Pakiramdam ko ay nagkasugat ang labi ko dahil sa pagkakakagat nang narinig ko ang tanong ni Mommy.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang ikuwento ang lahat. Ito ang unang pagkakataon na isasalaysay ko simula sa una ang mga nangyari. Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang lahat nang hindi umiiyak. Maybe Mom's really a comfortable person for me to talk to.

"I see... Colt needs your care specially with his situation right now, honey."

"Pero paano?"

Umayos ako ng upo pagkatapos kong ikuwento lahat-lahat. Ibinaba ko ang aking mga paa at sinayad sa damuhan.

"Why are you asking me? It's you who know what to do."

Pinagmasdan ko ang bahay na katapat ng bahay namin. All lights were off and his room was not an exception. Thoughts began to badger me.

Paano kaya siya nakatulog? Dahil na naman ba sa alak? O baka naman normal lang ang lahat ngayon para sa kanya... kahit wala ako.

"I'll try my best, Mom..." buga ko ng hangin kalaunan.

Ang totoo, gustuhin ko man ay tila nawawalan ako ng lakas ng loob.

"You must try your very best, sweetie. Titignan na rin namin ng dad mo kung ano ang maitutulong namin sa mag-asawa..."

Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"Thank you, Mommy. Sana magkaayos na sina Tito. I can't bear seeing Colt so depressed like this. He loves his parents so much, Mom. Sayang po sina Tita. Alam ko na mahal nila ang isa't isa."

"Don't worry. Kami na ang bahala ng dad mo. We'll make sure na makakauwi kaming apat sa Christmas to celebrate together with the two of you, honey. We miss you so much..."

Ngayon ko lang naalala na ilang linggo na lang din ang bibilangin bago ang pasko. Sana lang ay maayos na ang lahat bago pa man iyon sumapit.

Nakausap ko rin si Dad sa telepono. He confirmed that they'll go home for Christmas. Sobrang sayang isipin na kumpleto na naman kami para ipagdiwang iyon hanggang sa bagong taon.

Natapos ang pag-uusap sa ilang mga bilin at paalala. Pumasok ako sa loob ng bahay upang iabot kay Yaya Jupiter ang telepono. Samantala, naabutan ko naman si Romeo na mukhang tensiyonado sa may staircase.

"Why do you look so tensed?"

Ngumisi siya. "Mayamaya ay makakausap ko na ang reyna't hari ng palasyo, Señorita..."

Tumawa ako at tinapik siya sa balikat. "Worry not. My parents won't bite."

"I know..." aniya.

Muli ko siyang tinapik at humakbang na ulit pataas ngunit hinawakan niya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya.

"What?"

"Going back for school?" untag niya.

Umawang ang aking bibig nang hindi ko inaasahan ang tanong niya.

"Yup! Why?" sabi ko.

"Can I come? I wanna see your school."

Ngumiti ako at tinango ang aking ulo. Wala namang masama kung sasama siya. Siguro naman ay hanggang sa loob lamang siya ng sasakyan kaya pinaunlakan ko na.

Simula kahapon nang nalaman kong may girlfriend si Romeo, nawala ang awkwardness ko sa kanya. Marahil ay alam kong wala siyang masamang intensiyon sa akin. Natatawa na lang ako tuwing naaalala ko ang mga akala ko noon.

Binitawan na niya ako kaya mabilis akong pumanhik sa aking kuwarto.

It's almost five in the morning. Sinimulan ko nang maligo. Pagkatapos ay maligaya kong sinuot ang uniporme.

Freaking Romance in Progress (Double Trouble Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang