Chapter One [Revised]

20.5K 367 9
                                    

Masakit mang tanggapin pero kailangang gawin. Mahirap mang gawin pero dapat kayanin. Sobra akong nasaktan ng taong minahal ko nang buong puso. Nagmukha akong tanga, nagmukha akong siraulo, nagmukha akong baliw.


Operation: Move on


Kailangan ko na syang kalimutan. Kailangan ko nang kalimutan ang taong sobrang minahal ko pero niloko lang pala ako. Para saan pa kung lagi lang nakatatak sa isip ko ang pangalang Blake Salvador? 


"Alam mo, ayos lang naman umiyak eh. Ayos lang na ilabas mo lahat ng sakit na nararamdaman mo kaysa kimkimin mo 'yan." pagkasabi noon ni Kim ay tuluyan nang pumatak ang luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.


"Bakit ganoon sya? All this time, umasa akong mahal niya ako pero bakit ngayon, sinabi niya na kahit kailan naman daw ay hindi niya ako minahal? Ayos naman kami eh. Masaya kaming pareho kaya bakit bigla ko na lang malalamang may girlfriend na pala siya?" binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Para akong dinurog nang malaman kong may girlfriend na pala siya.


"Sino ba 'yun? Sabihin mo sakin nang maupakan ko, dali." pumorma pa na parang manununtok si Kim. By that, alam kong plano nanaman niya akong patawanin at aaminin kong napatigil ako sa pag-iyak dahil doon.


"May iba pa ba akong boyfriend maliban kay Blake?"


"Si Blake ba? 'Wag na pala. Magboyfriend ka nalang ng iba tapos sabihin mo pag nakipagbreak sayo" natawa ako sa sinabi nya. Alam ko namang biro lang iyon dahil hindi naman talaga siya takot kay Blake. "Oha? Tumawa ka din. Halika nga dito, yayakapin na lang kita." mas inilapit ko ang sarili ko sa kanya at niyakap niya na ako. 


I'm happy kasi siya ang kaibigan ko. Sobrang bait niya. Maliban sa napakasaya niyang kasama, lagi pa siyang nandyan para sa 'yo.


"Siya nga pala, handa ka na ba sa isang linggo?" tanong nito. Pasukan na namin sa isang linggo at sa wakas ay fourth year high school na kami.


"Oo naman. Medyo excited na kasi last year na natin sa high school." sagot ko rito.


"Buti ka pa. Sobrang bitin para sa akin 'yung bakasyon kaya hindi ko masabi kung excited na ba ako magpasukan eh." pagbabahagi naman nito. 


"Kunwari ka pa. Sa loob-loob mo naman, gusto mo nang magpasukan para makita mo na ulit si Mikka." biro ko dito. 


"Sus! pinaalala mo nanaman." napahawak siya sa batok niya kaya natawa ako. Alam kong hanggang ngayon, mahal pa rin niya si Mikka kahit na matagal na silang naghiwalay.


"Yieee. Muling ibalik na ba yan?" pang-aasar ko pa lalo.


"Maloko ka talaga! Halika na nga." 


Nagsimula na kaming maglakad pauwi. Nakipagkita ako sa kanya sa park ng subdivision namin dahil kailangan ko talaga ng makakausap. Mabuti na lang talaga at taga-rito rin siya sa subdivision namin at kaunting streets lang ang pagitan naming dalawa.


Nang makarating sa tapat ng bahay ay nagpaalam na ako sa kanya.


"Sige na. Bye." pagpapaalam ko rito.


"'Wag ka nang umiyak, okay? Hindi niya deserve 'yang luha mo." bilin nito sa akin. Nginitian ko na lang ito bago tuluyang pumasok sa bahay namin.


Dumiretso ako sa kwarto ko dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi ko maiwasang isipin kung paano ba ako makakamove on nang ganoon kadali. Meron bang mabilis na paraan para makalimutan sya? Napahinga ako nang malalim dahil sa mga iniisip ko. Upang hindi na mag-isip tungkol sa kanya, napagdesisyunan ko na lang na magbasa ng libro. Sigurado namang may mga biniling bagong libro si mommy kaya tinignan ko ang bookshelf ko at tama nga ako.


Naghanap na ako ng librong babasahin hanggang may isang librong nakapukaw ng atensiyon ko. Iba siya sa lahat. Kumpara sa iba, ito lang ang nag-iisang librong patay ang kulay at doon pa lang, alam ko nang malungkot na istorya ito. Kinuha ko na ang librong iyon at nakitang Moving On ang pamagat nito.


Napangiti ako dahil sa rami nga naman ng mga libro, ito pa ang nakuha ko. Sobrang bagay sa sitwasyon ko ngayon.


Sinimulan ko nang basahin at simula pa lang, nakuha na nito ang atensiyon ko.


Paano ba magmove on?

1. Layuan mo sya

Iparamdam mo sa kanyang hindi sya kawalan sa buhay mo. Mabubuhay naman ang isang tao kahit walang pag-ibig hindi ba? Magpanggap kang hindi sya kilala. 'Yun bang kapag nakita mo sya, isipin mo na lang na hindi mo siya kilala at hindi mo siya gustong kilalanin kaya lalayo ka.


Pagkabasa ko noon ay mas lalo akong naging interesado sa kwento kaya pinagpatuloy ko lang itong basahin.


Isa siyang kwento tungkol sa isang gaya ko na kabilang sa third sex. May nakilala siya sa kanilang eskwelahan na isang lalaking matangkad, matangos ang ilong, bilugan ang mga mata at matipuno. Nagkakilala sila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. May kaaway ang bida sa isang coffee shop at noong tinapunan niya ng kape ang kaaway, saktong napadaan 'yung lalaki at siyang nabuhusan nito.

Operation: To be loved by Mr. CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon