IBC WC: Contestant #12

Start from the beginning
                                        


"Ibalik mo nga sakin yan!"tinignan niya naman ako ng masama kaya napa-ayos ako ng upo.


"Pang-ilan mo nang ulit 'to? Kung nakakapag-salita lang yung notebook mo,siguro kanina ka pa nito kinagalitan."he said.


"Hindi ko kasi makuha yung tamang sagot eh! Gusto ko ng umiyak!"nanlulumo kong sambit. Nginitian niya naman ako habang umiiling-iling pa.


Yung ngiti niyang mapang-akit,nakaka-starstruck talaga kahit kailan.


"Ganito kasi yan! Makinig ka ha? Nakakatawa nga yung sagot dito eh."he said at sinolve yung problem na nasa notebook ko.


Ang seryoso niya. Nagmu-mukha pa tuloy siyang gwapo sa paningin ko. Yung mahahaba niyang pilik mata na daig pa ang babae dahil sa sobrang haba. Yung matangos na ilong niya na akala mo may lahi pero wala. At yung. I gulp. Yung kissable lips niya na ang sarap halik-


"Ito yung sagot! Nakinig ka ba?"napabalik naman ako sa wisyo ko at automatic na napatango kahit sa totoo hindi ak nakikinig sa explanation niya dahil pinagpapantasyahan ko na naman siya.


"I less than three u?(i <3 u)"I love you? Napatingin naman ako sa kanya na ngayo'y naka-ngiti sakin.


"Sabi ko sa'yo nakakatawa yug sagot eh."I forgot. Nag-assume na naman ako. Math problem nga pala yung pinag-uusapan dito.


Solve for i:

9x-7i>3(3x-7u)

9x-7i>9x-21u

-7i>-21u

7i>21u

i<3u


Magpalit kaya kami ng pwesto? Ak yung nasa sitwasyon niya at siya naman yung nasa sitwasyon ko. Para naman kahit papaano,maamin ko na gusto ko siya.


"Sige na. Pa-check mo na yan kay prof."ani nito at kinindatan ako.


Oh. My. God! Kinindatan niya ako? Kinindatan niya nga ako! Si Blue na crush ko na matagal ko ng pinapangarap ay kinindatan ako? Shems. Sana naman hindi ito panaginip,diba? Huwag niyo akong gigisingin kung panaginip 'to! Oh. My. God! Ito na ba yung tamanag panahon ko?


"Mukhang nakuha mo na yung tamang sagot. Sa susunod kasi Rose,makinig ka sa discussion ko pa hindi ka mahirapan. Okay?"ani naman ni Mam kaya tumango na lang ako at nag-mouth word ng 'opo'.


Actually,hindi siya dapat mouth word eh. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ewan. Pero,parang nahigop yon lahat ng pangyayari kanina.


"Okay class. That's all for the day. See you tomorrow." ani nito at nag-paalam na din kami sa kanya.


"Thank you,Blue."I said. Finally! May lumabas na ding boses.


"Okay lang yon. Sa susunod kasi,dapat makinig ka na sa discussion ni Mam para hindi ka na nahiirapan. Okay?"I nodded.


IBC Activity SectionWhere stories live. Discover now