Chapter 7.1.2

88.4K 1.7K 32
                                    

Published: July 9, 2013

Old A/N

Hello po sa lahat!  Pagpasensyahan nyo na po 'tong story nito.  Kababawan lang 'to so wag po kayo masyadong mag-expect ng kagandahan dito hane? hehe :)  Na-enjoy ko lang po ang pagsulat nito at walang masyadong complication ang story nito.  Pampa-GV lang talaga.  Oh well, salamat po ulit sa pagbabasa! :)

********

CHAPTER 7.1.2

TIMMY GIANNE's POV

            Shit! Shit! Shit!  Hindi nangyari 'to?!  Nananaginip lang ako!  Timmy, relax!  Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakapikit.  This is just a dream. Buti na lang!

          "Good morning..."  Binati pa ako ni hubby sa panaginip ko!  Hay, sarap naman n'un!

            "Good morning..."  Lumingon ako sa gawi niya at nanlaki ang aking mga mata.  Maraming beses akong pumikit pero shit!  But no, nananaginip lang ako!  Kalma!  "Panaginip lang 'to!"

          "A-anong panaginip?"  What?!  Nagtatanong siya?!   Shit!

            Kinurot ko ang aking sarili at agad ko ring naramdaman ang sakit!  Oh no!  Hindi ako nananaginip! Talagang may nangyari sa aming dalawa!  For the second time! At lasing na naman ako!

            But wait, there is still a chance para magising sa panaginip na 'to. I just have to look under.  Masyado lang akong assuming!  For sure naman ay may suot akong damit dahil panaginip lang talaga 'to!  Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga sabay angat sa kumot.  Pero agad ding nanlaki ang mga mata ko!  I am so naked!  

            "I think we need to talk..."  Halos manigas ako pagkarinig sa boses na 'yun.  Nagsalita na naman siya!

            "Oh my god..."  Umakyat ang init sa aking pisngi at gusto ko na lang magtago kung saan.  Nakakahiya itong ginawa ko!  Pokpok na ba talaga ako?  Paninindigan ko na ba talaga?

          "I am really sorry about everything. I didn't know what came over me again. It's hard to  stop."  Mahinahong sabi pa niya at ni hindi ko siya magawang tingnan nang diretso.  "I've never been like this to anyone..."

          "A... e..."  Tae! Magsalita ka!  "Shower lang ako!"  Agad ko pang hinila ang kumot na gamit namin at nang lingunin ko siya ay agad akong napalunok sa hubad niyang katawan.  Shit!  Hubad talaga siya!   At ang kinis, infairness... Gaga, naisip mo pa talaga 'yun?!

            "Sabay na tayo?"  Nakangising tanong pa niya.

          "Huh?"  

            "I was just kidding... Sige na, go."  Iiling-iling pang sabi niya sabay tayo mula sa pagkakahiga.  At ang gago naglakad lang sa harap ko na parang wala lang!  Hubad 'yun!  As in hubad!  Agad kong binawi ang tingin at nanlalamig na ako. 

            We made love all night unprotected.  Paano kung mabuntis ako? Hindi naman niya ako mahal.  Baliw ka kasing babae ka!  Sa susunod nga tumanggi ka na!  Asa pang may susunod!  Baliw na talaga ako!

Halos takbuhin ko ang patungong banyo at narinig ko lang ang manipis na pagtawa ni Xial.  You are so dead, Timmy. So dead.

~~

            Wala akong ginawa nang araw na iyon kundi ang umiwas nang umiwas kay Xial.  At kahit wala talaga akong plano sumama sa pag go-grocery, napasama tuloy ako kay Gerald nang wala sa oras.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon