chapter one:

12.3K 234 22
                                    

Nagmamadali akong gumayak dahil malelate na ako, kase naman tinapos ko kagabi yung mga homeworks ko. Tapos nalate pa ako nang uwi kase tumambay pa kami nila Tricia. Natatakot nga akong bumaba baka kase nandoon pa si daddy, eh for sure papagalitan ako. Lately kase, nale late ako umuwi dahil sumasama ako kila Tricia. Tsaka lage niya kase kasama si Zion kaya na-iinspire ako pumasok.

"SUNSHINE! lumabas kana! tawag ka nang daddy mo." Sigaw ni mommy. Seryoso? nanjan pa si daddy? Inayos ko ang sapatos ko at nagmadaling lumabas nang kwarto, nasa eight grade na ako ngaun.

"Baket palagi kang late umuwi Sunshine?" Hindi pa ako nakakaupo ay binabatikos na ako ni daddy. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Eh ano- kase- daddy,  nag gu-group studies kami nila Tricia sa lib, tsaka nasa school lang naman ako." Halos di ako makatingin sa kanya, ni hindi ko nga manguya nang maayos yung kinakain ko kase naman apaka sinungaling ko.

"Make sure studies yang ginagawa mo, baka nakikipag-boyfriend kana."sagot ni daddy kaya naman nasamid ako. Grabe? boyfriend agad? walang ngang nanliligaw saken eh. Tss!

"Hindi po.."  tumayo na ako kase male-late na ako nagpaalam na nga ako sa kanila eh.

Naglakad ako palabas nang subdivision namen. Pag umaga kasi ay di na ako nagpapahatid at ginagamit ni daddy yung kotse. Pero sa uwian sinusundo ako.

"Bulaga!" Halos masubsob ako sa kanal dahil sa pagkagulat.

"Hahahaha! Hanggang ngaun Sunny lampa ka pa din." umayos ako nang tayo. Gusto kong pigain sa utak ko ang lamang luma na ito sa harap ko.

"eh baket ba kase nanggugulat ka?" iritable kong sabi at nagpatuloy maglakad. Tas naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin. Kaya huminto ako. Tapos huminto din siya.

"Teka nga Maico, sinusundan mo ba ako?" hinarap ko siya tapos naka pameywang ako. Kumunot naman noo niya tas biglang tumaas isang kilay.

"Feeling mo naman Sunny!!!baket naman kita susundan?" naglakad siya at nilagpasan ako. Pag talaga si Maico ang kaharap ko, mabilis na kumukulo ang dugo ko. Hindi na ako kumibo at nagpatuloy na lang ako maglakad. Tapos, nagulat ako nang biglang huminto si Maico kaya muntik pa akong masubsob sa likod niya.

"Teka nga lang Sunny!" nakapameywang din siyang humarap sa akin. Tinaas ko yung kilay ko at saka nakipagtitigan ako sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?" Seryosong seryoso naman siya. Adik ba si Maico? sinabihan ko naman  siya na ang katol pang patay nang lamok, hindi hinihithit. Ang high eh.

"Baket naman kita susundan, aber?" humakbang ako tas tinabig ko siya. "Tabi nga, umagang umaga nakakairita ka!" nauna ulet ako maglakad .

"Tsss. Ang bagal mo kase maglakad, pakiramdam ko gusto mo talaga ko kasabay eh." Nagulat ako nasa tabi ko na siya.

"Umusad ka nga Maico! kinikilabutan ako seyo, lalo na sa mga sinasabi mo." Paano naman dumidikit yung siko niya sa braso ko. Instead na lumayo eh lalo pa siyang dumikit sa akin.

"Kinikilabutan? mukha mo Sunny, kinikilig ka lang eh.." tatawa-tawa pa siya.

"Hee! nananan-ching ka lang eh!"

"Oi Sunny , wag kang feeling ah, kung gusto kita chansingan hindi kita didikitan, laplapin ko agad yang labi mo.." Halos manlaki yung mata ko sa sinabi ni Maico. Tapos bigla siyang kumaripas nang takbo. Grabe talaga yung kababuyan lumalabas sa bibig nang lalaki na iyon. Inborn eh.

"Oh bat nakabusangot yang mukha mo?" Nabalik ako sa realidad nang kausapin ako ni Tricia. Nasa canteen kase ako dahil kinausap pa si Tricia nung teacher namen. Kakatapos lang kase nang klase eh.

