CHAPTER THIRTY: Student of the Month

4.5K 136 0
                                    


Nginitian kami ng iba pang estyudante na nakarinig sa amin. Malamang humahanga sa tapang na pinakita namin. Prangka kasi kami kung prangka. We back up with each other, ganyan kaming apat.

          

"I love we talaga. We're so fierce!", si Nica. We agreed to her. Pagkatapos ng program ay para akong tanga na bitbit ang malaking regalo sa campus ng Saint Anthony. Alam kong naging sentro ako ng atensyon ng ibang estudyante dahil sa binigay ng Souls at ng panlalait namin sa ibang estudyante. Napagpasyahan kong ilagay muna sa office ng Excalibur ang regalo ng Souls sa akin. Naroon si Ate Jessica, ang EIC ng school newspaper at literary folio.

          

"Andito pala ang kontrabersyal na si Mr. Robi Sakamoto Ramirez!", ang pagbroabroadcast ni Ate Jessica.

          

"Ate, naman. Ang awkward pakinggan. Tsaka paano naman ako naging controversial?"

          

"Kalat na kalat lang naman sa school yung pagiging honorary member mo ng SDT"

          

"Bakit naman? Any organization can do that naman diba? As long as approved by the Club adviser. Nakalagay naman yun sa Section 5 Article 3 ng Organizations Memorandum. Ang Office of the Student Affairs pa nga ang nag-implement nun and may signatory ng Office of the President. Tsaka hindi ba five years ago pa na-implement yun?", ang mahaba kong pagtatanong at pag-eexplain.

          

"Ikaw na! Ikaw na ang may alam ng Organizations Memorandum" ang biro ni Ate Jessica. "Hindi naman yun yung point. Ikaw kasi ang pinaka-unang honorary member ng Performing Arts Clubs."

          

"Ganun ba?",naabuntong-hininga ako. "Is that bad?"

          

"Of course not. Heto nga at rinerequest ng mga estudyante na ifeature ka sa Student of the Month Page natin sa Excalibur next month."

          

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung narinig ko yun. "A-ano? Dahil lang doon?"

          

"Anong lang? Naka-ukit na ang pangalan mo sa history ng Saint Anthony University. Anyways,si Richard na ang bahala sa'yo; siya naman ang in-charge sa page na yun."

          

Napatango na lang ako.Para akong nasa funeral parade sa bagal kong maglakad sa pasilyo. Ang dami kong iniisip. Si Mark, si Renzo, ang Exculiber, ang Souls, ang three idiots. Ako. Do I deserve all of these people? Simula nung break-up namin ni Mark, ang dami nang nangyari. O sadyang talagang, nag-exist sila nung kumawala ako sa isang relasyon na one-way lang ang pagbibigay ng love. Napangiti ako at bumalik sa Excalibur office.

          

"Guys, this Saturday, our house. 4pm onwards!", ang sigaw ko sa mga tao sa office.

Naghiyawan sila. Tumaas naman ako sa second floor para pumunta sa office ng Souls. Nagpasalamat ako sa ibinigay nila at inibitahan sa bahay this Saturday gayun din ang mga kasama ko sa Film Club at Dramatics Club. After noon, dumeretso ako sa susunod kong klase, wala pa yung prof namin. Kinuha ko ang atensyon ng lahat at inibitahan din ang mga kablock ko.

          

"Wow, it's a miracle.Ininvite mo ang mga classmates natin sa birthday mo, unlike last year, tayo-tayo lang." si Nica.

          

"It's time for change. May advantages din naman palang makukuha kung marami kang kaibigan."

          

"So, sino-sino pang ininvite mo?", si Mira.

          

"Excalibur Staff, Souls Dance Troupe, Film Club, Dramatics Club", ang tugon ko.

          

"Bakit hindi mo pa iinvite pati yung OSA at Office of the President?", ang pagbibiro na naman ni Nica.

          

"Si Mark? Will you invite him?", si Rex. Natigilan ako sa tanong niya.

          

"Bakit hindi? Nasa kanya na lang kung gusto niyang pumunta", ang nakingiti kong tugon. "Anyway, I have an awkward news to you"

          

"What?"

          

"Ifeafeature ako ng Excalibur sa Student of the Month section next month"

          

Natuwa ang tatlo sa narinig at kinukulit ako na baka pwede ko silang isama sa photo profile.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon