Chapter 19: Instinct

1.3K 28 11
                                    

Kathryna's POV

Before 8 o'clock nasa Rock's Resto na ko. Di ko alam pero parang kinakabahan ako, weird. Tingin ako ng tingin sa wrist watch ko, ewan ko pero di ako mapakali. Konti pa lang tao nun sa resto hanggang sa mapatingin ako sa kakapark lang na kotse at nakita kong bumaba dun si Mr. Steven kaya agad-agad kong inayos ang sarili ko.

"Sorry, I'm late." Paghingi pa nya ng paumanhin saka umupo sa katapat kong upuan. Ang gwapo nya sa suot nyang uniform, jusko.

"O-okay lang po Mr. Steven." Tanging sagot ko saka ngumiti sa kanya. Nasspeechless ako langhiya.

"So hindi na kita iinterviewhin dahil kilala naman na kita, just fill up this form then ipasa mo sakin yung schedule mo para maadjust ko yung pasok mo dito sa resto." Paliwanag nya, tumango-tango naman ako saka kinuha yung form at finill-upan agad iyon. Tinawag naman nya yung Clara at lumapit naman agad iyon sa table namin.

"Yes Mr. Steven?" Tanong nung Clara.

"Two cappuccino, anything you want?" Iniangat ko ang ulo ko habang nagsusulat para tumingin sa kanya. Ako pala yung tinatanong nya, malay ko ba.

"Wala na po, ok lang po." Ang layo yata ng sagot ko. Parang kang shunga Kath! Umalis naman agad yung Clara at pinrepare yung order ni Mr. Steven. Pinagpatuloy ko naman ang pagfifill-up sa form hanggang sa matapos ako at iniabot iyon kay Mr. Steven, kinuha naman nya iyon at tiningnan.

"Kung maidadaan mo mamaya, dalhin mo yung copy ng schedule mo for this sem para maayos ko na din yung schedule mo dito sa resto." Paliwanag nya. Tumango-tango naman ako nang biglang dumating yung Clara dala-dala yung order na dalawang cappuccino ni Mr. Steven. Inilapag nya iyon sa table namin at saka sya kinausap ni Mr. Steven.

"Sa kanya mo na lang iabot yung schedule mo. I-email mo na lang sakin mamaya Clara para maayos ko na yung schedule nya. Ia-update na lang kita mamaya pag naayos ko na yung schedule mo. I'll call you." Sabi pa nya sakin saka naman umalis yung Clara dala-dala yung form ko na iniabot sa kanya ni Mr. Steven.

Bigla namang nagring yung phone ni Mr. Steven, nag-excuse naman sya sakin bago nya iyon sagutin. Ininom ko na lang yung cappuccino nang aksidenteng maover heard ko yung paguusap ni Mr. Steven at nung kausap nya sa phone.

"Ako na susundo sayo." Sabi pa ni Mr. Steven, patuloy lang ako sa paginom ng cappuccino.

"Okay okay. I'll wait here. Take care." Pagpayag pa nya saka ibinaba ang tawag at tumingin agad sa labas ng resto. Wala akong idea kung ano pang ginagawa ko dito, maaga pa naman. Di ko alam kung pano magpapaalam kay Mr. Steven. Buti na lang at kahit papano nakaisip ako ng alibi.

"Ahm, e-excuse me po Mr. Steven, punta lang po akong washroom." Pagpapaalam ko, pumayag naman agad sya kaya kinuha ko na agad ang bag ko bago tumayo at dumiretso ng cr. Dito muna ako for 5 to 10 minutes tapos papaalam na din ako sa kanya na papasok na ko sa school. Inayos ko ang sarili ko at nagpalipas dun sa loob ng cr ng ilang minuto. Tiningnan ko ang wrist watch ko, exactly 7 minutes na kong nasa cr, pwede na siguro yun. Sinuot ko na ang bagpack ko at naglakad na palabas ng cr nang matanaw ko ang babaeng kausap ni Mr. Steven na nakaupo mismo sa inalisan kong upuan. Napahinto at napatitig ako sa kanya habang kausap si Mr. Steven. Napaatras na lang ako pabalik sa loob ng cr nang tumayo sya at naglakad patungo sa kinaroroon ko. Dali-dali akong pumasok sa isa sa cubicle sa washroom at inilock iyon. Di ko alam kung bat tinataguan ko sya pero mali yatang magkita kami dito, maling makita nya ko dito. Narinig ko ang paghakbang ng takong nya papasok sa cr at ang pagbukas ng gripo.

"Applying for a part time job while studying at St. Therese? May kilala akong gaya mo." Sabi nya. Napalunok naman ako nun at napahawak sa lock ng pinto. Bat ba ko kinakabahan ng ganito? Narinig ko ang dahan-dahan nyang paglakad palapit sa cubicle kung nasan ako.

Pick-up Line King Vs. Pambara QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon