SIMULA

111K 2.3K 338
                                    

SIMULA


Alam niyo ba? Nakakalaki ng boobs kapag nagtutubig ka lagi. Oo, tubig! Tubig ang sagot sa lahat! Tubig lang inday pak na pak na yang hinaharap mo! Di na dalawa likod mo! Ganern!


Kasi naman, hindi naman mahirap magpaganda. Ako nga minsan napapagod na akong maging maganda. Wish ko nga sana kahit isang araw lang pumangit ako ng slight para magka chance naman yung ibang mga virgin diyan na lumandi. Ako na lang kasi ng ako yung pinupuntahan ng mga lalaki.


Ganda ko kasi eh. Kaloka.


"Do you want my hotdog?" tanong noong kalandian ko. Ngumisi pa siya at inooffer iyong jumbo hotdog niya. Tiningnan ko lang iyong plato bago umiling. Aanhin ko yang hotdog mo? Bwisit.


Kanina pa tingin ng tingin si Kuyang Hotdog sa dibdib kong binalandra ko talaga. Paki ko ba. Malaki kaya boobs ko, bakit di ko ipagkalat diba?


Kaso naman kasi di ko naman inexpect na shokoy pala si Kuya. Mas matangkad pa ako sa kanya. Tsaka tantya ko poorita lang siya. Jusko naman. Gusto kong mag asawa ng mayaman.


I want to be a billionaire, so freaking bad. Buy all of the things I never had. I wanna be on the cover of Forbes magazine~ standing next to Oprah and the Queen. Lels.


Shit. Ang galing ko talagang mag English. Panis si Ser sa akin talaga.


Speaking of demonyo kong boss, buti na lang nagtext siya bigla sa akin. Kinuha ko iyong cellphone ko at hindi na nagpaalam sa kalandian ko. Iniwan ko siya at nagmamadali akong lumabas para di niya ako singilin sa bill.


"Yo Ser! Anong lagay?" bati ko sa boss ko. Sa tunog pa lang ng paligid sa linya niya ay sigurado akong nasa bar na naman siya. Napanguso na lang ako at naghintay ng taxi.


"Bullet, puntahan mo nga ako." utos niya. Hindi na ako nagtanong kung saan. Alam ko naman na kasi kung saan ang bar na madalas niyang puntahan.


Pinatay niya ang tawag habang ako ay naghintay ng taxi. Ang mahal mahal pa naman ng pamasahe dito sa Trevi. Kung sanang pinahiram na lang ni Ser kahit isang company car lang sa akin. Kaso ang damot talaga eh.


Tatlo silang magkakapatid. Si Ser Shawn iyong panganay at pinakaboss naming lahat. Wish ko nga sana siya na lang boss ko eh. Mas matino naman ng di hamak si Ser Shawn kaysa sa gago kong Boss. Baby face pa, ang cutie lang.


Pangalawa si Ser Seth. Noong una crush na crush ko siya. Bukod kasi sa resort, part time model din yan ng brief tsaka pantalon. Sikat na sikat siya dito sa Italy. Akala ko nga noong una mabait. Yun pala mabait sa magaganda at sexy lang. Pisti. Sa kanya pa ako nadestino para maging sekretarya.


Yung pangatlo naman nila ay si Ser Seven. Eight. Nine. Ten. Eleven. Twelve. Ewan ko anong trip ng mga magulang nila para pangalan siya ng ganun. Kakaloka lang.


Noong makarating ako sa bar ay agad ko ng nakita si Seth sa gitna ng dance floor. Nakatayo siya sa may lamesa habang may tatlong babaeng nagbubuhos sa kanya ng alak. Iyong puting polo niya ay basang basa na at bakat na ang katawan niya dahil doon.

Twelve of Midnight - LEGACY 2 (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon