"Sorry"

"Sige pumasok kana"

"Thank you"

"By----" sinara ko na ang pinto saka na dumeretso sa loob. Gusto kong mapagisa, gusto kong mag isip, gusto kong umiyak!!

Pumasok na ako sa loob. Natulog na pala si mama at Iya. Andito na den pala si kuya pero tulog na. Dumeretso na ako sa room ko at dumeretso sa bath tab ko.

Nag mumuni muni ako. Ang sarap kasi nang tubig. Napapikit ako nang mata.

Flashback...

"Hahahahaha Rein ano ba!... Nakikiliti ako! Hahahahahahahaha"

"Hahaha sabihin mo muna mahal mo ko?"

"Hahahahahaha paano hahahaa ko sasabihin kung hahahahahhaa Kinikiliti mo ko?!" Saka siya tumigil na pagkikiliti saakin.

"Ano na?"

"Ang pinakamamahal kong lalake sa buong mundo ay walang iba kundi si Reinbert Yoshirro. Mahal na mahal na mahal kita"

"Mahal na mahal den kita Jac" hinalikan niya ako sa noo. Never pa niya ako hinahalikan sa lips dahil he respect me DAW.

End flashback...

Napabukas na ako ng mata. Naalala ko ulit. Bakit ba siya ang pumapasok sa isip ko? Wala naman kami.


Flashback...

"Girlfriend na pala kita"

"Hoy anong girlfriend ka dyan?! Hindi pa kita sinasagot!"

"Hahahaha Ah basta girlfriend na kita"

"Tssk! Bukas sasagutin na kita bilang official Boyfriend ko"

"Ngayon na" pag mamapilit niya.

"Bukas na. Ayaw mo yun? Para makikiss na kita bukas"

"Kiss?"

"O-oo first kiss ko"

"Sa lips?"

"O-oo!" Namula ang mukha ko! Yaaaa!!! Nakakahiya!!!

"TALAGA?!"

"Oo nga!!"

"YES YES YES YES!!!"

"Meet me tomorrow here at 10:00 AM"

"Noted"


Kinabukasan.


Time check: 10:00 AM. Hinihintay ko si Rein na dumating. Remeber? Dito kami mag kikita, dito ko siya sasagutin. Ang magiging first boyfriend ko.

Time check: 12:00 AM. Bakit wala pa siya?.

I tried to text him pero hindi siya nag rereply, tinatawagan ko siya pero nag eend call siya.

Time check: 3:30 PM. Tinatawagan ko siya kaso out of coverage area na siya, siguradong pinatay niya ang phone niya.

Time check: 7:00 PM. Jac kunti pa! Tiis lang! Dadating siya!

Time check: 10:30 PM. Rein ano ba!! Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba gusto mo na akong maging girlfriend?! Akala ko ba gusto mo na akong mahalikan?! Bat wala kapa rito?!

Time check: 11:55 PM. Suko na ako. Ayoko na. Pinaasa niya ako sa wala. Akala ko lang pala dadating siya. Pinaasa sa Akala.


Kinabukasan.

Reinbert nang buhay ko <3 calling....

Hindi ko sinasagot ang tawag niya.
Naka 50 missed call na siya.

Nang hindi ko mapigilan na sagutin iyon kaso hindi ako nag salita.

"Jac"

"Jac?"

"Jac andyan kaba?"

"Jac kung andyan ka sana patawarin mo ako"

"Jac sorry, sorry dahil hindi ko nasabi agad. May emergency na Dumating, pinapunta kami ni Reyberlyn sa America----"

I ended the call. Alam niyo kung anong ginawa ko? Tinangal ko ang sim card saka ko pinutol. Hindi na niya ako matatawagan. Kahit kaylan pa. Blinock ko na rin siya sa Facebook, Instagram, Twitter, Messenger saka saSkype. Dinelete ko na rin ang mga photos namin saka na den sa phone ko. Ayoko na. First time ko lang naman mag mahal bakit ganito?!

End flashback...


Napahawak ako sa pisngi ko may tubig. Luha ba to o tubig? Naligo nalang ako at natulog.

Bat kapa bumalik Rein?

Masaya na ako sa buhay ko nuong iniwan mo ako.

Ride To My Destiny (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon