"Hindi puwede..." Umiling ako sabay iginala ang tingin sa paligid. "Baka makita tayo..." Pinandilatan ko siya at tila naman bata siyang sumimangot.

"Hindi ko pa naman sila nakitang lumabas dito," katwiran pa niya habang iginagala rin ang tingin sa paligid. "Just one kiss..." Maagap niya akong hinapit sa baywang at isinandal sa kanyang sasakyan. Ang kulit!

"Hindi ka pa ba nagsasawa?" natatawa pang tanong ko sabay nag-ukyabit na rin sa kanyang leeg.

"Impossible..." Marahan pa siyang umiling bago buong pagmamahal na sinakop ang aking labi.

"Timmy!"

Sabay kaming napaigtad ni Xial sa boses na iyon ni daddy. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo nang masalubong ang matalim niyang titig.

"Dad!" Agad akong bumitiw kay Xial na noo'y parang wala pang balak akong pawalan. "Mom..." bati ko rin kay mommy na hindi ko maintindihan ang ibig ipahiwatig sa kanyang titig. Mukhang dismayado siya na galit na hindi ko maintindihan.

"Good evening po, Tito, Tita," pormal naming bati ni Xial na hindi man lang kababakasan nang kaba.

"Pumasok ka sa loob!" pasigaw pang utos ni daddy na halos magpatalon na naman sa akin.

"D-dad..." Nangalog ang aking tuhod at wala ako sa sariling humawak sa braso ni Xial. Bumilis din ang aking paghinga dahil sa tensyon.

"Tito, I love Timmy. We love each other," lakas loob pang sabi ni Xial na nakapagtulala sa akin. Tiningala ko siya at walang duda ang kanyang determinasyong ipaalam sa aking mga magulang ang totoo.

"What do you know about love, Xial?" sarkastikong tanong pa ni daddy. "Kung una pa lang, ginamit mo na ang anak ko para makuha ang inheritance ni Lolo Dionisio? And up to now, iyon pa rin ang purpose mo, diba?!"

Ilang saglit na nablanko si Xial habang igting ang panga.

"We're very sorry kung hindi man po namin nasabi sa inyo kaagad. Sorry po talaga. Pero maipapaliwanag ko po sa inyo ang nangyari. Bigyan n'yo lang po ako ng chance," sumamo pa niya.

"Chance?" Kumawala ang sarkastikong halakhak sa kanyang bibig at iiling-iling na muling nagseryoso. "Ginamit mo ang anak ko para sa pansarili mong interest!"

"No, Tito. I can explain everything," kalmado pa ring sabi ni Xial kahit na ramdam ko ang tensyon sa kanyang braso.

"Really? Kaya pala kahit sarili mong kasal pineke mo para lang maibigay sa'yo ang manang hinahangad mo?!"

"I have nothing to do with it!" mabilis din namang sagot niya. "Ang alam ko po ay legal naman talaga ang kasal namin," depensa rin naman niya at alam kong iyon ang totoo. "Si Lolo po ang may kagagawan n'un-"

"I don't think gawain nang matinong lalaki ang magbayad ng babaeng papakasalan niya para lang makuha ang mana niya! At sinamantala mo ang kahinaan ng anak ko sa mga panahong iyon!" galit pa ring bwelta niya. Halos manindig ang aking balahibo sa tono ng kanyang pananalita. "I would never want you for my son-in-law!"

"Dad..." lakas loob na akong nagsalita. "I love Xial... We love each other and we'll get married again!" mahinahon ko pang sabi sabay sulyap kay mommy na nagulat din sa sinabi ko.

"Stay out of this, Timmy!" saway pa ni daddy.

"Pero Dad-"

"Go inside! Now!" bulyaw pa niya.

Agad akong yumuko para magpigil nang iyak. Ngayon ko lang naman naringgan nang gan'on kagalit si papa.

"Xial..." Nilingon ko si Xial na noo'y alalang tumitig sa akin.

MARRIED TO YOU #Wattys2016Where stories live. Discover now