ㅡ 01

3.2K 52 85
                                    

Isang fansigning event na naman ang madadaluhan ng isang kpop fan na gaya niyo. At gaya nang karamihan, hindi magkanda-mayaw ang kanyang mga obaryo sa sobrang excite sa nalalapit na event. Para siyang paputok na anumang oras ay maaari nang sumabog at maglabas ng feels.

"Ano ba ang dapat kong suotin?" tanong niya sa kanyang sarili habang namimili ng damit sa kanyang closet. "Dapat ba akong magsuot ng neutral o colored?"

Kinuha niya isa-isa sa kanyang closet ang mga damit na nais niyang suotin. Tinignan niya ang sarili sa salamin na nakakabit sa pintuan ng closet habang nakapatong ang balak niyang suotin. Umiling siya at saka ihinagis sa kanyang kama ang mga damit na hindi niya nagustuhan. Sa kaiisip ng kung ano ang susuotin, huli na nang mamalayan niyang nailabas na niya ang lahat ng mga damit niya ngunit wala pa siyang napipili.

"Black, mukhang sa iyo na naman ang bagsak ko. Hindi ko na mabilang kung ilang mga fansigning event na ang nadaluhan ko nang kasama ka." usal niya habang hawak ang isang itim na t-shirt na naging kasa-kasama na niya sa dalawang taong pakikipagbuno makita lamang ang kanyang mga iniidolo.

𝗛𝗨𝗡𝗧。day6Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang