18

13.8K 355 9
                                    

"Grae" sambit ko at akmang lalapit sakanya nang bigla niya akong tingnan ng masama kaya napatigil ako sa pwesto ko at napayuko.

Punong puno ng pag aakusa ang itsura niya na parang bang isang malaking kasalanan ang ginawa kong hindi pag sagot sa mga calls at message niya.

Well malaki naman kasi talaga. Sino ba naman ang hindi maiinis kung ilang beses ka nang tumawag at nag txt  tapos maabutan mong masayang may kausap na iba habang may nakaakbay.

Wala namang masama sa ginagawa namin ni Grey. Oo mali na hindi ko napansin at chineck ang phone ko pero bakit parang galit na galit siya?

"Even you Nique? I thought you are different from them" puno nang hinanakit ang boses nito habang palipat lipat ang tingin saming dalawa.

"Grae hind-"

"Shut the fuck up!" Natigil ako sa akma kong sasabihin nang sigawan niya ako at dinuro pa. Napaatras ako at nabunggo sa katawan ni Grey. Naramdaman ko ang pag pulupot ng kamay niya sa bewang ko.

"Ano bang problema mo Grae at nagkakaganyan ka?" Kunot noong tanong ni Grey sa kapatid.

"Ikaw" simpleng sagot nito at bumaba ang tingin niya sa kamay ni Grey na nakapulupot sa bewang ko.

Akala ko ba galit siya dahil hindi ko nasagot ang phone ko? Bakit si Grey nadamay?

"Hindi ikaw may kasalanan Grey. Ako ang may kasalanan" mahinang sabi ko at kumawala sa yakap ni Grey at tumingin kay Grae na mas tumalim pa ang tingin. Maya maya ay napangisi ito at napailing habang hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

"And now your covering him" para akong napipi at hindi makasagot sa pang uuyam na nasa boses ni Grae. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito at aaminin ko. Sobrang natatakot ako sakanya.

"Are you jealous?" Napahugot ako ng malalim na hininga habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang tanong ni Grey sa kapatid. Dahan dahan akong nag taas ng tingin at nakita ang gulat na rumehistro sa mukha ni Grae.

"As if" Maanghang na sagot nito. Napayuko naman ako nang makaramdam nang sakit sa dibdib ko at ang pagiinit ng mata ko.

Bakit ba ako nag kakaganito? Kasi ba umasa ako na iba isasagot niya at hindi yun?

"Then stop acting like one" seryoso ang boses na sabi ni Grey at agad akong kinulong ulit sa yakap niya. Matagal bago nakasagot si Grae.

"Go to hell" malakas na bulyaw nito bago mabilis na naglakad paalis.

Naramdaman ko namang hinagod ni Grey ang likod ko kaya nakaramdam ako ng konting ginhawa ha ang nakasunod parin ang mata sa papalayong bulto ni Grae.

bakit ba? Kasi umaasa ako na bumalik siya? Or kahit lumingon manlang. Pero hindi nangyari ang gusto ko kasi tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

"Tahan na wag ka nang umiyak" rinig kong sabi ni Grey at inabot ang panyo sa bulsa at pinahiran ang pisngi ko at doon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

Napahawak ako sa balikay ni Grey at yumuko para pigilin ang pag tulo ng luha ko pero tuloy tuloy lang ito sa pag patak na para bang sobrang tagal na inipon.

"You know there's nothing wrong in crying. It just shows how brave you are to show you're in pain. Besides mababawasan nun ang sakit" mababa ang boses na sabi ni Grey at hinila ako palapit at niyakap.

At nang lumapat ang pisngi ko sa malapad niyang dib dib ay doon ko na pinakawalan ang sakit na nararamdaman ko.

Grae Audi Salvatore. Bakit ikaw pa? Bakit hindi nalang sa iba?

Umasa kasi ako eh. Umasa ako. Kaya ako nasasaktan.

-Grae Audi Salvatore-

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now