Chapter 10

3.2K 60 15
                                    

Iniwan ko siya mag isa dahil hindi ko na kaya ang kayabangan niya. Haynako. Bahala na nga siya sa buhay niya, at isa pa hindi ko naman talaga dapat ito kasama.

"Huwag mo akong iwan. Palagi na lang akong iniiwan. Sawang sawa na ako. Alam mo ba iyon?" Sigaw niya na may halong pagdadrama habang nasa likuran ko siya. Ano ba ang tawag sa isang to? Mayabang, epal, feeling artista, hindi ata sapat unggoy lang ang itawag sakanya. Umirap ako at tuloy tuloy lang sa paglalakad. Bahala siya diyan.

"Huy.. payatot!" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Wow ha. Nang aasar pa. Tatanda siguro ako agad pag araw-araw ko itong kasama o baka naman puputok ang ugat ko sa ulo dahil sa init ng ulo na dala nitong unggoy na ito. Hindi naman ako payatot ah, may konting laman naman ako at medyo may laman naman ang pwet ko at wag lang natin pag usapan ang hinaharap ko. Masakit!

"Unggoy! Kanina ka pa! Naasar na talaga ako sayo. Makakatikim ka na talaga sa akin!"

"Masarap ba yung matitikman ko? Full details naman diyan oh, ng ma excite ako." Sambit niya at kinindatan na naman ako. Punong puno na talaga ako.

"Urgh! I hate you! San ka ba galing na Zoo at ang tanga tanga ng tagabantay at napakawalan ka?" Sigaw ko sakanya na nanggagalaiti na sa galit. Bakit ko ba inuubos ang oras ko dito sa isang to? Malapit ng magsimula ang klase namin, pag ako nalate uppercut talaga matitikman niya sakin!

"Beastmode ka na lang always. Ang sarap mo talagang asarin. Ang pula pula ng pisngi mo. Para kang kamatis." Humalakhak pa ito ng malakas. Hindi ko na talaga siya matiis kaya't naglakad na ako papunta sa classroom namin, at ang worse pa ay kaklase ko pa ito sa major class ko. Kailangan hindi ko ito siya makatabi dahil paniguradong masisira ang kinabukasan ko. Binilisan ko ang paglalakad baka kasi mahuli pa ako sa klase, sana naman hindi at nakakahiya sa professor namin kung nagkataon.

Mabuti na lang at may ilang minuto pa bago magsimula ang aming major class at mabuti na lang nakita ko kaagad ang classroom namin at hindi ako nawala. Accountancy ang course ko, alam ko'ng mahirap ang kursong ito pero nag eenjoy naman ako. At ito rin ang gusto ni Mama at Papa, na maging isang accountant ako. Hindi naman ako matalino pero nag aaral ako ng mabuti kaya sigurado ako sa sarili ko na magiging accountant ako at maipapasa ko ang CPA examination. Tiwala at pananalig lang sa diyos at syempre sariling pagsisikap.

May mga kaklase na ako nag kwekwentuhan sa loob ng classroom. Tinignan ko ang buong silid upang makahanap ng mauupuan, napansin kong bakante sa may unahan bandang bintana sa kaliwang bahagi ng silid, at may nakaupo sa tabi nitong upuan na isang babae. Maganda ito, maputi at napakaclassy nitong tignan. Maalon alon ang mga buhok at ang mga mata nito ay medyo bilugan ngunit bumabagay naman ito sakanya. Lumapit ako sakanya upang mag paalam kung pupwede ba akong tumabi sakanya. Ayaw ko namang sa likuran baka kasi may makatabi pa akong impakto.

"Hi, if you don't mind. Pwedeng maupo dito?" Tanong ko na nakangiti at tinuro ang katabing upuan nito. Humarap ito sa akin at ngumiwi nung una pero sinuklian niya rin ang ngiti ko.

"Hi, Im sorry miss. May nakaupo na kasi dito. Pasen-"

"Ivana.."

Huminto sa pagsasalita ang babaeng nasa harapan ko at tinignan ang nasa likuran ko. Bigla itong ngumiti ng matamis habang tinitignan ang nasa likuran ko. Mukhang may connection ang dalawa. At sa tingin ko ay pangalan niya iyong Ivana. Tinignan ko naman kung sino ang nasa likuran ko.

Isang chinitong lalaki, maputi at katamtaman ang laki ng pangangatawan nito. Nakasnapback at puting plain white shirt lang ito. Kamukha niya si V ng BTS, oo may alam ako sa KPop ng dahil sa bestfriend kong si Tippy. Sa tuwing nag fafangirl yun pati kami dinadamay kasi wala daw siyang karamay kaya ayon, bilang bestfriend kailangang suportahan kahit papano, kaya may kilala ako sa paborito niyang KPop group. Tuwing may bagong music video or kahit mga random videos lang ay pinapanood niya sa amin dalawa ni Kira at pinapakilala niya ito sa amin kahit hindi naman kami nagtatanong kung ano-ano ang mga pangalan nito. I missed them. Kamusta na kaya sila? Mag fe-face time kami mamaya pag uwi ko.

The Third MontefalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon