Uwi na ba ako?

*piiiit ( busina ng kotse yan xD)

huh?

"ERINNN!!" Tinignan ko kung sinong tumawag sakin.

"ERINN ANDITO AKO SA KOTSE."

Tinignan ko kung sino.

Ay si Rina to ah marunong pala siyang mag drive.

"Tara!"

"Saan?"

"Secret! Basta sama ka sakin." Sumama naman ako. Sumakay nako sa kotse dun ako sa tabi njya syempre. Siya nag dri drive.

"Saan ba?"

"Sa langit." Sabay kindat nia sakin. Hala saang langit?! Kinidnap bako neto?

"Nag bibiro lang ako hahah. Sa mall tayo pupunta."

"Anong gagawin natin dun?"

"Ang daming tanong. Malalaman mo din mamaya."

Nang nasa mall na kami.

Saan kaya ako dadalhin neto.

Nang mapansin ko. Mag ka holding hands nanaman kami. Nag iinit ang pisngi ko >_<...

"Pulang pula ka Erin?"

"H-ha? B-baka sinisinat lang ako."

Tinignan niya ko.

At nilagay niya ang kamay niya sa leeg at pisngi ko.

"Wala naman eh."

"Hmm san ba tayo?"

"Ipapa ayos kita! Pero bago yun mamimili tayo ng damit!"

"Ako ipapa ayos mo?! Para saan?"

"Wala lang trip ko lang. Baka sakaling maganda ka."

Weh? Hmmm may point siya.

Nag punta kami sa isang shop. Ang mamahal ng mga damit!!!

"Huy Rina! Ang mamahal naman ng mga damit dito! Wala akong pambayad."

"Hahaha ako naman mag babayad eh."

"Ha? H-hindi nakakahiya."

"Masanay kana sakin."

Ano bang nangyayari. Bakit bigla kaming naging close neto?

Una si Mara
Tapos si Rina
Naku

Pinasukat sa akin ang iba t ibang damit. At sa wakas! Nakapili din sila ng bagay sakin.

"Tara sa parlor naman tayo ipapa make up kita at ipapa ayos at papa facial!"

Ano ba kasing meron bakit kailangan kong mag ayos???

Hinila niya ko sa isang spa.

Ang daming ginawa sa akin.

Make up

Kinulot

Finacial

Winax

Tapos sinuot ko na ang red dress na hanggang tuhod tapos kita ang cleavage >_< tube dress ata to.

tapos ang buhok ko kulot siya sa ilalim. At naka sandals na red.

nang humarap ako sa salamin.

W-O-W ako ba to?

"Gumanda ka Erin ang ganda mo." Sabi ni Rina

"Salamat." Ngumiti ako sa kanya. At syempre hindi lang ako ang naka bihis.

She's Miss Perfect ( GirlxGirl )Where stories live. Discover now