XVII. Philippines' Finest

21.9K 590 190
                                    


*********

TITLE: Philippines' Finest
GENRE: Fluff. SPG.

*********

ANG SUSUNOD NA PROGRAMA AY RATED SPG. MAAARING MAY TEMA, KARAHASAN, SEKSWAL NA DI ANGKOP SA MGA BATANG MANONOOD.

...Tonight with Boy Abunda,

Kamakailan lamang ay ginanap ang taunang FHM 100 Sexiest party na dinaluhan ng ilan sa ating mga kapamilyang tampok sa listahan. Ngunit ang pinakahinintay ng lahat ay ang pagrampa ng nangungunang pinaka-seksing babae sa Pilipinas ngayon. Walang iba kundi si Kathryn Bernardo- Ford na unang beses rumampa sa nabanggit na okasyon. Pop icons ang tema ng katatapos pa lamang na FHM event at rumampa si Kathryn suot ang isang 2 piece ensemble na kawangis ng sinuot ni Britney Spears sa performance nya sa MTV Video Music Awards noong 2000's. TONIGHT WITH BOY ABUNDA, live na live, Kathryn Bernardo- Ford.

'Kapamilya, Kathryn Bernardo- Ford.' Pagpapakilala ni Boy Abunda sa panauhin para sa gabing iyon.

'Hello Tito Boy.' Nakangiting bati ni Kathryn.

'Kamusta na Kathryn? How does it feel?'

'Super ok, Tito.'

'How does it feel na ikaw ang Philippines' Finest ngayon?'

Waring nag-blush naman si Kath sa tanong na narinig.

'Was it your first time na na-include ka sa FHM list?' Dagdag na tanong pa nito.

'Bale, 5th year na po ata.'

'6th!' Pakli naman ng isa sa audience na may hawak na tarp ng fanclub ni Kath.

'6th daw.' Tawa ni Boy.

'6th na ba?' Clueless na tanong ni Kath.

'Pero ito ang unang beses na nag no.1 ka?'

'Yes. Last year was...' Nilingon ni Kath ang fan na parang isinasangguni kung ano ang isasagot nya.

'No. 2.' Sagot ng fan.

'Alam na alam niya.' Nahihiya ngunit natatawang sabi ni Kath.

'Si DJ, alam din!' Hirit naman ni Boy. 'I saw him mouthing there.'

The camera pans to a grinning DJ who was standing on one corner. Buhat buhat nito si Chandri.

'Eh?' Nagtatakang reaksyon ni Kathryn.

Sa pagkakaalam kasi nya ay hindi ito pinapansin ng asawa bagkus ikinaiinis pa nya ito. Halos maglunsad pa nga ng World War 3 ni Daniel nang ilabas na ang FHM issue kung saan unang naging covergirl si Kathryn. Nagkaroon uli ng offer si Kath pero hindi na muling pumayag pa si DJ.

'Namimihasa. Once is enough.' Sagot ni DJ sa nagpaalam na asawa matapos nitong ibaba ang telepono na tawag mula sa FHM. 'Ayoko. Tama na yung isa.' Nakasimangot na dagdag pa nito.

Halos magkagulo sa buong kabahayan ng mga Ford nang ipinaalam naman sa kanila na No. 1 si Kathryn para sa taong iyon at kailangan nyang rumampa para sa fashion show.

'Sinasabi na kasi!' Kakamot kamot sa ulo si DJ. 'Hindi pwede!' Matigas na desisyon nito.

Ngunit matapos ang ilang beses na pakikipag-meeting sa kanila ng FHM Philippines ay napapayag na rin nila si Daniel para hayaan si Kathryn.

'Since napag-usapan na natin si DJ, at nandyan din naman sya, ano ang naging reaction nya upon learning that you are FHM's sexiest?'

'Andaming nabasag na gamit sa bahay, Tito.'

Napatawa si Boy.

'Really?' Di makapaniwalang tanong nito. 'Nagtapon ng kasangkapan?'

'Hindi naman po sa nagtapon. Kaso, ang tindi ng pagdadabog nya. Pag nagluluto sya, ganyan.

Team Bernardo- FordWhere stories live. Discover now