Chapter 15: Sa Opisina ni Ser ^^

Start from the beginning
                                        

Ang ingay talaga -______-

Binuksan ko yung pintuan ng kotse ko sa may passenger seat.

"Ser naman ih. Napaka.. ano nga tawag dun ser? Ge.. basta yung Gen ser."

"Gentleman?

"Tama yun nga Ser! HAHA! Napaka ganun mo. Biruin mo, pinagbuksan mo ako ng pinto. Ang sweet. Kinikilig po ako."

Bakit ang straight forward ng babaeng ito? >.<

"Sumakay ka na. Ang dami mo pang sinasabi. Mahuhuli na ako sa Meeting ko."

"Ser, yes, Ser"

Tignan mo ito? Parang sira ulo. -_____-

After 15 Minutes, Nakarating na kami sa Building.

"Woooooooow! Ang laki naman."

"Probinsyana talaga" I whispered.

I parked my Car. May reserved slot ako dito.

Malamang, Kami nag mamay-ari ng kumpanyang ito e.

Agad akong bumaba ng Kotse at pinagbuksan si Aya.

Don't get me wrong. I'm just you know.. Gentleman.

"Tara na Ser! Gusto ko ng pumasok sa loob."

Nabigla ako ng hinawakan niya ang kamay ko at hinila papuntang entrance.

Takbo siya ng takbo papuntang entrance. 

Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

I bit my lower lip to prevent it from smiling pero It does not help.

I smile uncontrollably.

Sht. Ano bang nangyayari sakin? Psh.

Parang timang pa itong hangin.

Bigla nalang umihip ng malakas kaya hinahangin yung buhok ko.

Lumingon sakin si Aya. Tulad ko, hinahangin din yung buhok niya.

"Ser! Bilisan mo naman." then she flashed a smile.

Parang slow motion ang mga nangyayari.

Kung titignan, ang ganda ng eksena namin.

"Good Morning Sir and Ma'am." - Guard

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Nakapasok na pala kami.

O_____________O

FCKSHT.

"Oh Ano na Ser? Tara na! Asan na yung opisina mo?" - Aya

"Aya! Ang laki mo namang tanga. Hindi ito ang building ko."

"Ha?"

Ang tanga lang. Ito yung katabi naming building.

Ako naman ngayon yung humila kay Aya. 

"Hala. Bat kasi hindi mo ako pinigilan Ser? Malay ko ba na hindi pala yun. Dapat ikaw nakakaalam e."

"Basta ka na lang kasi nanghihila."

"Eh kahit na. Dapat alam mo na mali yung pinupuntahan ko. Para kang wala sa sarili mo. Ano ba kasing iniisip mo kanina Ser at hindi mo napansin na mali na yung pinupuntahan natin?"

"Ano...kasi.. PSH! Wag mo nga akong kausapin! TARA NA!"

"Sungit" rinig kong sabi niya.

**

"Oh eto ang opisina ko."

"Ano nga palang gagawin ko dito Ser? Bakit niyo ako isinama?"

"Linisin mo opisina ko!"

Nakita ko siyang napatingin sa paligid. "Malinis naman ah."

"HINDI AH!" Agad akong umupo sa swivel chair ko.

Kinuka ko yung mga scratch papers ko at isa-isang crinumpled. Pinagtatapon ko yun sa sahig.

"Oh! Nakita mo? Madumi diba? Maglinis ka!"

"Ang lakas ng tama mo Ser. May basurahan naman diyan sa tabi mo."

"AKO ANG BOSS. AKO MASUSUNOD."

"Oo na po."

I checked my schedule for today.

Sht. May meeting pala ako.

"Aya. Dito ka lang ha? May meeting ako. Linisin mo ang opisina ko. Naiintindihan mo?"

"Opo."

I immediately went outside my office.

**

AYA QUTOTAI

"Ang arte ni Ser. Pasalamat siya crush ko siya."

Nalinis ko na ang buong opisina niya. Tinulungan na nga ako ni Manong Edwardo e.

May Janitor naman pala sla dito.

Naupo muna ako sa may upuan sa harap ng mesa ni Ser.

Naiinip na ako.

Isang oras na ako dito

Ah bahala na.

Lalabas ako.

"Excuse me. Ms Aya?" 

Ano nga ulit pangalan niya? Basta sekretarya daw yan ni Ser. Jean ata ang pangalan. NAKALIMUTAN KO T____T

"Ah bakit po?" 

"Saan ka po pupunta?"

"Sa labas lang. Ang pagkakaalala ko, may nadaanan kaming parke dito nang papunta kami ni Ser."

"Ah oo. Meron nga po. Pero pinagbilinan ako ni Ser na wag kang palabasin."

"Oh? Talaga?" Kinikilig ako. Ano yun? Nag-aalala siya sakin?

"Oo. Sabi niya po kasi.. Ano e..."

"Ah. Jean. Sabay tayong mag lunch ha?" sabi nung lalaki.

"Ahh oo. C-yan" - Jean

Umalis na yung lalaki/

Kapangalan niya si C-Yan na kapatid ni Justin.

"Ikaw ha? Ano mo yun?" pang-aasar ko.

"ah. ANo.. Wala. Si C-Yan yun"

"Alam ko.Narinig ko. C-Y-A-N. C-YAN!" inispell ko pa yun.

Natawa naman siya. Bakit kaya? "Mali po. X-I-A-N.. Xian"

"Ah. Ganoon pala ang spelling nun. Akala ko C-YAN. HAHAHA!"

"Ay. Ano nga pala yung sinabi ni Ser??"' dagdag ko pa.

"Tatanga-tanga ka daw po. Swear! Sabi yun ni Ser." 

Ano yung Swer?

Talagang Ser yun. Hindi naman ako tatanga-tanga ah.

Papatunayan ko yun sakanya.

Lalabas talaga ako.

"Ako na bahala Dun. Sige. Labas na ako. Tatambay lang ako dun. Tapos ko nanamang linisin yung opisina niya e."

Hindi ko na hinintay na magsalita yung sekretarya ni Ser. bahala siya dun HAHA

Takbo lang ako ng takbo hanggang makalabas at makarating ako dito sa parke na ito.

Ang daming bata. ^^

Naupo ako sa may ilalim ng puno.

Ang ganda nilang panuorin.

Takbuhan ng takbuhan.

Keh gaganda at keh ga-gwapong mga bata.

"Sabi na e. Ikaw yan. Hi Aya!"

Napatingin ako sa nagsalita.

Ha? Yung kapatid ni Justin??

"XIAN????"

_____________________________________________________________

Aya QutotaiWhere stories live. Discover now