"Tara sa tambayan." Mabilis umangat yung tingin ko kay Zion. Eto na naman yung puso ko, ang bilis nang tibok. Tumayo na ako kase nakatayo na naman sila. Tatabi sana ako kay Zion kaso pumwesto siya sa tabi ni Tricia. Hindi ko maiwasan malungkot. Malakas ang pakiramdam ko na may gusto yan kay Tricia eh. Ang aloof kase niya masyado. Kung si Enzo makulit kahit papano, si Zion hindi, masyado siyang tahimik tsaka kay Tricia lang siya malapit. Bagsak ang balikat akong sumunod sa kanila. Feeling ko kase pang fifth wheel ako sa kanila. Si Enzo kase may kasama na ibang babae,  Nanaman. Tapos si Zion nakatabi kay Tricia. Kaya sa likod nalang muna ako .

"Ayun pala si kupal." biglang sabi ni Enzo. Napatingin ako sa tinuturo niya. Sana pala hindi nalang ako tumingin kase naman kumulo na naman yung dugo ko. May kaakbay siya na babae na di naman katangkaran pero black beauty siya or should I say morena. Well, ala naman din bago kay Maico isa pa yan. Hindi siya babaero, manyak po siya.

"Bye, Ichee." hinalikan niya yung babae. Alam ko nasa grade ten na yun kasama ni Maico at kabatch nila, nakikita ko kasing kasama yan sa cheerleading club. Yan yung laging kasama ni Ashly eh, yung cheerleader. Nag iwas ako nang tingin sa kanila. Kase naman yung babae akala mo mahihimatay sa kilig . I pity her. Bibiktimahin lang siya nang manyak na yan.

nagpatuloy na kami nang lakad. Ako ganoon pa din, nakasunod pa din sa kanila.

"Oh baket ka tumabi saken?"umiwas ako nang ka-onti kase naman ang lawak nang daan kulang nalang yakapin niya ako sa sobrang lapit niya.

"eh kanino ako tatabi?kay Enzo na kulang nalang kainin yung syota niya?or kay Zion na kulang lagyan nang kulambo si Tricia para hindi makita nang iba?wala naman akong choice di seyo ko tatabi." Tapos dumikit na naman siya. Hindi ko na pinansin  yun kase napatingin ako kay Zion na masayang nakikipag-usap kay Tricia. Parang may tumusok naman sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita, pakiramdam ko pa nga ay may namuong luha sa gilid nang mata ko.

"Hoi Sunny ang dami naman jan si Zion pa nagustuhan mo!eh nako wala kang pag-asa dun." Dun na ako napatingin kay Maico. Di ko alam kung seryoso siya or what pero nakangiti siya. Tapos nakatingin siya sa malayo.

"Eh sino naman may sabi seyong gusto ko si Zion?" Kahit mahirap pinilit ko magsalita. Ayokong umamin na gusto ko si Zion. Even if I'am hinding hindi ako aamin noh.

"Naku Sunny don't fool me alam ko yang tingin mo!" Tapos seryoso na talaga siya wala na ngang bakas nang humor sa sinabi niya eh.

"I'm not fooling you Maico I'm not into Zion! Wag ka ngang imbento!" Tas bumagal yung lakad niya kaya sinabayan ko . Pero ngaun hindi na siya nakatingin sa akin tas nawala yung ngiti sa mukha niya .

"I know Sunny kase yung tingin mo kay Zion ganun kita tignan." Kaya napatigil ako sa sinabi niya. Gago ba ito?

"Joke yan Maico noh?pinagtitripan mo naman ako!bwiset ka talaga!" pero ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung baket pero mas malakas pa sa kaba ko kaysa kay Zion.

"Hahaha!kinilig ka Sunny aminin mo. Ang epic nang mukha mo eh. Ayieee!" Tapos tumawa siya nang tumawa. pakiramdam ko gusto ko lumubog dahil pakiramdam ko napahiya ako. Kaya nilapitan ko siya at pinaghahampas.

"Aray naman Sunny!" Tapos patuloy pa din pag hampas ko.

"Nag-aaway na naman kayo?"sabay sabi nila Tricia Zion at Enzo. Pero wala na akong pakealam napakagago talaga nang lalake na ito. Tumigil ako sa paghampas. Medyo hinihingal pa nga ako. Tapos inayos ko yung damit ko.

"Mauna na ako." Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila.Naglakad na ako palabas.

"Sunny!!" Rinig kong tawag ni Maico pero diretso lang ako nang lakad. "Sunny hindi joke yun!totoo yun!"

I hate him!

---

Dedicated to:.CreepyPervy

Ganyan muna dedication ko sa cp lang kase ako nagtatype kung sinu may gusto lagay lang sa MB ko thanks!

Still The One | (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon