11

15.3K 419 6
                                    


Please do follow my Dreame account @ Tixxxz

http://www.dreame.com/novel/veQImD7q1KrjbI2Jkgz9PQ%3D%3D.html

Napayuko nalamang ako dahil ko kayang salubungin ang masamang tingin sakin ni Grae. Sinilip ko mula sa gilis nang mata ko si Grey at nakitang naka pamulsa lang ito habang mukhang anghel na naka tingin sa kapatid.

Wala ba siyang planong mag explain?

Muntik na akong mapa face palm nang maalala na ako pala ang may kasalanan dahil ako ang lumambitin sakanya na parang tuko kaya ako ang dapat na mag explain sa eksenang nadatnan ni Grae.

Napatikhim muna ako bago nag salita.

"Ano-"

"Save your explanations for yourself i don't wanna hear it. I don't care anyway" napa nga nga ako ng konti at napaangat nang tingin nang marinig ang sinabi ni Grae. Naka tingin lang ito sakin ng malamig bago walang lingon likod na pumasok sa loob ng bahay.

Anong problema niya sakin? Wala naman akong ginawang masama ah! Bakit ganoon siya?
Isip ko habang nakayuko.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Grey sa tabi ko. Napapitlag ako ng konti nang maramdaman ko ang kamay niyang hinawakan ang siko ko. Tiningnan ko muna ang kamay niya bago napatingin sakanya na nakatingin din pala sakin.

Hindi kalayuan ang height nila ni Grae kaya parang tower siya na naka tayo sa harap ko. Marami din silang features na pareho ni Grae kagaya nalang ng mata nila at ilong. Pero hindi kagaya ni Grae ay merong pierce si Grey sa kanang tenga.

"Let's go, hatid kita sa gate" Mababa ang tonong sabi nito sakin at inalalayan ako palakad.

"Kaya ko na" maikiling sabi ko at dahan dahang inagaw ang siko kong hawak niya. Napatingin muna siya sakin ng ilang segundo bago nag kibit balikat at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa.

"So.. bakit ka dito natulog?" tanong niya sakin nang mag simula kaming mag lakad.

"Classmates kami. At kami yung pinaire ng prof namin para sa assigned task for the week kasi may  conference siyang pupuntahan. And about sa part na dito ako natulog,  well hindi ko yun sinasadya kasi naka tulog ako habang gumagawa kami ng task" mahabang paliwanag ko sakanya. Napatango tango naman siya at napakamot ng batok.

"Gagong Grae. Yun lang naman pala ang nangyari hindi pa sinabi. pinahirapan pa akong pag salitain siya. " parang batang reklamo nito sakin kaya napatawa ako.

"Well. Grae wouldn't be Grae kung hindi siya ganoon" nakangiting sabi ko habang napapailing nang maalala ang ugali niya.

"You like him?" Saglit akong natigilan sa tanong ni Grey pero agad ding tumawa para itago ang awkwardness na naramdaman ko dahil sa tanong niya.

Gosh. Am i that obvious?

"Ano bang klaseng tanong yan?" Natatawang sagot ko at hinampas pa siya sa braso.

Fc ka din Nique eh no? 'Close kayo? Close kayo? May pahampas hampas ka pang nalalaman. Eh kung ikaw kaya ihampas niyan.

Tiningnan naman ako ni Grey ng ilang segundo bago umiling at tumawa ng konti.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa gate na kami at humarap kay Grey para mag paalam.

"So we're here. Take care Miss?"

"Monique Palomar" nakangiting sabi ko at in offer ang kamay ko para makipag handshake. Saktong pag daop ng kamay namin ng biglang may malakas na bumusina sa gilid namin kaya mabilis kaming napahiwalay sa isa't isa.

napakunot ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Grae na siyang bumusina samin at nang tingnan ko si Grey ay yun din ang ekapresyon ng mukha niya.

Bumukas ang pintuan kung saan nandoon at drivers seat. Malakas akong napahugot ng hininga nang makita ang gwapong gwapo na si Grae na lumabas doon at basang basa pa ang buhok.

Hindi ba uso sakanya ang towel dry?

Kunot ang noo nito habang nag lalakad palapit sa kinaroroonan namin. Muntik pa akong mapaatras nang derederetso siya sakin at hinablot ang kamay ko at hinila ako papunta sa sasakyan niya at pinasakay sa passengers seat.

"Teka! San moko dadalhin?" Takang tanong ko sakanya habang sinusuotan niya ako ng seatbelt. Nakayuko siya kaya amoy na amoy ko ang buhok niya na amoy baby.

Gos ang sarap haplusin. Isip ko habang naka tingin sa ulo niya pero agad ding nilayo ang tingin nang marinig ang pag click ng seatbelt.

"I'll drive you home" simpleng sabi nito at umayos na ng tayo at sinarhan ang pinto.

Nakasunod lang ang tingin ko sakanya nang tumigil siya sa harap ng sasakyan at nag usap pa muna sila saglit ni Grey. Hindi ko namang marinig ang pinag uusapan nila dahil nasa loob ako ng sasakyan. Hindi nag tagal ay pumasok na si Grae sasakyan at pinaandar na ang sasakyan.

Napatingin ako sa harapan ang napa kunot ang noo nang makita ang malaking ngisi ni Grey bago binuksan ang gate.

Diba bumubukas ang pinto ng siya lang mag isa? Ba't pa binuksan yun ni Grey?

"Hindi ka niya nakikita. Tsk" puna sakin ng tabi ko nang kumaway ako kay Grey nang dumaan kami sa harap niya. Nahihiyang binaba ko ang kamay ko nang marealize na parang tanga pala ako dahil hindi nga makikita ni Grey at pag kaway ko dahil heavy tinted ang sasakyan.

Napangiti ako sa sarili nang may idea ang pumasok sa isip ko. Dali dali kong binuksan ang bintana at sumungaw doon at sumigaw.

"Bye Grey! Salamat!" Masayang sabi ko at kumaway kaway pa. Nakita ko naman ang pag guhit ng ngiti sa labi ni Grey at kumaway din pabalik sakin.

Bumalik na ako sa pagkakaupo at sinarhan na ang bintana ang napalingon kay Grae at nagulat nang makitang sobrang sama ng timpla ng itsura nito.

Ano ba ang problema ng isang to ang kanina pa masama ang timpla? Una! Hindi ako pina explain. ngayon naman hindi ko siya sinabihang ihatid ako pero siya nag presentang ihatid ako. tapos wala naman akong ginagawang masama pero ganyan parin itsura niya.

pero infairnes ang hot niyang tingnan habang masama ang tingin sa daan at mahigpit ang kapit sa manibela. Hahahahahahahaha. Ang landi ko.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan? You look stupid you know?" Taas Kilay na puna nito sakin at saglit na sinilip pa ako.

Agad namn akong umiwas ng tingin at pinigilan ang pag kurba ulit ng ngiti sa labi ko.

"Wala. mag drive ka nalang" simpleng sabi ko.

"Stupid. I don't even know if where do you live" dikit ang kilay na sabi nito. Napangiwi naman ako nang tinawag nanaman niya akong stupid.

Oo na ako na! Ako na talaga ang stupid. Ang sakit naman mag slita ng hudyong to. Kung di lang kita mahal eh!

Isip ko bago siya binigyan ng dereksyon papunta sa bahay namin. I mean bahay ko pala! Har har! At hindi nag tagal ay dumating na kami.

"Uh oh" agad na sambit ko nang makita si mama na naka tayo sa labas ng bahay at naka pamewang.

Lord. Ikaw na po ang bahala sakin. Mahinang dasal ko bago hinubat ang seatbelt na suot ko at bumaba ng sasakyan.

"Ma"panimula ko at akmang hahakbang papunta sakanya ng marinig kong bumukas ang pinto sa parte kung saan si Grae at bumaba siya doon.

"Good morning po" magalang na sabi nito kay Mama.

Nakita ko naman ang pag guhit ng malademonyo ngisi sa labi ni mama.

I'm doomed

-Grae Audi Salvatore-

R E A D

V O T E

C O M M E N T

F O L L O W M E

Grae Audi Salvatore ✔Where stories live. Discover now