"Lesbian? Sila? Bat hindi halata."

Natawa si Mara.

"Haahaha ang inosente mo naman."

Hindi kaya lesbian din si Mara?! :O Tanong ko kaya? ay paano naman siya magiging tomboy ang ganda niya tapos sexy pa at etc.

"Ano bang iniisip mo dyan." Tanong ni Mara sakin habang nag gugupit ng colored paper.

"Hmm wala. pwede ba akong tumulong?" tinignan ako ni Mara na nag tataka.

"Wala kabang pasok?"

"Mamaya pa naman 3pm e."

Ang ganda ganda ng kanyang mga ngiti ung mga ngiti niya na nag papagaan ng loob.

"Sige samahan moko mag yacht tayo."

"Yacht?! anong gagawin duon?"

"Duon kasi gaganapin ung surprise ni Trisha para kay Lira."

"Wow ang susyal!"

Mayaman talaga silang mag kakaibigan... Hindi ko nga alam kung bakit nakakasama ako ni Mara.. Eh simpleng tao lang naman ako at hindi kami mag ka level ni Mara at ni Rina. Parang langit at lupa. sila ang langit at ako ang lupa. Pero bakit parang pinag lalapit kami ng tadhana.. hmmm wala naman sigurong masamang makipag kaibigan sa kanila?

"So ano na Pamsy.. Tara na!"

Hinila ako bigla ni Mara. Dala dala din namin ang mga design.

Habang nag dri drive si Mara papunta sa yacht na pupuntahan namin ay nakikita kona ang mga magagandang yacht.

First time kong pupunta sa ganito.. nakaka excite!

"Pamsy gusto mo ba matulog diyan mamayang gabi?" tanong sa akin ni Mara.

Tama ba ang narinig ko niyaya niya ko matulog sa yacht?! gusto ko sana pero...

"Hindi na Mara... Nakakahiya sa mga kaibigan mo."

Pinisil niya ang pisngi ko.

"Kaibigan din naman kita diba? At tsaka mababait sina Agean. Mukha lang silang maarte at mataray pero pag nakilala mo sila ay mabait sila."

"Parang ikaw hahah.." oo dahil nung una ko siyang makita ay parang hindi siya mabait at parang monster kung magalit.

"Huh? What do you mean?" tinaas niya ang kanyang kilay.

"Eh kasi naalala mo nung natapunan kita ng sarsa ng lunch ko nun. Para kang monster kung magalit."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Eh sino ba naman ang hindi magagalit sayo? ang clumsy mo."

"Andito na tayo pamsy!"

Tumingin ako sa bintana ng kotse at itong yacht na to ang pinakamalaki at pinaka maganda sa lahat!

Bumaba na kami ng kotse at dinala na namin ni Mara ang mga gagamitin para sa surprise ni Trisha.

Sumakay kami sa yacht! ang ganda.

Andito sina Rina at Agean at si Trisha.

"Andito na pala si Miss Perfect e." Si Agean.

"Oh bakit dimo ata kasama si Anne?" si Mara

"Kasama niya si Lira." Si Agean

siguro ung Anne ay ung nakayakap kay Agean nun sa party.

"Hi Erin!!!" si Trisha.

"Hi :)." bati ko.

"Napapansin ko ata. parati kayong magkasama?" si Agean sabay ngiti ng parang may ibig sabihin.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon