"Good. Una na ako?"hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tatanungin ko na talaga siya kung gusto niya nga rin ako. Tatapakan ko na yung pride ko. Gusto ko na talagang malaman.
"Ahm. Blue."paninimula ko. Napaharap naman siya sakin at ngumiti ng matamis.
"Bakit Rose?"mahinahon nitong tanong.
"Ahm. Gusto ko lang malaman kung gus--"
"Blue! Ready na lahat! Ready ka na ba?"naputol yung sasabihin ko ng biglang sumingit sa usapan si Red. Isa sa mga ka-tropa at ka-banda na din ni Blue.
"Kinakabahan nga ako eh."ani naman ni Blue.
"Kaya mo yan! Ano,tara na? Practice na lang yung kulang."sab naman ni Red.
"Hi Rose!"ngiting-ngiti na bati nito sakin. Ngumiti lang naman ako sa kanya at kumaway.
"Ah. Rose. I need your support."Blue said.
"Ha? Anong support? Para saan?"tanong ko dito.
"Sa pan--"
"Suporta para sa surpresa mamaya. Nandoon din si Lily panigurado."putol din ni Red sa sinabi ni Blue. Napatango na lang ako at napangiti ng pilit.
Tuluyan na ding nawala sa paningin ko sila Blue at Red. Hindi ko tuloy natanong! Lecheng Red!
***
"Rose na naman? Kay Blue na naman ba galing yan?"tanong sakin ni Lily.
Araw-araw 'tong nangyari tuwing pagkatapos ng lunch break,may maglalagay ng red rose sa upuan ko.
"Anong kay Blue NA NAMAN?! Bakit may 'na naman'? Hindi ko nga alam kung kanino nanggagaling yung mga roses eh."I said habang inaamoy-amoy pa yung rose.
"Malay mo naman kasi si Blue yung secret admirer mo na araw-araw kung magbigay sa'yo ng isang pirasong red rose sa desk mo. Pwede ka na nga atang magpatayo ng flower shop eh."ani nito.
"Kaya ako umaasa dahil sa'yo eh! Pinapataas mo lagi yung expectation ko na may gusto din sakin si Blue!"I said. Nag-peace sign naman siya sakin at ngumiti.
"Rose. Sana huwag kang magalit sakin ha?"napakunot naman yung noo ko sa sinabi niya.
"Bakit nman ako magagalit? Bakit? Ano ba yan?"tanon ko dito.
"Kasi. Gusto ko sanang sabihin sa'yo na gusto ko din si-"
"May kung anong nangyayari daw sa field!" rinig kong sigaw ng kaklase ko kaya naputol yung sasabihin sakin ni Lily. Nagsilabasan din naman yung iba kong kaklase at naki-usyoso sa kung anong meron sa field.
"Anong meron?"tanong sakin ni Lily. Napa-kibitbalikat naman ako.
YOU ARE READING
IBC Activity Section
RandomIBC Activity Section will serve as the "training and seminar" section for aspiring writers. We also do some "brain and talent games" that will surely enhance your skills. What yah waiting for? SALI NA! :)) @MoshieBabes07 @infinitexxyeol 03 13 16
IBC WC: Contestant #12
Start from the beginning
