"Kung gusto may paraan, bakit hindi mo subukang mag-boyfried ulit?"
"Baliw ka ba?! Nahihirapan na nga akong magtiwala, tapos iibig pa 'ko?" sagot ko nang maka-punta na kami sa kabilang dulo. Masyado namang nakakatakot tumawid.
"There's no harm in trying."
"Akala mo lang, wala. Pero meron!"
"Bestie naman, 'wag ka ngang masyadong magpaka-bitter. Bakit ba hindi mo na lang kalimutan ang sakit na natamo mo sa nakaraan?" sabay akbay nya sa 'kin habang naglalakad at sinusundan ang iba pa naming kaklase.
"Hindi naman ako bitter. Nasaktan lang."
"'Yun na nga eh, nasaktan ka kaya ka naging bitter."
"Ewan ko sa 'yo. Dyan ka na!" nagkunwari akong naiinis at binilisan ko ang lakad ko kaya naiwan sya.
"Hoy teka nga!" tumakbo sya kaya naabutan nya 'ko. "Hindi ka ba marunong maghintay? 'Wag ka na naman kasing masyadong magmadali..." hingal na hingal na sabi nya. May iba bang meaning 'yung sinabi nya? Humuhugot ata 'to eh.
"Hugot ba yan?"
"Patama yan. Hindi ka kasi marunong manghintay! Iniwan mo ko!"
"Hindi ko talaga alam kung may ipinahihiwatig ka o ano. Bahala ka na!"
***
Pinagpapahinga na kami dahil sa matinding pagod. Uuwi na kami mamaya at sulit rin naman ito. Altough natatakot ako kaninang tumawid sa footbridge kasi may fear of heights ako. Naka-upo ako sa sahig sa isang tabi habang nag-uupload ng mga photos. Buti na lang at may dala akong pocket wifi kaya hindi ako masyadong nababagot.
Naramdaman kong may tao sa likod ko dahil ramdam na ramdam ko ang hininga nito. Biglang ipinatong nya ang baba nga sa balikat ko kaya napabalikwas ako at napalingon sa mukha nya, nakakahiya. Nagdikit ang mukha namin!
"Hi. Pwedeng maki-connect sa pocket-wifi mo? Nalow bat kasi 'yung akin." Malambing na sabi sa akin ni Blaze, kilalang-kilala 'to sa school namin at maraming nagkakagusto dito. Hindi nga ito kumakausap ng hindi nya kaibigan kaya nakakapagtakang lumapit sy sakin. Sabagay nakiki-connect eh.
"Hmmm. Okay?"
"Password please?"
"Sorry but I'm not trusting people so let me have your phone."
"Ow, fear of trusting people? I guess you have a bad experience, right? Break-up?"
"Ang daldal mo ah! Bahala ka nga dyan! Maki-connect ka sa iba!"
"Hey! Ang pikon mo!"
"Nakaka-offend ka na kaya!"
"Sorry na please? Kailangan ko talaga ng wifi ngayon?"
"Why?"
"Baka may uma-attack na sa village ko."
"Ha?"
"Please?"
"Alright." Sabi ko tapos bumalik ako sa pagkakaupo sa sahig at umupo rin sya.
"Why don't you try to trust people?"
"Why would I? Kapag pinagtiwalaan ko ang isang tao, automatic lolokohin ka lang nyan after you trust them."
"Not all people."
"All of them." Sabi ko habang nilalagay ko ang password ng wifi sa cellphone nya.
"Except me." Tumawa sya ng mahina.
YOU ARE READING
IBC Activity Section
RandomIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16
IBC WC: Contestant #8
Start from the beginning
