CHAPTER TWENTY SEVEN: Rain

4.7K 150 0
                                    


Lumabas ako ng Organizations Building at iniwasan ang main gate kung saan nakapark ang mga kotse. Ayaw kong gumawa ng eksena si Mark at Renzo kung sakaling magkita na naman sila roon at pilit akong ihahatid papunta sa amin. Sa second gate ko balak lumabas at kumuha ng taxi. Para akong tangang nakikisabay sa ibang estudyante para hindi mapansin ni Mark o ni Renzo kung sakaling nasa paligid lang sila. Nakalabas din ako ng second gate at nakapara ng taxi. Naka-uwi na man ako kaagad. Dumeretso ako sa aking kwarto at tinuloy ang pag-eedit ng mga entries para sa Pakpak . Hindi ko namalayan na gabi na pala. Wala akong kamuwang-muwang sa paligid ko dahil busy ang kamay at mata ko sa laptop habang ang tenga ko ay nakikinig sa ipod shuffle. Sinasabayan ko si Adele sa kanta niyang Chasing Pavements ng pumasok sa kwarto si Mommy. Tinapik niya ako, napatingin ako sa kanya. Tinanggal ko ang headphones sa ulo ko.



          

"Oh, mommy?"



          

"Ano ba yang ginagawa mo? Kanina pa kita tinatawag. It's dinner time already"



          

'Ineedit ko yung mga entries para sa literay folio namin. Malapit na kasi yung deadline."



          

"Ituloy mo na lang yan mamaya. Kumain ka muna."



          

Lumabas ako ng kuwarto pagkatapos i-save ang ginagawa ko. I could hear the rain outside. Dumeretso kami sa kusina para kumain. After dinner, papataas na ako nang may nagdoorbell. Binuksan ko ang main door at nagulat sa nakita. Si Coco, yung teddy bear, nasa harap ng pintuan, nakapatong sa mga jacket at damit na binigay sa akin ni Mark. Pinulot ko ang mga yun at binato sa sofa, katabi ni Mommy. Kaagad akong kumuha ng payong at lumabas ng bahay. Lumabas si Mommy at sinigaw kung saan ako papunta. Hindi na ako lumingon pa. Nakita ko si Mark. Nagpapaulan at bitbit ang isang pala. Sobrang dungis ng likod niya. Halatang-halata dahil sa suot niyang puting t-shirt na puro bahid ng lupa. Binilisan ko ang lakad para mahabol siya. Sinukob ko siya sa payong na dala ko. Napahinto siya at tinitigan ako. Hindi ko magawang tignan ang mga mata niya. "Bakit? Bakit mo ginawa yun?"



          

"Those things mean so much to me, Robi. Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito?" niyakap niya ako bigla at humagulgol. Kaagad akong nakaamoy ng alak. Lasing siya. Hinayaan ko lang siya, hindi na ako gumalaw sa kinalalagyan ko. Gusto ko siyang sumbatan pero pinili ko na lang ang manahimik. Naguguluhan ako sa mga kinikilos niya. "Do you really that hate me, Robi?"



          

Ayaw kong magsalita. Silence is the safest. "Tara na, Mark. Ihahatid na kita papauwi"



          

Inayos niya ang kanyang sarili at inakbayan ako. Lumakad kami papunta nang bahay niya. Nag-iisa lang siya roon. Nasa America ang kanyang buong pamilya pero mas ginusto niya munang mag-aral dito sa Pilipinas. "Kaya mo pa ba?"



          

"Oo, I'm sorry, Robi. Kung bakit ba naman kasi sinundan mo pa ako."



          

"I still care for you Mark, kahit na sinaktan mo ako."



          

"Could you please not bury again the things I have given you?"



          

"Okay, but I cannot promise that I'll use those"



          

Napabuntong-hininga siya at tumango. Kaagad akong lumakad papauwi matapos ihatid si Mark sa kanyang tinitirhan. Napapaisip ako ng malalim; pilit na tinitimbang ang aking nararamdaman sa dalawang lalakeng nagpapagulo sa utak ko. Kailangan ko ng magdesisyon; nakakasakit na ako. Sino nga bang kailangan kong iwan at sino nga ba ang kailangan kong tanggapin? Pumasok ako ng bahay na madungis, malamang galing kay Mark nung yinakap at akbayan niya ako. Kinuha ko si Coco at ang iba pang gamit sa sofa. Pumasok ako ng aking kwarto at kaagad linapag ang mga yun sa aking kama. Dumeretso naman ako sa banyo at naligo. Pagkalabas ko ng banyo ay si Coco agad ang una kong nakita. Umupo ako sa aking kama at pinagmasdan ang lemon colored teddy bear. Pagkabihis ko ay inayos ko ang mga dati kong binaon sa spare kong closet at isinilid din si Coco doon. Pinagpasyan ko na lang na muling ituloy ang pag-eedit.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon