~*~

"O, napaaga ka yata?" tanong ni Kuya Maico. Dito muna siya nakatira sa apartment simula noong insidente. Ewan ko ba dyan. Ayos naman na ako. Basta rito raw muna siya hanngang sa susunod na linggo.

Napangiti ako bigla nang mapansin ko 'yung hitsura niya. Nakasuot siya ng apron at may hawak pa na sandok. Siya kasi ang nagluluto para sa akin. Hindi kasi ako marunong. Kaysa nga naman bumili ako ng bumili sa fast food ay siya na lang ang magluluto. At least may pakinabang siya rito. Mukhang tinigilan niya muna ang pagta-trabaho e.

"'Tsura mo Kuya!" Tawa pa ako ng tawa habang paakyat ng kwarto ko.

"Gwapo?" tanong niya.

Nagroll-eyes lang ako sa kanya saka nagpatuloy sa pag-akyat nang may maalala. "Oy, Kuya! Pupunta rito si Xander ngayon. Dagdagan mo na yang niluluto mo!" sabi ko sa kanya habang nakasilip na lang mula sa may hagdan. Hindi ko na hinintay na sumagot siya at umakyat na sa kwarto.

Pag-uusapan namin ngayon ni Xander ang mga kailangan naming puntahan para sa feasib. Ang sabi ko sa kanya sa kanila na lang kami pero hindi siya pumayag at dito na lang daw kami sa bahay. Sasabay na nga sana siya sa akin kanina kaso ewan dun kung bakit bigla na lang nagbago ang isip at nagsabing susunod na lang. Kaya 'yun, si Josh lang ang kasama ko pag-uwi.

Nagbihis na ako at nagmamadaling bumaba nang marinig kong may kumakatok. Alam ko naman kasing hindi 'yun agad mabubuksan ni Kuya dahil nga nagluluto. Baka masunog pa 'yun sayang naman.

Si Xander ang nabugaran ko sa pinto. Nakabihis na siya pero... bakit parang ang bilis niya naman 'ata? Kakarating ko lang a?

"Ang bilis mo ha? Kararating ko lang dito sa bahay e." Tumalikod na ako sa kanya at iniwan ko 'yung pintong bukas at hinayaang siya na lang ang magsara nun. Naupo agad ako sa sofa at sumunod naman siya sa pag-upo.

"Pag may kasama ka kasi, hindi mo mamamalayang ang tagal na pala ng oras na nilakad mo," aniya nang hindi tumitingin sa akin.

"E? Ano namang ibig mong sabihin?"

Hindi niya pinansin 'yung tanong ko at inilabas ang isang papel sa bulsa niya. "Ito 'yung mga kailangan nating gawin," pagsisimula niya. "Unahin na nating puntahan 'yung location para maayos na natin 'yung floor plan."

"Oo nga pala, nag-volunteer si Josh na tutulong sa floor plan natin!" ngiting-ngiti pang sabi ko sa kanya. Nakwento ko kasi kay Josh ang feasib namin. At ayun nga, dahil may alam naman siya na ganoong bagay ay nag-volunteer siyang tutulong. "Isama na rin natin siya pagpunta sa location," pagmumungkahi ko.

"E kung kayong dalawa na lang kaya ang pumunta?" medyo inis 'yung boses niya pero as usual, hindi mo 'yun makikita sa mukha niya. "Parang makakaistorbo pa ako roon e."

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo d'yan? Syempre dapat naroon ka 'no! Tayong dalawa kaya ang nagre-research. Teka, kailan ba natin pupuntahan?" Kinuha ko 'yung papel na hawak niya at tinignan isa-isa. Ang daming gagawin! Nakakalulang tignan lahat!

"Sa Sabado sana. Pwede ka ba?"

"Oo naman. Teka, isabay na natin sa Sabado 'yung mga malapit sa location dito para isang puntahan na lang." Itinapat ko pa sa mukha niya 'yung papel.

"'Yan din ang naisip ko. Naglagay ka na ba ng inputs sa intro natin? Akin na at titignan ko," aniya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Ang totoo niya hindi ko pa rin nababasa 'yung intro na sinasabi niya. E nakakatamad kaya! Ang lalalim pa ng english nitong lalaking 'to. Ano naman inputs ang ilalagay ko run aber? Tumayo ako at pumunta sa kwarto para kunin 'yung kopya nun na nai-print niya pa. Pagkabalik ko sa sala, iniabot ko agad 'yun sa kanya.

"Nabasa mo man lang ba 'to?" tanong niya.

Napangiti ako ng nakakaloko. "Hehe, hindi."

Magsasalita sana siya nang may kumatok. Sabay na napatingin pa kami sa pinto. Sino naman kaya 'yun? Wala naman na akong inaasahang bisita ngayon bukod kay Xander. Pagkabukas ko ng pinto e nandoon si Josh at may hawak na plastic container.

"Para sa inyo ng Kuya mo. Naparami kasi 'yung luto ni Ate kaya pinabibigay niya na lang. Spaghetti yan. Masarap, promise," tuluy-tuloy na litanya niya.

"Wow! Salamat." Nilaparan ko ang bukas ng pinto. "Halika, pasok ka muna."

Pagkapasok namin ay tumayo nang bigla si Xander.

"Aalis na ako. Basta sa Sabado na lang natin puntahan 'yung location," si Xander.

"Huh? Bakit aalis ka agad? Kumain ka muna!"

"Hindi na. Baka makaistorbo pa ako. Saka may pupuntahan pa pati ako," aniya pa saka lumabas na ng pinto.

Ang gulo talaga ng lalaking 'yun kahit kailan!

My Poker-Faced GuyWhere stories live. Discover now