CHAPTER TEN: Abashed

6K 196 5
                                    


Nasa canteen kami para sa lunch time nang maisipan ni Nica ang isang bagay na hindi ko na ikinagulat. Gusto niyang isama ko si Renzo sa Red's Music Lounge. Tumutol ako doon sapagkat alam kong busy si Renzo sa Souls at wala siyang oras para sa ganun. Napasimangot naman si Nica sa rason ko.

          

"Gustong-gusto mo siya no?" ang tanong ko sa kanya.

"Oo naman, ang gwapo-gwapo", ang masaya niyang tugon.

          

"To what extend?", ang muli kong tanong.

          

"As in crush lang. No more, no less"

          

"Talaga? Eh, you look interested in him", ang nasabi ko. Tinignan niya ako ng masama. Napakibit-balikat lang ako.

"Crush nga lang,eh. At tsaka obvious naman na PLY yun"

          

"PLY? Ano naman yun?", ang tanong ni Mira.

"People Like You", sabay turo sa akin. "Half-half"

          

Kaagad kong naintindihan ang tinutukoy niya. Naniniwala ako sa sinabi niya dahil tulad nga ng nasabi ko; malakas ang pang-amoy niya sa mga kalahi ko. Napanganga naman si Rex at Mira sa nalaman.



         

"Speaking of the devil", si Nica at sabay turo sa grupo ng mga estudyante na pumasok sa canteen.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo ng daliri niya. Si Renzo at ang Souls Dance Troupe. Nakasuot naman sila ngayon ng sky blue at white na swag jacket. Naka-attract sila ng atensyon sa kanilang pagpasok lalo na si Renzo. Ang angas ng dating niya. Gumala ang kanyang paningin sa bawat sulok ng canteen. Nahinto siya nang makita ang grupo namin. Pinakita na naman niya ang kanyang nakakamatay na ngiti. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang sadyang nagliwanag ang mukha niya. Nainis ako sa katotohanan na kinilig ako. Lumapit siya sa amin.

          

"Hi,guys!", ang pagbungad na bati niya. "Wazzup?"

          

"Looking good as always, ha?", ang pagpuri naman sa kanya ni Nica. Lihim naman akong sumang-ayon. Tumawa lang si Renzo sa papuri niya, malamang sanay na siya sa mga ganitong compliment.

          

"Nga pala, gustong itanong ni Robi kung gusto mo raw sumama mamaya sa amin sa Red's Music Lounge", nanlaki ang mga mata ko nang gamitin ni Mira ang pangalan ko para lang sa sarili nilang kapakanan. Naramdaman kong nang-init ang mukha ko. Napayuko na lang ako sa hiya.

          

"Pakisabi diyan sa nagtatanong, kung gusto niyang malaman kung anong sagot ko. Siya mismo ang magtanong", naramdaman ko na tinignan niya ako. Heto na naman siya, sinasakyan ang pagbibiro ng mga kaibigan ko.

          

"Robi", ang tawag sa akin ni Rex. Tumingin ako sa kanya at agad din itong binawi, tumingin na lang ako sa labas ng bintana.

Tumikhim si Renzo at nagsalita: "I'm waiting."

          

I just rolled my eyes and then looked at him. Tumaas ang dalawa niyang kilay at tinitigan ako tulad ng pagtitig sa akin ng tatlo ko pang kaibigan.

          

"Ah, Re-Renzo", ang pautal-utal kong tawag sa kanya.

          

"Yes?" ang malambing niyang tugon.

          

"Gusto mong sumama mamaya sa Red's?", ang pilit kong sinabi na parang isang casual na pag-uusap. Hindi ako sanay mag-imbita ng tao lumabas. I'm a self-confessed social hermit kasi. Tulad ng pagkadiscreet ko ay ang pag-iwas ko sa mga matataong lugar.

          

Hindi niya ako sinagot bagkus ay kinuha ang atensyon ng Souls at ng mga tao sa canteen. "Mga katropa, wala tayong practice mamaya. May date kami nitong syota ko!"

          

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Natawa ang mga tao sa canteen sa mga sinabi niya. Napa-iling naman ako at napayuko dahil sa matinding kahihiyan. Nakikipagkwentuhan na naman siya kay Nica. Hindi ko kaagad napagtanto na naka-akbay pa rin siya sa akin. Tinapik ko ang bisig niya. Nahinto siya sa pagtawa at napatingin sa akin. Tinanggal ko ang bisig niya sa balikat ko.

Nakita ko na bumulong si Nica; sa tingin ko ay "Pakipot" ang binulong niya.

          

Nagpaalam siya sa amin nang tawagin na siya ng kanyang kagrupo sa kabilang dulo ng canteen. Nakahinga na ako ng maluwag at napamura sa tatlo.

One Look Series: First Generation (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon