IBC WC: Contestant #12

Magsimula sa umpisa
                                        

"Ewan. Tignan natin,gusto mo?"she nodded.


Nang makarating kami sa field,nakipag-siksikan naman kami sa ibang mga estudyante doon hanggang sa makarating kami sa unahan.


Nakita ko naman si Blue na nasa gitna habang nasa tapat ng microphone. Yung iba niya namang ka-band mate ay may hawak ng tig-iisang instrumento.


"Mike test! Mike test! Okay!"pagte-test ni Blue sa mikropono. May mga malalaking speakers din at sigurado akong rinig na rinig ito sa buong campus.


"First of all,salamat sa mga pumunta dito ngayon. And now,I want o dedicate this song for the girl who I love."dagdag pa nito.


Bigla namang nag-strum si Red sa gitara niya at pinatugtog yung kantang I'll Be ni Edwin McCain.


" The strands in your eyes that color them wonderful stop me and steal my breath,


And emeralds form mountains thrust towards the sky,


Never revealing their dept."namimigay naman si Blue ng mga red roses sa ibang babae habang kinakanta yung part na yan.


"Oh my ghosh! Baka nga sa kanya nanggagaling yung mga red roses! Baka nga siya yung secret admirer mo!"kinikilig na sambit ng katabi ko.


"Tell me that we belong together,

Dress it up with the trappings of love,

I'll be captivated,

I'll hang from your lips,

Instead of the gallows of heartache that hang from above."


Siya nga ba talaga? Siya nga ba talaga yung nagbibigay sakin ng mga rosas...yung secret admirer ko?


"I'll be your crying shoulder,

I'll be love's suicide,

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your life."


Gusto niya rin ba talaga ako? Hindi ko talaga maintindihan.


"And rain falls angry on the tin roof,

As we lie awake in my bed,

You're my survival, you're my living proof,

My love is alive and not dead."bumaba naman siya sa stage at pumunta sa harap namin. At doon,para akong......


...pinagsakluban ng langit at lupa.


Gusto niya si Lily...at hindi ako.


Biglang nanikip yung dibdib ko ng biglang may lumabas na tarpaulin sa likod nang kanina'y takip-takip lang ng tela. At ang naka-sulat...


CAN I COURT YOU,LILY?


Tumingin naman sakin si Lily. Tinanguan ko naman siya habang nakangiti kahit sa loob-loob ko,ang sakit. Ang sakit talaga.


Alam kong gusto din ni Lily si Blue. Oo alam ko. At sa nangyayari ngayon,napatunayan ko din na gusto ni Blue si Lily.


"Yes."nag-aalinlangang sagot ni Lily. May nagbabadya namang luha sa mata ko kaya pumikit ako ng mariin para maiwasan ang pagtulo nito. Pero,nagkamali ako dahil kahit anong gawin ko,pumatak pa din sila.


Naramdaman ko namang may humila sakin paalis doon sa harap at dinala sa likod. Bakit ba hindi ko naisipan na umalis doon?


Bakit nga ba? Dahil sa umaasa ako na sakin siya magtatapat? Na ako ang gusto niya? Ang tanga ko talaga.


"Salamat."mahina kong sambit habang nakatungo ako. Ayoko na may makakita sakin ngayon sa ganitong sitwasyon. Nagmumukha akong mahina.


"Bakit hindi mo naisipang umalis doon? Kahit alam mong nasasaktan ka na sa nakikita mo?"lalo akong napahagulgol ng iyak dahil sa sinabi ng humali sakin. Pinunasan ko naman 'yong mga luha ko kahit may iilan pa ding pumapatak at tinignan kung sino yung humila sakin.


"Red?"tawag ko sa pangalan niya.


"Hindi ko alam. Siguro dahil kasi umasa ako. Umasa ako,na ako yung gusto niya."ani ko habang may mga hikbi pa ang bawat salita.


"Pero nalaman mong hindi pala ikaw. Nalaman mo na pero,wla ka pa din balak na umalis doon? Kailangan pa kitang hilahin paalis!"he said. Hindi pa din ako tumitigil sa pag-iyak. Ang sakit kasi. Sino ba kasing may sabi na umasa ako? Buti na lang talaga at lahat ng atensiyon ng mga estudyante na nandito ay nakila Blue.


"Paki mo ba? Tsaka..sinabi ko bang hilahin mo ako paalis doon? Wala naman diba?!"sermon ko dito. Hinawakan niya naman yung magkabilang balikat ko.


"And I've dropped out,I've burned up,I've fought away back from the dead,


I've tuned in,turned on,remember the things that you said...."rinig kong kanta ni Blue sa stage.


"Bakit nga ba kita hinila paalis doon sa harap? Simple lang! Kasi ayokong nakikita kitang nasasaktan! Bakit? Kasi gusto kita! Rephrase that. Mahal kita. Pero ang manhid mo! Ang manhid,manhid mo!"


"Hindi mo man lang namalayan na ako yung nagbibigay sa'yo ng mga rosas."nanlak bigla yung mata ko sa narinig ko sa kanya.


"I-ikaw,yung s-secret a-admirer ko?"may kinuha naman siya sa likod niya na microphone at saktong pagtapos ng kanta ni Blue ay dinugtungan niya ito.


"I'll be your crying shoulder,

I'll be love's suicide m

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your...

I'll be your crying shoulder,

I'll be love's suicide,

I'll be better when I'm older,

I'll be the greatest fan of your life.

The greatest fan of your life,

...greatest fan of your life."ngumiti naman ito sakin pagkatapos niyang kantahin iyon. At pagkatapos din non ay may sinabi siya sakin na nagpagising sakin.


"I love you."


[END]

IBC Activity SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon