Chapter 22

7K 102 3
                                    

Daniel's POV

Papunta na kami ngayon sa bahay ni Madam A. Hindi ko hahayaan na guluhin kami ng epal na yun.

"Bro,sigurado kaba?" Tanong ni Seth.

Kakababa lang naman sa kotse namin.

"Oo nga. Susugurin ba talaga natin yun?" Tanong ni Jc.

"Baka mapahamak tayo. Ikaw." Sabi ni Lester.

"Hindi yan. Magtutulungan tayo. Tsaka kailangan natin gawin to para kay Via. Ayoko ng may nanggugulo samin." Sabi ko.

Asa gate nako. At kinalabog ko yung gate niya.


"Madam A!!!!" Bigla namang nag open yung gate.

Pumasok nako agad pati sila Lester din.

"Bro,easy lang ah." Sabi ni Kats.

Bigla ng may bumaba. At alam ko ng si Madam A yun.

"Oh Exes. Andito pala kayo." Sabi niya

Galit na galit ako sa kanya. Bwisit! Pinapahaba niya pa ang usapan!


"Opo Madam." Sagot nila.

"Oh Daniel. Bakit ganyan itsura mo?" Tapos nagsmirk siya.

Maraming bodyguards dito sa loob at may mga baril pa.

"Pumunta ako dito para sabihin sayong umaalis nako sa grupo mo. Kami ng Exes." Sabi ko ng diretso.

Sumeryoso naman ang mukha niya at nagulat din ang Exes.

"Daniel,anong pinagsasabi mo?" Sabi ni Lester.

"Tangina. Baliw kaba?" Sabi ni Kats.

"Gusto mo mamatay?" Sabi ni Seth.

Alam ko na pag umalis ako sa grupo ay ikakapahamak ko. Pero ayoko na.

"Gusto ko na magbagong buhay. Ayoko na. Kaya kong paghigantian si Rommel mag-isa. Ayaw ko na" sabi ko

Nag-iba ang mukha niya. Naging mukhang galit na galit. Kinakabahan ako,oo. Kasi ipapahamak ko to.

"Are you sure about your desicion Daniel?" Seryosong tanong ni Madam A.

"Oo." Sabi ko na para bang hindi ako natatakot.

"Alam kong dahil kay Kathryn to. Nilalason niya ang ulo mo Daniel! Pinasukan mo to! Tas gusto mo lumabas agad?! Hindi pa tayo nagsisimula! Alam mo ang mangyayari sayo kapag umalis ka dito Gonzales." Sabi niya ng galit galit.

Oo alam kong ikakamatay ko to. At handa ako para kay Via.

"Wag mong idamay si Via. Mahal ko siya! Wag mo na kaming guluhin!" Sabi ko ng pasigaw.

Hinawakan ako sa balikat ni Seth na parang nagsasabi na easy lang ako.

"So you're willing to sacrifice your life for her?!" Sabi niya.

"Oo at para narin sa pamilya ko!" Sabi ko.

"Mahal mo talaga yan ah? Ang anak ko hindi mo ginanyan eh." Sabi niya.

Ayan na naman siya ibibintang niya na naman sakin kung bakit namatay ang anak niya.

"Fine. If that's what you want. But Daniel. Wag mong isipin na kumot nakaalis kana dito ay ligtas kana." Sabi niya.

Im Inlove With A Gangster?!Where stories live. Discover now