XXV. Papa Elephant

21.7K 585 379
                                    


TITLE: Papa Elephant
GENRE: Fluff

Dahil araw nya 'to.

********

Bukod sa bahagyang init na nararamdaman ni DJ sa kanyang hubad na balikat ay mumunting ingay sa paligid nya ang nakapagpamulat ng mga mata nya. Inabot nya ang side ni Kathryn sa kanilang kama at napaupo na lang sya dahil wala na ang asawa sa tabi nya.

'HAPPY FATHER'S DAY!!!!'

Masiglang bati ng kanyang mag-iina sa kanya. Hawak nina Danilo at DJ Liit ang isang maliit na banner habang may dala namang chocolate cake ang asawa nya.

'Elephant!' Inosenteng turo ni Chandri sa nakasilip na pagkalalaki ng tatay nya.

'Oh my God!' Natatawang nahihiya naman si Kathryn na nakaumbok na ang tyan dahil sa kambal na dinadala sa kanyang sinapupunan.

Agad namang hinila ni DJ ang isang unan at itinakip iyon sa kanyang ibaba.

'Ang arte mo.' Ngisi ni DJ. 'Kanta ka naman ng kanta kagabi.' Tukso ni Daniel sa asawa.

'DJ!' Namumulang saway naman ni Kathryn.

'Di naman nila maiintindihan 'yon. Halinga kayo dito.'

Lumapit si Kathryn kay DJ at umupo sa kandungan nya.

'Ingat kay Junior ko mahal ha? Gagawa pa tayo ng pang-anim.' Pang-aasar na naman nya na nag-ani ng hampas at kurot mula kay Kathryn.

Lumapit din sina Danilo at Liit saka umupo malapit sa kanilang mga magulang samantalang si Chandri naman ay nanatiling nakatayo lang sa pwesto nya kanina.

'Baby, halika.' Tawag ni DJ sa bunso.

'No.' Iling naman ni Chandri.

'Bakit baby?' Nagtatakang tanong ni Kathryn.

'Chandi scared laki elepante.'

Napahagalpak naman si DJ sa narinig.

'Wala nang elepante baby. Umalis na.' Pamimilit ni DJ.

'That's not elephant Chandri.' Sabi naman ni Liit.

'It's Tatay's penis.' Pagtatama ni Danilo. 'Me and Liit have that too because we're boys.'

Nanlaki naman ang mga mata nina Kathryn at Daniel.

'I know my Anatomy and Biology Nanay and Tatay.' The 8 year old kid said in a matter of-factly tone. 'Without it, Nanay will not be buntis. We will not be here Chandri.' Dagdag pa ni Danilo na lalong nagpataas ng kilay ng mag-asawa.

'Reproductive health.' DJ Liit said.

'Itinuturo na sa kanila ngayon yon? Baby pa ang mga anak natin!' DJ hisses at Kathryn's ear.

'Siguro kung maaga ring naituro sa iyo 'yon, baka konti pa lang ang mga baby natin.' Bawi ni Kathryn.

'Siguro kung hindi ka sobrang ganda at sexy at magaling, baka nga.' Hindi naman nagpatalo si DJ bago hinalikan ang balikat ng asawa. 'Salamat dito mahal.' Dagdag pa nya bago muling hinalikan ang balikat nya. 'Sa lahat ng ito. Kumpletong kumpleto na ang buhay ko.' Ngiti nya bago nilingon ang mga anak na kasalukuyan nang pinapapak ang cake na hawak ni Kathryn kanina. Ngumiti sya saka masuyong hinalikan ang labi ng asawa.

'I love you.' Malambing na bulong ni Kathryn. 'May ASAP ka today ha? Baka ma-late ka.'

'Sama ko si Danilo please?'

'Naku, wag na 'no.' Tanggi ni Kathryn. 'Baka mamaya, umuwi na naman na puro lipstick ang damit. Nagagalit si Manang Linda.'

Minsan na kasing isinama ni DJ si Danilo sa ASAP at nang umuwi ang mag-ama ay puno ng mantsa ng lipstick ang suot nitong t-shirt. Sabi naman ni DJ, poging pogi daw kasi yung ilang babaeng teen star kaya di napigilan ng mga ito ang sarili na halik- halikan ang panganay na Ford.

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon