Kabanata 2

223 10 12
                                    

KABANATA 2

"Yes, I'm on my way... No I'm almost there... You can wait on the porch... Turning right... I see you." Grabe mag-english tong si driver guy. Fluent and with an accent! Tapos tumawa siya bago binaba yung cellphone...and gosh, ang cute ng tawa nya

Biglang tumigil yung car tapos nabunggo yung ulo ko dun sa likod ng upuan nya. Eh di nakalog yung ulo ko nun, tapos muntik ko nang malunok yung ring na nasa bibig ko! So yun, linuwa ko na yung ring sa kamay ko.

Binuksan niya yung pinto niya and then lumabas siya. At this time, yung likod niya lang yung medyo kita ko. Lumapit siya dun sa isang girl na nakadress sa may labas ng isang malaking bahay. Ngayon ko lang napansin na medyo semi-formal din yung suot nung guy. May date yata sila... Panu na ko makakalabas nyan?

Bumukas yung passenger door sa kanan tapos pumasok yung girl. And gosh! Ang tapang ng perfume nya! Pinigil ko yung paghinga ko kasi baka mahatsing ako. Never kong ginusto yung ganitong super expensive na mga amoy. Pano kaya nasikmura nung guy yun? Kulang nalang ipainom niya yung perfume sa mga tao eh.

Bumukas naman ulit yung door nung driver at medyo nafilter out yung amoy. Medyo lang. Pumasok na siya at umandar na naman yung car.

"So, Claire, would you like to proceed to the party?" Tanung nung guy.

"I guess..."

"Look, how about we ditch the party and go on a date instead? May bagong bukas na restaurant sa may Quezon Ave."

"My mom expects us to be there, Ivan," katwiran ni Claire. Sa tono nya, parang super bored sya. Hindi na sumagot si Ivan. Silence.

Naramdaman kong lumiko yung kotse. Buti nalang hindi ako nahilo. Kaya lang biglang naamoy ko na naman yung perfume at napahatsing ako. Hindi ko talaga napigilan eh!

Tumingin yung girl sa likod at nagkatinginan kami. Yung mga mata nya, grabe, nanlalaki. Tapos biglang namula yung mukha niya.

"Ivan, stop the car!" umirit si Claire. Nagbrake si Ivan bigla at nauntog na naman ako dun sa likod ng upuan niya. Buti nalang hawak ko na yung ring, kundi siguro nalunok ko na yun.

"Why is there a girl in your back seat?" Gusto ko na sanag sagutin eh. Kasi actually wala ako sa seat. Nasa floor ako, sa floor. Big difference!

Tumingin si Ivan sa akin at nanlaki yung mata niya. Napanganga din siya. In fairness super white and dazzling nung ngipin niya ha. And to top that, O-M-G his face! Siya yata ay isa dun sa mga gwapong anghel na nagkantahan kanina!

"What the— How did you— When— Who are you?" Yun nalang ang lumabas sa bibig ni Ivan.

"So now you're gonna act like you don't know her?! Seriously, Ivan! How long have you been keeping her a secret? To think that you'll go this far to make a fool out of me! That's it! We're through! It's over! Break na tayo! Wag ka nang pumunta dun sa party! Magdate nalang kayo nitong filthy girl!" Sobra ang sigaw ni Claire at super bilis din. Lumabas siya ng car at lumabas din si Ivan. Narinig kong sinabi ni Ivan ang "Let me explain." kaso pumara na ng taxi si Claire.

This time, since nahuli na ko ni Ivan, umupo na ko ng maayos sa upuan. Actually, after quick thinking, i guess ito na ang cue ko para umalis. Binuksan ko yung pinto at lumabas na ko. Binulsa ko muna yung ring for safe keeping tapos naglakad na ko paalis.

"And where do you think you're going?!" sabi ni Ivan. ANg suave ng boses... =">

Tumalikod ako at sinabing, "Home," at nagpatuloy sa paglalakad ulet. Sorry, kahit gwapo ka, dangerous ka kasi eh, so imma go na.

"Stop!" Muntik na tumigil sa pagtibok yung puso ko. Oh no, panu kung tanungin niya ko kung bakit ako nandun... Duh! Think! Siyempre tatanungin niya ako! I have to go na talaga. Kelangan kong lumayo... kahit feeling ko super may attraction samin...

Bercedes MenzWhere stories live. Discover now