Chapter2- A Sudden Meet-Up

93 26 14
                                    

Psyche Hikiro Grayson's POV.

Hi, I'm Sayk. One of Miks' boy bestfriends. You don't know me huh? Maybe hindi pa kami pinapakilala nung babaeng yun, aish.

Anyways, papunta kami sa Shanen's place dahil manlilibre daw si pareng Silberyo. Sila Silver Nathan Holmes at Ice Faust Danvers ang mga malapit kong kaibigan at syempre si Cloei Mickhaela Reyes. Pumasok na kami sa restau at sinabi na namin ang order namin ni Ice kay Silver dahil siya na daw mag-oorder para makahanap kami ng mauupuan.

Halos mapuno na ang restau at wala na kaming mauupuan. Buti na lang at may nakita kaming bakante kaso anim ang upuan dun at may sobra pang tatlo. Sige na nga lang kesa wala pa kaming maupuan. Habang palapit kami ni Ice dun sa table, may isang babae na papalapit din. Shet ang ganda. Pero hindi pwede, wala kaming mauupuan. Nauna akong napahawak sa upuan, hinanap ko si Silver at nakitang nakahalukipkip lang doon sa likod ko. Ano pa bang maaasahan ko sa kanya? Tss. May nakita din akong babae sa likod nung babaeng kaharap ko na mukhang mataray at nung tiningnan niya ako, tinaasan niya pa ako ng kilay. Aba ayos 'to ah.

Hinarap ko naman yung babae sa harap ko, "Miss, ako ang nauna, pano bayan? Maghanap ka na lang ng ibang mauupuan. O baka gusto mong makiupo sa amin?" Nginitian ko siya ng mapang-asar sabay kindat.

Nagulat ako ng nginitian niya lang din ako. Imbis na magmaldita siya ay, "Yeah, sure" sabay upo dun sa isang upuan at isa pa niyang kasama. Umupo na din kami ni Ice. Siya, kaharap niya yung babaeng mataray habang ako naman kaharap ko yung babaeng maganda.

Masyadong tahimik dito sa table namin kaya susubukan kong magsalita. "Uhh, Hi I'm Psyche. And you are?" Sabay lahad ng kamay ko sakanya.

"Cassy Skye Gryffon. Nice meeting you!" At nakipagshake hands siya sa akin.

Siniko ko naman yung katabi ko and he just gave me his bored look. "Tada, sudeni kanojo ni hanashi o!" Pagpapatungkol ko dun sa babaeng mataray.

"Watashi wa kinishinaide kudasai."

"Yeah, right" I sighed in defeat.

Maya't-maya ay dumating si
Silver na may kasamang babae. "Sino yung kasama mo kanina dre?" Bulong ko kay Silver. "Kasama din ng dalawang babae niyo." Ahhh.

Nilibot ko ang paningin ko ng may nakita akong pamilya na babae. Wait. Si Miks yun ah? Kinulbit ko si Silver, "Si Miks yun diba? Yung may kasamang lalake?" Sabay turo ko dun sa may kinauupuan ni Miks. "Oo, hayaan mo na. Sigurado akong isa lang yan sa mga sick love game. Alam niyang paglalaruan lang siya kaya nakikisabay nalang siya." Nagkibit-balikat siya.


Mik's POV.

Habang kumakain kami, nagtanong si Dylan kung pwede ba daw manghingi ng pabor. "Can I ask a favor? Kung okay lang naman."

"Uhh, yeah sure. Basta kaya kong gawin. Ano ba yun?"

"Can you be my pretend girlfriend?" Tiningnan ko naman siya ng diretso sa mga mata niya.

"Why pretend huh?" Pagtataka ko. Pwede niya naman akong gawing girlfriend ah, yung hindi pretend.

"Because we don't love each other. I want you to be my pretend girlfriend because I need you to gain more girls. And you also need a boyfriend right? So we'll both benefit here." Ahh, so gagamitin lang pala namin ang isa't-isa. "So, Deal?"

"Deal." And I smiled.

"Starting tomorrow, I'll be doing what a normal boyfriend does to her girlfriend. Hatid sundo kita sa bahay niyo, ihahatid ka sa classroom niyo and such things. So be ready." Sabay kindat niya sa akin.

"Okay."

"So we're settled then?  Hatid na kita sa bahay niyo." Sabay tayo niya at lahad ng kamay. Kinuha ko yung kamay niya at tumayo na rin. "Sige tara na." Nag-iwan siya ng pera dun sa table at pumunta na kami sa parking lot. Pumasok na kami sa sasakyan niya at nagdrive na siya.

Pagkadating namin sa bahay ay palabas na sana ako ng hinawakan niya yung kamay ko. "Oh bakit?"

"Thanks, See you tomorrow babe. Good night."

"Good night. Ingat ka sa daan." Lumabas na ako ng sasakyan niya at nagwave na. Umalis na din siya at pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko ay binati ako ng mga maids namin. "Good evening mam." Tinanguan ko lang sila dahil pagod na ako.

Paakyat na ako sa stairs ng tinawag ako ni tita, ang totoong asawa ni daddy. "Saan ka galing?"

"Dun lang po sa labas, kumain lang po. Sige po una na ako, magpapahinga lang po." At umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng pajama at nahiga sa aking kama. Hayss, nakakapagod ang araw na 'to. Mabilis naman akong nakatulog dahil na nga sa pagod.

-x

Tada, sudeni kanojo ni hanashi o! -Just talk to her already!

Watashi wa kinishinaide kudasai. - I don't give a damn.

Ito na po ang update! Sana nagustuhan niyo po! ❤️ Thank you sa 58 reads, 21 votes and 10 comments 😘 Keep voting and commenting po! This chapter is dedicated kay TrixxMikaela dahil sa pagsuporta niya sa akin at sa storyang ito. Hehe lablab <3 Hintay na lang po sa sunod na UD.                   
//MagandangAuthor❤️

 The Almost-Perfect Girl Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin