?! Putspa! Kaen kasi ng kaen ayan mabilaukan ka dyan." Bago pa siya tuluyang matigok eh kumuha na agad ako ng tubig para ipainom sakanya.

Agad-agad niya itong kinuha at nilagok.

Huminga siya ng malalim, "whoo! Akala ko katapusan ko na. Maraming salamat sir Ken." Sabay bumuntong hininga.

"Ikaw kase dapat hindi mo sinusubo ng buo! Deep throat na yan! Sa susunod ipapakita ko sayo kung pano kumain ng hotdog. Ituturo ko sayo yon!" Humagalpak ako sa tawa.

"Sir Ken parang bastos yung meaning!" Tumawa din siya.

"Hoy hindi yun bastos! Berde lang utak mo. Kung ako sayo tigilan mo na kakalunok ng maraming calories, gayahin mo ako!" Tumayo naman ako sa upuan at tinanggal mula sa ibaba ang aking butones. Pinakita ko sakanya ang aking 4 packs.

Halatang na-amaze siya, "wow! Ang ganda ng katawan nyo sir! Pang FHM!" 

Humalakhak ako ng humalakhak, "sige pagmasdan mo lang! At gawin mo tong inspirasyon!" Tinapik-tapik ko siya sa kanyang balikat.

"Ken." Napalingon agad ako at pakshet! 

Agad-agad kong binutones yung damit ko nang makita si Claud na pumasok sa office.

"Y-yow! Kaibigan na Claud." Bati ko rito habang nakangiwi.

"What are you doing?" Tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Alam mo kase," nilapitan ko siya, "ito ang bagong style ng pag momotivate kung paano mag diet! Tignan mo kung gaano ka-sexy to!" Tinapik-tapik ko yung tiyan kong may abs. 

Flaming Heart [VOL. 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon