"I'll be okay, Hon. Sige na, sundin mo na lang muna ang Dad mo," mahinahon naman ding sabi niya sabay banayad na hinaplos ang aking pisngi. "I'll call you, okay?"

Tumango na lamang ako at tahimik na pumasok sa loob ng mansion kasunod si mama na wala rin namang sinabi.

"Don't you dare bother my daughter again! This will be the last time that I'll be seeing your face!" galit pang sabi ni daddy na hindi nakaligtas sa aking pandinig.

Tumigil ako at pinagmasdan si Xial na tensyonado man ay kalmante pa rin ang mukha.

"I don't think I can do that. Mahal ko po si Timmy," matatag na sagot ni Xial na lalong nakapagpaiyak sa akin.

"Hindi lahat ng tao masisilaw sa pera mo, Xial. Timmy is a decent woman. Umpisa pa lang dapat nagpakita ka na ng respeto sa kanya!"

"Alam ko naman po 'yun, Tito and, I know mali ang reason ko for marrying her," pilit pa rin siyang nagpapaliwanag. "Pero mahal ko na po si Timmy. Hindi po ako susuko nang basta-basta na lang."

"That is... kung hahayaan pa kita. But no, I don't want you for my daughter. Hindi ang katulad mo ang gugustuhin kong makatuluyan ng anak ko!" malakas pang sigaw ni daddy sabay baling sa gawi namin ni mommy.

Medyo gulat ang rumehistro sa mukha ni daddy nang makitang hindi pa rin ako pumapasok sa loob. Banayad akong itinulak ni mommy papasok habang pilit na tinatanaw si Xial sa kanyang kinakatayuan.

***

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng mansion ay agad kong naringgan ang mabibigat na hakbang ni daddy palapit. Wala pa man siyang sinasabi ay halos manlambot na ang mga tuhod ko sa kaba.

"Timmy..." matigas pang bigkas ni daddy sa aking pangalan. Bumaling ako paharap sa kanila at agad na sinalubong ang seryoso niyang mukha. Malayung-malayo ang aura niya noong una ko siyang makilala. Alam kong disappointed siya pati na rin si Mommy na tahimik pa rin at walang kibo.

"Dad, I'm sorry..." Yumuko ako at para kasing malulusaw ako sa kanilang mga titig.

"You're not going to see him anymore. He doesn't deserve you," matigas na sabi ni daddy.

"Sorry po, Dad, Mom..." Sinulyapan ko si Mama na umiiyak na rin. "Pero mahal ko po si Xial, eh. Hindi ko po kayang gawin ang gusto n'yo," lakas loob ko pang sabi habang umiling-iling. Naiisip ko pa lang na mawawalay ako nang tuluyan sa aking asawa ay nadudurog na nang husto ang puso ko.

"Open your eyes, Timmy!" mataas ang boses ni Dad. Nanlilisik ang mga mata niya pero parang gusto ring maiyak. "He used you! Hindi pa ba sapat na rason 'yun?!"

"Mahal po niya ako," depensa ko rin naman. "Siguro nga po n'ung una, ginamit niya lang ako pero nakinabang rin naman po ako sa binabayad niya. Nakatulong rin po nang malaki 'yun para mapagaan ang buhay namin nila Nanay Amelia. At desisyon ko rin po 'yun. Parehas po kaming guilty sa nangyari na 'yun."

"Sinamantala ka niya! Dahil nangangailangan ka! And, now?" Bahagya siyang natigilan. "Pati katawan mo pambayad na rin?" nanginig ang boses ni Dad kasabay nang pagpatak ng kanyang luha.

"Mahal po namin ang isa't-isa... Ginusto ko rin po kung may namamagitan man sa aming dalawa." Yumuko ako at ang hirap pag-usapan nang ganoong bagay sa kanila.

"My God Timmy!" Sinapo ni Dad ang kanyang noo. "You deserved much better. Hindi ang tulad ni Xial ang nararapat sa'yo!"

"Mabuting tao rin naman po si Xial, Dad. Nagkamali man siya, opo, tama po kayo pero minamahal niya ako. Minamahal niya ako sa mga panahong iniisip kong hindi kamahal mahal ang babaeng kagaya ko na nagpabayad para magpakasal."

"Tinatawag mong mabuting tao ang nagbayad ng babae para lang makuha ang gusto niya?"

"Hindi n'yo po naiintindihan, nagawa man po niya 'yun, may mga rason siya," pagtatanggol ko pa rin kay Xial kahit na pakiramdam ko ay hindi naman din ako maiintindihan ni Dad kasi sarado pa ang isip niya sa paliwanag.

"My decision is final. No words from you could ever change my mind."

"P-pero Dad..."

"Puputulin mo na ang relasyon mo kay Xial! Understand?!"

"I'm sorry, Dad, but I can't..."

"You don't have any choice kundi ang sumunod sa akin! Or else, I'll send you in America!" banta pa niya na nakapagpatigil sa akin. No... Hindi puwede!

"Dad?"

Marahas na tumalikod si dad at naglakad papanhik sa ikalawang palapag. Nang balingan ko si mommy ay agad din siyang nag-iwas nang tingin at sumunod na kay daddy.

Naiwan akong tulala sa sala at ibinuhos ang luhang walang tigil na bumasa sa aking mukha.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Where stories live. Discover now