XII. Coach DJ

26.6K 653 224
                                    


TITLE: Coach DJ
GENRE: Fluff

May bagong career si Daniel.

********

'Sigurado ka bang kaya ko 'to?' Tila kinakabahang tanong ni DJ kay Kathryn habang inaayos ng huli ang kanyang mga dadalhin.

'Ano ka ba? Kayang kaya mo 'no. Hindi naman nila ibibigay sa'yo yan kung hindi.'

Ngumiti si Dj bago ngumuso. Kath tiptoed and cradled his face with her palms.

'I'm so proud of you, Bal. Mairaos mo lang 'to ng maayos today, may premyo ka later.' She whispered, which made DJ grin.

'Bakit ngayon mo lang ibinigay ang motivation na 'yan? Sana kagabi pa!' Pilyong sabi nito.

'E baka kasi i-advance mo kaya di ko sinabi agad. Tapos kung mairaos mo ng maayos, baka humirit ka pa uli mamaya. Lugi naman ako, babe!' Kath winked which made Dj jumped.

'Putang ina! Excited na ko! Let's do this.' Tatalon talon na sabi ni DJ habang papalabas ng kanilang kwarto.

'That's my baby!' and she laughingly followed him.

*********

Bago sumalang si DJ ay dumirecho muna sya sa dressing room ng mga makakasama para magbigay respeto sa mga ito. Hindi rin naman puchu- puchu ang mga bago nyang katrabaho. Bukod dito, ang pansamantala nyang hinalinhan ay hindi rin basta- basta.

'Hi Daniel!' Masayang bati ni Sarah (not Carlos) Geronimo sa kapapasok pa lamang sa dressing room nya.

Nahihiyang lumapit si DJ bago bumeso dito.

'Hindi mo kasama ang mga kids at si Kathryn?' Tanong nito habang nakaupo sa make- up chair at inaayusan sya ng buhok.

'Susunod daw po. May inaasikaso pa po kasi dun sa isang restaurant.' Bakas pa rin ang hiya sa asal ni DJ.

'Eto naman. Parang ngayon lang nagkita, e diba, nagrehearse na nga tayo ng ilang beses last week?'

'Nakakastar- struck pa rin po kasi.'

Dahan dahang bumukas ang pinto at maya maya pa ay pumasok na ang isa pang itinuturing nya na 'Idol'.

'O, pre.' Bamboo held out his palm which DJ reluctantly shook. 'Chill lang tayo, ok. Kinakabahan ka ba?'

Tumango si DJ.

'Don't be. Mag- enjoy ka lang.'

'Coach Sarah, Coach Bamboo and Coach DJ, we'll be rolling in 10 minutes.' A plump woman in jeans and 'The Voice' shirt announced as she poked her head through the door.

Sabay sabay namang tumango ang tatlo at isa- isa na silang lumabas patungo sa naghihintay na studio.

'Walangya, Daniel Padilla!' Robi exclaimed as DJ passed him by along the corridor. 'I mean, Coach DJ!'

'Kung wala kang magandang masasabi, manahimik ka na lang, please.' DJ joked through nerves.

'Goodluck bro. Mag- enjoy ka lang dun sa stage.' Seryosong sabi ni Robi bago niyakap ito. 'So proud of you, bro. So proud. Tandaan mo, pinalitan mo si Ms. Lea. Pressure.' Dagdag nito.

'Wow! Salamat sa words of encouragement ha! Tsaka isang season lang ang napag- usapan habang nasa Broadway pa si Ma'am Lea.'

'O sya, o sya. Break your leg. Este break a leg!'

Muli silang nagyakap bago tumakbo si DJ papunta sa studio kung saan punong puno ito ng audience.

'DJ, drumstick mo.' Iniabot ng isang staff ang dalawang patpat kay DJ na pumwesto na sa likod nina Sarah at Bamboo na pawang nakatayo sa harap, mic stands in front of them.

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon