"Tapos bigla nalang lumutang yung katawan nya, at wala na syang buhay" dugtong nito na medyo hinihingal at kitang lumuluha sya

Nakakaawa lang sya dahil dalawang sobrang close sa kanya ang nawala na. Hindi namin sila sobrang close dahil silang tatlo lang talaga ang mga madalas magsama sama.

Marami sa amin ang nabigla sa pangyayari, at marami rin ang natatakot

"Pano na tayo nyan?" tanong ko sa kanila

"Hindi tayo makakahingi ng tulong" sabi ni Martela

"Pero kung di tayo makakahingi ng tulong, pano yung bangkay nila Carlo at Dennis?" Tanong ni Chen

"Ililibing ko nalang sila dito sa isla na to" sabi ni Kimnel

Napaisip muna si Martela bago tuluyang napapayag kasi wala silang magagawa sa mga bangkay ni Dennis at Carlo.

"Nasa 3rd floor yung mga panghukay na pwede nyong magamit" sabi ni Martela

Third Person's POV

Si Aljericho at si Boboy ang pumunta sa 3rd floor para kuhain ang mga panghukay. Habang sila ay pumunta sa 3rd floor, pinakalma muna nila Martela si Kimnel at binigyan ng pwedeng makain. Marami sa kanila ang walang gana kumain. Ang iba sa kanila ay di pa rin naglulunch kahit na malapit na mag gabi.

Pagdating sa 3rd floor nila Boboy at Aljericho ay mayroong 3 kwarto dito. Inisa isa nila ito at naghanap ng mga pwedeng magamit.

"Sa tingin mo tama ba tong gagawin natin?" Tanong ni Boboy

"Ang alin?" Tanong din ni Aljericho

"Yung ililibing dito sina Carlo at Dennis" paliwanag ni Boboy

"Wala naman tayong magagawa eh, mas mabuti pang ilibing nalang muna sila, tas pag nakahingi na tayo ng tulong, ipapahukay nalang ulit ang katawan nila" sabi ni Aljericho

Hanggang sa nakahanap na sila ng mga shovel. Dalawa lang ang nandun pero sapat na yun para makapaghukay sila. Bumaba na agad sila para sabihin na nakuha na nila.

"Eto na yung mga shovel" sabi ni Boboy

"Saan sila ililibing?" Tanong ni Renz

"Dun nalang sa may bandang gubat" sabi ni Martela

Pero nagpahinga muna sila bago sila maghukay, at sabay sabay muna silang nagdasal. Pagkatapos ng ilang saglit ay pumunta na sila sa may gubat, pero hindi sila masyadong lumayo, at sinimulan na nila agad ang paghuhukay ng lupa.

Pinagtulungan muna nilang makahukay ng isa. Medyo natagalan sila sa paghuhukay ng lupa dahil dalawa lang ang gamit nilang panghukay. Nang natapos na nila ang isa ay inilagay na nila ang bangkay ni Carlo, tinakpan nila ito ng kumot bago ibalik ang mga nahukay na lupa. Pagkatapos ay nagsimula na silang maghukay ulit ng isa pa. Nasa kalagitnaan na sila ng paghuhukay ng biglang umulan ng malakas, kumukulog at kumilidlat. At tsaka medyo madilim na rin dahil gabi na

"Bukas nalang natin ituloy to" sabi ni Lanz

"Oo nga, masyadong delikado" pag-sang ayon ni Boboy kay Lanz

"Hindi pwede, kinakailangan kong tapusin to" pagpupumilit ni Kimnel

"Baka kung ano pa mangyari satin dito" sabi ni Martela

"Sige pumasok na kayo, ayus lang ako dito, tatapusin ko na muna to." Pagmamatigas ni Kimnel

Sobrang lakas na ng bagyo. Pati ang pag-ihip ng hangin ay sobrang lakas na rin. Dahil sa takot na may mangyaring masama ay nagsipasukan na sila, hinatak nila si Kimnel kahit na ayaw nitong pumasok. Nang nagawa na nilang pumasok sa bahay kasama si Kimnel ay nagsipagkainan na sila ng Dinner

"Kailangan mong kumain, kailangan mo magkaron ng lakas" sabi ni Angela

"Pero kailangan kong mailibing si Dennis" sabi ni Kimnel

"Ipagpabukas nalang natin Kimnel, masyadong delikado, tutulungan ka parin naman namin" sabi ni Lanz

"O sige" sagot ni Kimnel

Kimnel's POV

Kahit na ayoko pang pumasok ay pinilit nila ako. Ngayon ay kumakain na kami. Pumayag ako sa sinabi nila na ipagpabukas nalang. Pero ang hindi nila alam ay itutuloy ko na ito mamaya. Kung kinakailangan kong magkunwari, ay magkukunwari ako para maipagpatuloy ko yung paglibing kay Dennis. Nagantay ako ng ilang oras hanggang sa nagsipagakyatan na sila. Ako ay umakyat na rin sa kwarto para isipin nila na hindi na ako lalabas. Nang nasa taas na lahat ay sinubukan ko nang tumakas. Nakita ko si GD na tulog na at parang ganun rin si Allein

"San ka pupunta?" Tanong ni Allein

Gising pa pala si Allein, nakita nya ko na papalabas ng kwarto.

"Ahm, iinom lang ako ng tubig." Pagsisinungaling ko sa kanya

"O sige sasamahan kita para masiguradong yun nga lang ang gagawin mo" sabi ni Allein

Kaya wala akong nagawa. Sinamahan nya ko sa baba hanggang sa makakuha ako ng baso, pagkatapos ay nung nakatalikod sya, pinukpok ko sa ulo nya yung babasaging baso, dahil dito ay bumagsak sya at nawalan ng malay. Kaya naman ay nakatakbo na ko papalabas.

"Sorry allein" sambit ko

Paglabas ko ay madilim, buti nalang ay may flashlight yung cellphone ko kaya ito ang ginamit ko, tsaka kahit madilim na, ay maaaninag mo parin naman ang paligid mo. Nang nakarating na ko sa gubat ay nagtaka ako dahil medyo lumalim na yung nahukay at parang wala itong patak ng tubig. Nagtataka ako dahil hindi ito nabasa ng ulan.

Hanggang sa nagulat ako dahil may nailawan ako na babaeng nakatayo sa may puno. Maya maya ay bigla itong nawala, kaya lalo akong kinilabutan.

"May engkanto ba dito? O namamalikmata lang ako" Tanong ko sa isip ko

Hindi ko na sya hinanap pa dahil natatakot na ko, pero nagulat ako dahil nasa harapan ko na sya bigla, dahil dito ay napaatras ako at sa di ko inaasahan eh nalaglag ako sa nahukay na. Hanggang sa nakita ko yung babae na nakatingin sa akin. Natakot na ako dahil yung mga lupa na nahukay ay bumabalik dito sa hinukay.

Matatabunan na ko ng lupa pag di ako nakaalis, alam kong ikamamatay ko ito pag natabunan ako. Sumisigaw narin ako para makahingi ng tulong, dahil kahit anong gawin ko ay di ako makaalis.

"Tulooooong!!!"

Para akong inililibing ng buhay. Papataas na sa leeg ko yung lupa at hindi na ko makakilos. Hanggang sa wala na kong nagawa at tuluyan na kong natabunan ng lupa.

-------------------------------------

Dead : 3

Carlo, Dennis, Kimnel

Alive : 26

Bianca , Kim, Martela, Luis, Allyssa, Eric, Renz, Dhey, Edmar, Lanz, Boboy, GD, Angela, Chen, Aljericho, Paulo, Keith, Allein, Jaymar, Jaianne, Chester, Ginelle, Bryan, Mark, Migs, Micoy

Spirit Of The Glass (Edited)Where stories live. Discover now