Chapter 5

10.8K 236 10
                                    

Chapter 5

Mr. Stranger

Madaming nangyari saakin na hindi maganda ngayong araw. Ewan ko ba kung ano meron sa araw na 'to. Ito na ata iyong pinaka-malas na araw na nangyari saakin in my entire life!

Naiwan naman kaming dalawa ni Shawn dito sa table ng canteen. Tuluyan naman talaga kasi ako iniwan ng mga kaibigan ko, akala ko kasi joke lang pero umalis talaga sila kasama ang mga badboys.

Hindi tuloy ako maka-kain ng maayos dahil kasama ko si Shawn. Feeling ko kasi ay binabantayan niya ako sa bawat ko. Everytime im taking a bite of my food, I feel like he keeps on staring on me kaya naiilang ako.Hindi ako naga-assume pero parang ganoon na nga.

Tumingin naman ako ngayon kay shawn na paalis ngayon sa tabi. Iiiwan niya ako?

"Sige lang, iwan mo ako. Sanay naman akong palaging mag-isa"

Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkaka-alis niya ay tuluyan ng hindi bumalik ang loko. Nainis naman ako kaya binilisan ko naman ubusin yung pagkain ko para maka-alis na sa cafeteria.

Nandito na ako sa garden ng school. Tinitignan ko naman ngayon yung mga flowers na inaalagaan ng school.
Kinuha ko yung phone ko na nasa bulsa ko at naisipang picturan para may mai-post sa instagram.

I want to be a photographer someday but looks like Im going take business in the future. Wala eh, walang magmamana ng business nila Mommy pag hindi ako nag-business. No choice ay magbi-business na talaga ako.

Um-upo ako sa may bench dito sa garden ng school. Binuksan ko naman iyong bag ko para kunin iyong earphones ko. Maganda mag-soundtrip dito kapag maganda ang view kaya buti nalang ay dala ko lagi iyong earphones ko.

Tinignan ko yung wrist watch ko. 30 minutes pa naman bago yung next class ko kaya may time pa ako para tumambay dito sa garden.

Pinindot ko naman iyong shuffle sa playlist ko at nagplay naman iyong song na 'On the wings of love by kyla.

Habang nagpe-play iyong song ay hindi ko naririnig iyong nasa paligid ko dahil sa naka-earphones. Wala na din akong pake sa paligid basta ay nagchi-chill lang ako dito habang nakatingin sa clouds.

Hindi ko namamalayan na nagha-hum na ako dahil nararamdam ko na nagva-vibrate iyong lalamunan ko pero okay lang yun. Mahina lang naman yung pag-hum ko kaya okay lang kasi hindi yun maririnig ng iba.

After the song, tinanggal ko yung pagka-kabit ng earphone ko and I saw the students here, clapping their hands.Nanlaki iyong mata ko dahil sa nangyayari ngayon. Tumayo ako at tinignan silang lahat. Im not dreaming and this is true, all of them are clapping their own hands.



"Wow andrea, ang galing mo kumanta!"

"Ang galing mo andrea wohooo!"

"Crush pa-pictureeee!!"

What the hell? They heard me singing? Sa pagkaka-alam ko ay nagha-hum lang ako pero ayon sa narinig ko ay kumanta na ako ng hindi ko namamalayan.

Halaaaaa nakakahiya!!

"Hehe thank you.." nahihiya kong sabi pagkatapos ay umalis na ako ng garden habang nakayuko.

Isang nakakahiyang nangyayari nanaman hays. Sa kamamadali kong maglakad dito sa hallway para pumunta nang room ay mayroon akong nabangga na lalaki.



Hindi ko alam na malakas pala ang pagkaka-bangga ko. Kaya napa-ibabaw ako sakanya

Isang nakakahiyang nangyayari nanaman ngayon araw aish.

Nandito parin ako sa ibabaw niya kaya napatingin ako sa mukha niya. Ang bilis ng heartbeat ko ng nagkatitigan kami. As in super bilis .



Tumayo naman ako sa pagka-ibabaw ko sakanya at nagsimula na din ako mahiya.



"Sorry--"sabi ko pero pinutol naman niya yung salita ko

"No no! It's my fault. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaan ko" aniya habang hawak niya iyong batok niya.

Omg, iyong tummy ko parang may butterflies. He's so gwapooo!

"Ikaw? Are you okay? Nasaktan ka ba?" Natataranta niyang sabi.

Nanlaki iyong mata ko ng hinawakan niya iyong braso ko. Chini-check niya talaga kung may nangyari talaga saakin

"Yes I'm fine. Okay lang yun wag mo na pansinin" hampas ko sakanya with matchy smile.

Alam kong mukha akong malandi pero kailangan talaga lumandi para magka-jowa ka. Paano ka magkaka-jowa kung hindi ka lalandi duhh.



"By the way I'm Tristan Tyler Ramos. You can call me Tristan, ikaw?" he said while smiling, nilahad naman niya iyong kamay niya saakin.

Tyler? Nice name.

"Andrea.." tinanggap ko naman iyong kamay niya.

Tumunog iyong bell kaya nawala iyong tingin namin sa isa't-isa. Wrong timing nga naman.

"Sorry Andrea. I need to go, see you again next time!" sabi niya habang nagwe-wave.

See you again next time crushie!

Secretly Married to a Badboy (Completed)Where stories live. Discover now